Sheryl Cruz trying to move on after filing for divorce

"Right now, I'm trying every day to move on. It's not easy kaya ‘pag may mga lumalabas na rumors, ang nasasabi ko na lang,‘Come on, please.' Probably para sa iba, typical move ito but it's not veryeasy for couples who just broke up or in the stage of divorce or separation naganun kadali," says Sheryl Cruz about coping after filing for divorce with husband Norman Bustos.



Sa pagbabalik ng bansa noon ni Sheryl Cruz pagkatapos ngmahabang panahon na pamamalagi sa Amerika kasama ang asawang si Norman Bustosat ang anak nilang babae, kasabay nito ang balitang shaky na ang kanilang relasyon.

Sa past interviews ni Sheryl ay panay ang tanggi niya na may problema sa pagsasama nila ni Norman. Pero sa kabila nito ay hindi parin mamatay-matay ang issue.

Hanggang kinumpirma mismo ni Norman sa kolumnistang si RickyLo na hiwalay na talaga sila ni Sheryl. Hindi na nagulat ang karamihan nang pumutokang balitang ito dahil kumpirmasyon lamang ito ng matagal nang haka-haka.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaySheryl ay kimumusta namin ang relasyon nila ni Norman.

"Right now, I'm trying every day to move on," umpisa niya."It's not easy kaya ‘pag may mga lumalabas na rumors, ang nasasabi ko na lang,‘Come on, please.' Probably para sa iba, typical move ito but it's not veryeasy for couples who just broke up or in the stage of divorce or separation naganun kadali.

"Para sa akin, aasikasuhin ko na lang muna is myself so thatI could love the people that really matter to me the most. I know I couldn'tgo wrong and I want to thank everybody who has been supporting me, especially myfamily and yung ibang mga katrabaho ko."

Nang tanungin ang ilang detalye kung bakit nauwi sapaghihiwalay ang mahigit sampung taon nilang relasyon ni Norman, sinabi niSheryl na mas mabuting huwag na muna siyang magsalita, lalo pa't nasa korte naang kaso nila.

"I can't really shareit right now with the public kung anuman ang mga proseso na nangyayari, kasiwe're still in the process of that, and hindi pa kami puwedeng magsalita becauseof some matters. Ako naman, I will speak as soon as I'm given the go-signal bythe lawyer," pahayag ng aktres.

Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Norman, nilinaw ni Sherylna laging bukas ang komunikasyon nila para na rin sa nag-iisang anak nilang siAshley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We talk for our daughter, it's important that wecommunicate," sabi niya. "Whenever we talk, it's purely about raising ourchild. You wouldn't want to see your family separated of course. But then,hanggang doon na lang siguro talaga kami.

"I tried my best as a wife. I know he did his best as a dadand as a husband. Siguro ganito lang siguro ngayon, even though we're nottogether, at least we're working the best way we can for our daughter to becomethe best parents we can."

May balita rin na nakikita nang lumalabas si Sheryl datingother men. Itinanggi niya ang balitang ito.

"I don't think I'm ready to date anyone at this time," diinniya. "I've been married for twelve years and hindi ganun kadaling mabubura angalaala ng isang taong minahal mo at nakasama mo ng labindalawang taon. People,I guess, nakita ka lang na may kasama kang kaibigan, para sa kanila date nayun. Ako, I just stay home if I'm not at work. Kasi nga, masyado pang maselanngayon yung stages na kinalalagyan ko.

"Saka Pilipina ako by heart. Dito ako lumaki, iba ang atingkultura, iba yung kinalakihan natin. Kailangan kong irespeto ang sarili ko paramaipakita ko sa anak ko at sa pamilya ko na mahal ko sila."

Sheryl is busy finishing her upcoming album underWarner Music. Mapapanood din siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, atnasa cast siya ng Varga, kung saan gaganap siya bilang kontrabida niMariel Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN