Dolphy gives rare interview in celebration of 80th birthday on July 25

Says Comedy King Dolphy about Vic Sotto,"Nakikita ko siya, he's so generous, kamukha ko rin. Mabaitsiya, kamukha ko rin. Well, hindi naman kami basagulero, kamukha ko rin.Ma-chick! Kamukha ko lang. Ha-ha-ha! Well, halos parehong-pareho kami.Nakakasama ko siya, hindi rin siya palaimik. Tahimik lang. Pasundut-sundot langng joke."



Very rare magpa-interview ang Comedy King na si Rodolfo VeraQuizon, better known to all of us as Dolphy. Pero last Sunday, sa ShowbizCentral, sa mismong tahanan pa niya at ng partner niyang si Zsa Zsa Padillanagpa-interview kay Pia Guanio si Dolphy bilang bahagi na rin ngpagse-celebrate ng ika-80th birthday niya sa darating na July 25.

Bago ang mismong interview kay Dolphy, nagbahagi muna ngilang touching anecdotes about their father ang mga anak ni Dolphy na sinaRonnie at Epi Quizon. Pagkatapos ay sinimulan na ni Pia ang kanyang exclusiveinterview sa beterano't pinakakilalang komedyante ng bansa.

Ang den sa ibaba ng kanilang bahay ang sagot ni Dolphy saunang tanong ni Pia kung ano ang pinakapaborito nitong spot sa kanilangtahanan.

DOLPHY AS A FATHER. Bilang ama, ano naman daw angpinakapaborito niyang ginagawa with his children?

Sagot naman ni Dolphy, hindi na raw nila masyadong ginagawang kanyang mga anak dahil malalaki na raw ang mga ito't may mga asawa na, perodati raw ay they make it a point to have dinner every week to bond.

Bilang ama, maraming pinagdaanang hirap si Dolphy.Aniya,"Pinakamahirap yung mamatayan ka ng anak. That's the worst na mangyayarisa ‘yo. And then, yung nangyari kay Junior. Nang makulong siya. Yung nangyaringaksidente kay Vandolph. Talagang parusa. Yung halos lahat ng santo, tinatawagmo talaga. Yun ang pinakamahihirap.

"Napakahirap mamatayan ng anak,malupit! Namatayan ako ng nanay ko at tatay ko, but I know it's coming. Peropara sa isang bata pa, masakit. Masakit! Yun lang naman ang mga encounter ko,pero siyempre, nasa Itaas ang director, e. Kung kailan ang exit mo, kailan ang enter frame mo, Siya ang nagdidireksa Itaas, e."

Sinabi ni Pia ang parehong mensahe ng dalawang anak niya nasina Ronnie at Epi na sana raw, makasal na ang kanilang ama kay Zsa Zsa. Isangbagay na obviously, gusto rin na maisakatuparan na ng Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga sana. E, nahihiya na nga rin ako kapag lumalakadkami sa abroad. Magkakasama kami pero pagtingin sa passport mo, single, di ba?Uugod-ugod na ‘to, e, single pa rin pero ang dami-raming batang babaengkaakbayan sa tabi niya," natatawa niyang pagkukuwento.

"E, siyempre, wala. E, talaga namang hindi mo puwedengdayain ang papel mo. Talagang single naman."

DOLPHY-ZSA ZSA WEDDING. Sumunod na tanong ni Pia aykung may plano na raw bang talaga silang pakasal ni Zsa Zsa?

"Oo...siyempre, kung puwede na ba. Pero, mahirap sabihin, e.Personal side sa kanya yun [Zsa Zsa], hindi naman sa akin. Sa akin, wala namangproblema. Sabi ko nga, maski sa tabi lang ng kusina, puwede ‘kong magpakasal."

Aminado naman si Dolphy na after 20 years, hindi na raw niyamasasabing ganoon ka-alive ang relationship nila ni Zsa Zsa.

"Siyempre, may mga anak na kayo. Pero ang amin lang,idinadaan namin sa friendship. Bukod samag-asawa na kami. Ako kasi, itinuturing ko siyang asawa, hindi lang live-in,mahigit 20 years na kaming magkasama. Yung mga anak namin, mga dalaga na.Magde-debut na yung isa next month. So, kami, kasama ang friendship. Kapagkaming dalawa na lang, doon na lang kami nagniniig, kung anuman," natatawaniyang pahayag.

Pia's next question to Dolphy: Ano ang paboritonilang ginagawa ni Zsa Zsa?

"Well, actually, mas madalas na hindi kami nagkikita. Aalissiya ng maaga, tulog pa ‘ko. Pagdating niya rito, ako naman ang umaalis na.Nagkikita na lang kami sa gabi. Sa gabi na lang kami nagkikita. Kung minsan maypinag-aaralan siyang kanta. Ganoon naman, kapag meron siyang pinag-aaralan,dito ako sa den. Ayoko naman siyang gagambalain para makapag-concentrate siya."

Hindi napigilan ni Pia na sabihing sa palagay niya raw, kungano sina Dolphy at Zsa Zsa ay gayundin sila ni Vic Sotto in the future. Kaya't pinayuhan pa si Pia ni Dolphy na giveand take lang dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOLPHY'S HARDSHIPS. Two parts ang naging exclusiveinterview ni Pia sa Comedy King. Sa ikalawang bahagi, dito napag-usapan angfilm and book biography na ilo-launch para sa kanyang ika-80thbirthday.

"Well, si Eric ang nag-push diyan. Since 80 ka na, dapatmeron ka nang ganito-ganyan. So, sabiko, yeah, sige. Siya naman ang nagpursige. Actually, medyo tapos na ang libro.Ine-edit pa namin. Sabi ko nga, yung mga tahimik na ang buhay, huwag nangpakialaman yun at baka tayo madisgrasya."

Sinang-ayunan ni Dolphy ang sinabi ni Pia na mukhangmatitindi raw ang mga revelation sa libro.

"Marami. Maraming nangyari sa atin doon. Lalo na yungpanahon ng Hapon. Yung mga hardships talaga. Yung sasakay ka sa train nasiksikan at nahuhulog kami. Tatlong araw kami sa Baguio na hindi kumakain.Nagtatrabaho ako sa Hapon. Maliit pa ‘ko, trese anyos pa lang ako, nagtatrabahona ‘ko.

"Meron din yung anim na buwan kaming nagsu-shooting, peronang panoorin ko ang pelikula, dulo lang ng ngipin ko nakita mo, walang mukha,"natatawa niyang maala-ala. "Marami, maraming ganoon. Experience sa umpisa kong pag-aartista. Maraming hirap bago ka nakarating sa ngayon."

Marami raw siyang nami-miss sa mga naging kasabayan niyangartista noong araw na mga namayapa na. Ilan sa mga ito ay sina Panchito atBabalu, lalo na raw kapag kumakanta siya na kailangang may ka-duet.

Kuwento pa rin niya, "Minsan nga nang kumakanta kami ni Vic,tinanong ko siya kung hindi ka ba natatakot? Ha-ha-ha! E, lahat ng nakakaparehako, natotodas!"

JUST LIKE DOLPHY. Sa tanong naman ni Pia kung maynakikita raw ba si Dolphy na komedyanteng puwedeng pumangalawa sa kanya,nagkatawanan na lang ang mga ito nang isagot ng Comedy King kay Pia na, "Kilalamo yun!" Obviously, referring to his co-star Vic Sotto na kasama niya sakanyang bagong movie.

"Kilalang-kilala mo yun! Hindi pangalawa yun. Actually, unana rin yun. Hari na rin yun."

Sabi pa ni Dolphy, "Nakikita ko siya, he's so generous.Kamukha ko rin. Mabait siya, kamukha ko rin. Well, hindi naman kami basagulero,kamukha ko rin. Ma-chick! Kamukha ko lang. Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, halos parehong-pareho kami. Nakakasama ko siya, hindirin siya palaimik. Tahimik lang. Pasundut-sundot lang ng joke."

Enjoy raw si Dolphy sa shooting ng movie nila ni Vic dahil first time nga nilang magkasama.

"Enjoy kami. Tawanan lang kami nang tawanan. Before andafter, wala kaming ginawa kundi kumain. Walang tigil ang dating ng mga pagkain.

"At naglalaro kami in a place na hindi ka maiinitan.Malamig, e. Masarap magtrabaho. Walang dull moment. Maski na napupuyat kami,tawanan lang kami nang tawanan. Maski yung kinukunan namin, nagkakatawanankami."

Sa huli, inimbitahan ni Dolphy ang lahat na manood ngmovie nila ni Vic at sigurado raw na hindi magsisisi ang sinumang manonood.Matagal raw nilang plinano ang magkasama at finally, ngayon nga lang natuloy.Naikuwento rin niyang sila rin daw ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino nasi Fernando Poe Jr. ay nag-plano rin, pero never na nag-materialize dahil sapagpanaw nga nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN