Marvin Agustin says falling in love is about "when," not "who"

"Ako naman kasi, hindi namanako naghahanap. May mga relationship na dumarating nang kusa sa akin. Atsaka, yun nga, hindi ko lang siguro rin priority ngayon ang love life," saysMarvin Agustin.


Pagkatapos ng relationship ni Marvin Agustin kay Pauleen Luna, hindi pa rin daw siya nai-involve saisang relasyon. Aniya, hindi kasi niya priority ang love life lalo pa'tsunud-sunod ang magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Pagkatapos ng BabangonAko't Dudurugin Kita sa primetime, nag-pilot na rin kahapon (June 23) ang Sine Novela na Gaano Kadalas Ang Minsan sa afternoon timeslot.

So paano pa niya uunahin ang love lifekung ganito raw kagaganda ang ibinibigay sa kanyang projects sa Kapuso Network?

"Probably, hindi pa rin po talaga ako ganoon ka-ready,"pahayag ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, hindi kasi siya yung tipo ng lalaking naghahanaptalaga ng magiging girlfriend or makakasama sa buhay.

"Wala pa, e. Ako naman kasi, hindi naman ako naghahanap. Maymga relationship na dumarating nang kusa sa akin. At saka, yun nga, hindiko lang siguro rin priority ngayon ang love life."

SANTIAGO AND SEBASTIAN. This August, magti-threeyears old na ang kambal ni Marvin na sina Santiago at Sebastian. Saganitong age daw kasi ng kambal ay nakaka-bonding na niya.

"Nanonood kami ng sine. Nagsu-swimming kami," masayang kuwento ng aktor, who will turn 29 this year.

Pagdating sa mga ugali, magkaibang-magkaiba raw ang mgaanak niya.

"Nag-iiba-iba pa ang ugali nila. Yung isa mahiyain, yung isanaman mabibo. Si Sebastian yung mahiyain, si Santiago naman angmapapel. As in, talagang ang daming tanong.

"Minsan parang nagugulat sila kapag nakikita nila ako satelebisyon. Like nang ihatid nila ako sa GMA-7, nakita nila ang billboard,napapatingin sila sa billboard at saka sa akin," natatawang kuwento ni Marvin.

Hindi niya pinapayagang manood ang mga anak niyang ilan sa mga show niya na hindi pa puwede sa bata 'tulad ng Babangon,kung saan kotrabidang-kontrabida siya. Nang minsang gumanap siyabilang kuba, natakot daw ang kambal niya nang makita siya.

LOVING PARENTS. Hindi matatawag nanormal ang relationship ni Marvin sa ina ng kanyang kambalna si Tetet Dy. Pero aniya, masaya naman siya na hanggang ngayon,napapanatili nila ang pagiging magulang sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As much as possible kasi, iniingatan namin yungrelationship namin na maging magkaibigan. Maging parents talaga sa mga anaknamin. At least, natututukan namin ang mga anak namin at kami naman, alam naminthat we're not really for each other," saad ng binatang ama.

Pero ang alam daw niya, tulad niya ay walapa rin karelasyon si Tetet. So, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Marvin kung hindikaya pagdating ng araw, sila rin pala ng ina ng kambal ang magkakatuluyan?

Maagap naman ang naging sagot niya. "Hindi natin alam. Peroalam n'yo, meron akong napanood na movie, yung Definitely Maybe.Sabi ro'n, yung pag-ibig, hindi sino. Yung pag-ibig, kailan.

"Minsan kasi, kahit nandoon na, if you're not ready, hindimo makikita, e. Hindi mo siya mako-consider na siya ang tunay mongpag-ibig. So sometimes, it's not a question of who, but it's a questionof when."

FULL FATHERLY SUPPORT. Dahil mga toddlers pa ang kambal niya, hindi pa nagtataka ornagtatanong ang mga ito sa set-up nila ni Tetet.

Ani Marvin, "Mga bata pakasi sila. More on laru-laro pa lang kami. At saka kami naman, hindi naminpinaparamdam sa kanila na technical masyado yung bisitahan. Kung puwede kamingmagkita, nagkikita kami. Wala namang problema."

Confident din si Marvin na hindi siya maakusahanna nagiging pabaya sa mga obligasyon sa kanilanganak. One hundred percent ang suporta niya sa mga ito, financially at salahat ng aspeto.

"Oo naman! Kahit nga hindi ko anak, like mga pamangkin ko,sa pamilya ko, how much more kung sarili ko pang anak, di ba?"

BUSY GETTING RICH. Sa huli, natatawa na lang siMarvin when PEP told him na mukhang ang inaatupag na lang talaga niya ay angmagpayaman nang husto. Ilang restaurant chains na ang successful na naitayoniyang negosyo, bukod pa siyempre sa pagiging isa sa busiest actor ngKapuso network.

"Naku, e, ako naman po, I enjoy doing it. Hindi na ngatrabaho ang tingin ko rito," natatawa na lang niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN