Tonsillitis nearly spoils Alfred Vargas's fun as Makulay for Kapusolympics

"Una, fever lang; then, tonsillitis. Afterwards, sabayna. Tonsillitis na may fever na. Pabagu-bago kasi ang panahon doon. Mainit,'tapos bubuhos nang konti ang ulan. Kapag nabasa ka at napagawi ka sa mayaircon, 'ayun, sakit talaga ang dadapo sa 'yo. Ganoon ang nangyari saakin," Alfred Vargas relates how he got sick while promotingKapusolympics as Makulay.



Sa 58th anniversary ng Kapuso Network, idinaos muli ang Kapusolympicsat si Alfred Vargas ang nagsilbing official torch-bearer bilang si Makulay. Siya ang handsome mascot ng Kapusolympics nasumusulpot sa lahat ng programa ng GMA-7 para i-promote ang event.

"Last year, ako rin, kaya natutuwa ako dahil ako talagaang pinipili ng GMA-7," sabi ni Alfred. "Ako rin bale angtumatayong official representative ng Kapusolympics. Ako nga si Makulayna parang siya ang nagde-describe kung ano ba talaga ang buhay natin."

HONORED TO BE MAKULAY.Naihalintulad pa ni Alfred ang GMA-7 event sa Olympics, na siMuhammad Ali ang isa sa naging official torch-bearers noon.Ganoon din kung tutuusin yung status ni Alfred bilang Makulay.

"Kahit for fun lang ito, I feel honored pa rin,"pahayag ni Alfred. "Tinuhog ko na lahat ng shows. Tumatakbo ako from oneGMA show to another. Very successful kasi yung last year, kaya hayan, inulit nanaman. Grabe! More than 20 shows na ang napuntahan ko just for that—sitcoms,musical-variety, live shows.

"At saka kagagaling ko rin lang sa Hong Kong para sa NUTSEntertainment. Nag-taping ako doon, at bising-busy rin ako sa Dyesebel, na sa ngayon, nagiging veryinteresting na yung angle sa amin ni Marian [Rivera].

"Yung character ko kasi rito, unti-unti nangnapapalapit kay Dyesebel, kaya gumaganda pang lalo para masubaybayan, lalo ngfans ko," nangingiting lahad ni Alfred.

Alfred plays the role of Erebus, isang sireno (merman), whofalls in love with Dyesebel.

DEFENDING MARIAN. Matagal na rin niyang katrabaho siMarian, at lalo silang naging malapit nang gawin nila ang Muli, isangco-production ng GMA-7 with a Malaysian TV network. Kaya dinidipensahan dinniya ang bida sa Dyesebel lalo sa mga paninira rito, na kesyo isa siyangmaldita na itinatago lang sa sweetness ng kanyang portrayals sa TV.

"Total misconception ang mga lumalabas," sabi pani Alfred. "Matagal ko na kasi siyang kakilala, at wala akong napapansingnagmamaldita siya, o may attitude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nangyayari 'yan dahil sa sikat na sikat na rin siya.Malaki na ang pangalan niya, kaya, hayan, pinupukol ng mga intriga. Kontinggalaw lang niya, pinapalaki.

"Pero si Marian kasi, napakanatural niya, e. What yousee in her is what you get. Kung ano ang nararamdaman niya, sasabihin niya.Nagpapakatotoo lang naman siya," pagtatanggol ni Alfred kay Marian.

TONSILLITIS AND FEVER.Naibalita rin ng aktor sa amin na nagkasakit siya. Dinapuan ng tonsillitis atfever mula nang magtungo siya sa Hong Kong at Macau.

"Una, fever lang; then, tonsillitis," kuwentoniya. "Afterwards,sabay na. Tonsillitis na may fever na. Pabagu-bago kasi ang panahon doon.Mainit, 'tapos, bubuhos ng konti ang ulan. Kapag nabasa ka at napagawi ka samay aircon, hayun, sakit talaga ang dadapo sa 'yo. Ganoon ang nangyari saakin."

Na-stress si Alfred kung tutusin dahil mula sa Macau,dumiretso na siya sa Calatagan para sa Kapusolympics. Doon na siyanababad sa ilalim ng araw at doon na nag-umpisa ang pagkakasakit niya, pero naagapan naman.

NON-SHOWBIZ DATES.Zero ang love life ni Alfred for quite a time. Pagkatapos ng relasyon nila niLJ Reyes, naghahanap ang fans niya ng ingay na may kaugnayan sa kanyang lovelife.

"Oo nga, e," napapailing na sabi pa niya."Masaya naman ako, kasi, ngayon ko lang nae-enjoy uli yung tahimik nabuhay. Natutuwa rin ako ngayon, 'cause I meet a lot of people.

"May nakaka-date pa rin ako. Kaya lang, puro out ofshowbiz na. Masarap lang isipin kung minsan, para mayroong drive sa trabaho.Pero kapag may mga problema na hindi maiiwasan, pati ang career, kahit paano,apektado," pagwawakas ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN