Jericho Rosales on Heart Evangelista's claims: "Kung ano na lang ang sinabi ni Heart, siguro, ganoon na lang yun."

"I don't want to answer back. Kasi, hahaba at lalaki pa angisyu," says Jericho Rosales about ex-girlfriend Heart Evangelista's claims thatEcho had affairs with his foreign co-stars, which led to their breakup.



There's a warmer welcome for Jericho Rosales. Kaya rawgustung-gusto niyang umiikot sa loob ng ABS-CBN compound dahil lahat ng mga taoroon ay parang na-miss siya at nangungumusta. For Echo, this is a good sign.

"Ang daming lumalapit sa akin, like sina Mariel Rodriguez, BiancaGonzalez, and almost everybody, they tell me how much they miss me raw.Wow! I feel so loved.

"I even made rounds sa radio stations promoting myalbum, di ba? Sa DWLS [GMA-7 FM radio station] nga, grabe yung pangungumustanila roon, and I feel tuloy, nawala nga ako for a time, and they're so glad tosee me around once again," sabi ni Echo.

DEFENDING THE LADIES.Lately, umiingay na naman ang mundo ni Echo at muling isinasangkot ang pangalanni Heart Evangelista rito. Ang leading lady niyang si Carmen Soo sa teleseryengtinapos ni Echo sa Malaysia ay ang itinuturong third party involved sa splitnila ni Heart na nasa Kapuso Network na.

"Kung ano na lang ang sinabi ni Heart, siguro, ganoonna lang yun, and I don't want to answer back," sabi pa ni Echo."Kasi, hahaba at lalaki pa ang isyu. Basta, ang masasabi ko lang, kunganuman yung namagitan sa amin ni Carmen while we were working together, purelyprofessional lang yun.

"Nagulat nga siya when I told her about the rumors.Pero, natawa lang siya. Naiintindihan niyang ganoon daw pala sa show businessnatin. Feeling niya, na-victimize lang talaga siya," paliwanag ni Echo.

Next thing na puwedeng maganap, sila naman ni Briana Evigan,ang kapareha niya sa Hollywood movie na I Love You Virus, ang tiyak namali-link.

"Yeah, I heard nga, siya raw ang dahilan din ngsplit-up. Gusto ko lang sabihin na tapusin na yung isyu, kasi, wala namangkatotohanan yung pagme-mention sa foreign actresses na nakakapareha ko.

"Si Briana nga, ang tagal ko nang hindi nakakausap.Nagkaroon lang kami ng interaction nang mag-shoot kami," napapailing nalang na sabi ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PULLING EACH OTHER DOWN.Aware si Echo na ang obserbasyon noong magkasama pa sila ni Heart, masyadongmabigat sila para sa isa't isa, na para bang naghilahan pa silang paibaba.

"Hindi naman kasi totoo 'yan. Ang nangyari kasi sa aminni Heart noon, nag-uusap kami sa projects na gagawin namin. Masyado rin kamingmapili kaya marami kaming natanggihan.

"May convictions din si Heart, na hindi siya yungtipong tatanggap na lang ng kung anu-ano. Nakadagdag pa ng pagiging nega saamin yung issue sa parents, na ayaw sa akin ng parents niya, and all that.

"It was a matter of timing. At saka masama yung lagayng sitwasyon namin noon, kaya siguro nagkaganoon," sabi na lang ni Echo.

MOVING ON...WITH KRISTINE.Wala na ring magagawa si Echo, but to move on. By chance, nagkita rin sila ni Kristine Hermosa.

"Natutuwa ako kay Tintin dahil enthusiastic na rinsiyang magkatrabaho uli kami," sabi pa ng binata. "Nakakapagbiro ngasiya sa akin. Ako lang daw ang mabagal.

"Pero, inaayos na talaga ang mga plano tungkol sa aminni Tintin sa ABS-CBN. We have projects, including another movie together.

May chance pa kayang ma-rekindle ang dati nilang pagtitinginan ni Tintin?

"Sa totoo lang, ayoko munang isipin ang bagay na'yan," at saka natawa si Echo. "This time, I have to concentrate onmy career. I have a lot of catching up to do.

"Iba na kasi yung level ng friendship namin ni Tintin.Palagay ko, nag-mature na talaga kami, na we can really work na walang hasslesng kung anumang personal matters na nasasama pa.

"I just have to be happy with what has been going onwith her career and personal life. Pabayaan na muna natin siyang ganoon.Matutuwa naman siguro ang fans namin, na it's about time, magkasama uli kami saisang teleserye, o project," pagwawakas ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN