Angel Locsin agrees to go topless for jeans endorsement

"Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, diba, parang why not? Wala naman akong ginagawangmasama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring," explains Angel Locsin about her topless pictorial.



Napakalakas na hiyawan ang sumalubong kay Angel Locsinpaglabas niya ng stage sa fashion show cum launching niya bilang bagongendorser ng Folded & Hung sa Activity Center sa TriNoma last Saturday, June21.

"Feeling model," sagot ni Angel nang i-welcome siya ng hostng event na si Phoemela Barranda.

A few weeks back ay naging isyu ang pagiging endorser niAngel ng ibang clothing line pagkatapos kunin ng dating ini-endorse na JAG jeans siMarian Rivera. But it turned out na may bago nang ie-endorse na brand ngpantalon si Angel, ang Folded & Hung.

"Ten years na sila sa business at para rin ‘yang pag-aartista.You always have to show something new to offer. At para sa akin, dahil umabotsila ng ten years with great results, indicator ito na tama ang kanilangginagawa at talagang tinatangkilik sila.

"When I found out that they were interested in me, sobrang na-flatter at natuwa ako.So, sobrang natutuwa ako, na mabigyan ng ganitong pagkakataon na makasali sakanila," pahayag ni Angel.

Happy and thankful si Angel dahil pinagkatiwalaan siya ngF&H na makasama ang iba pa nilang endorsers na sina Claudine Barretto atMaja Salvador.

Sa gitna ng Activity Center ng TriNoma nakasabit ang naglalakihangtarpaulin ni Angel for F&H kung saan wala siyang suot na pang-itaas, kitaang likod at nakasuot ng pantalon. Paano siya napapayag na mag-pose ng toplesssa billboard?

"Biglaan lang yun, e," sagot niya. "Wala kasi kaming mgapeg. Ganyan mag-work ang F&H. Parang sobrang genius nila, biglaan lang.

"Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, diba, parang why not? Wala naman akong ginagawangmasama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring."

Ngayon, hindi man gustuhin ni Angel, tiyak na maikukumparasiya sa F&H endorser na si Claudine.

"Naku, there's nothing to compare. Si Ms. Claudine, Ms.Claudine na ‘yan. Ang dami-dami na niyang achievements. Ano naman po ba akocompared to her?" ani Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya matalbugan pa niya sina Claudine at Maja as endorserng F&H? And later, tuluyan na niyang palitan sina Claudine at Maja?

"Ah, walang ganun, walang ganun na deal. Kahit hindi pa kamitalaga nakakapagtrabaho kapag nasa isang company hindi naman sila ganunklaseng tao at iba-ibang ino-offer para sa brand at para sa mga tao kayanandito kami."

Nilinaw rin ni Angel ang isyu na sinulot niya ang F&H kinaClaudine at Maja.

"Ganun ba kadali yun? Hindi naman ako nagbayad sa F&Hpara kunin ako, di ba?"

May balita na nagalit daw si Claudine dahil bigla siyang kinuhangendorser ng F&H? Ano ang reaksiyon niya rito?

"E, hindi pa kami nagkikita ni Ms. Claudine ngayon, perohindi naman. Parang sa akin, ginagawan lang ng intriga ng mga tao kasi siyempre,‘eto, bagong part ako ng family ng F&H, pero hindi naman. Bagong sampa langako sa pamilya."

Hindi niya pinalitan si Claudine?

"Hindi po," tanggi ni Angel. "Iki-clear ko po, karagdaganlang po ako dito. Wala po akongpinalitan kahit na sino."

Wala bang usapan na magsasama-sama sila nina Claudine atMaja para sa proyekto ng F&H tulad ng billboard?

"Merong pinaplano, pero hindi pa sure. Tulad ng sinabi kokanina, wala kami nung mga peg talaga,"pagwawakas ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN