KC Concepcion beseeches more support for Mindanao children in her UN mission

"Hindi nga po biro ang pumunta sa mga ganoong area kasi dangerous areas yun, war zones. Hindi po talaga biro na pumunta doon especially with this kind of mission," KC Concepcion said about being Philippine ambassador of the UN World Food Programme.


Tuwang-tuwa si KC Concepcion nang matanggap niya ang donasyon na P100,000 kahapon, June 23, mula sa Jaycees Makati na mapupunta sa World Food Programme (WFP). Si KC ang national ambassador ng naturang international agency na nagpu-promote ng school-feeding program sa Mindanao at sa buong mundo.

"Thank you for the support. Actually, the biggest problem that we have is funding, and funding for the WFP is through voluntary contributions. And this donation of P100,000 will really help us in our donation for food purchasing and increase the chances of children in Mindanao to learn, the chance to stay in school through health and nutrition. We'd like to thank you also for helping us promote peace in Mindanao as well," pahayag ni KC matapos matanggap ang donasyon.

Puspusan din ang pasasalamat ng young actress sa mga taong sumuporta at nagiging aware sa kampanya na kanyang inilalapit sa mga tao.

"Gusto ko lang magpasalamat sa mga partners namin, at sa mga taong interesado sa fight na ito against hunger, na sumuporta sa amin at sumuporta sa event na ito at sumama sa amin sa paglakad against hunger. Thank you sa lahat ng 'andoon sa Fort [last June 1].

"So yung P100,000 na bigay ng Jaycees Makati, malaking bagay talaga. It can feed 10,000 children for one month," sabi ni KC.

Para kay KC hindi biro ang maging ambassador ng United Nations World Food Programme.

"Life-threathening din siya," banggit ni KC.

Pero hindi naman naging hadlang para kay KC ang masamang balita tungkol sa Mindanao, lalo pa nang maging laman ng balita ang pag-kidnap sa kilalang broadcaster na si Ces Drilon at ng dalawang cameramen ng ABS-CBN. Gusto pa rin ni KC ipagpatuloy ang kanyang misyon bilang ambassador at bumisita muli sa Mindanao. Dalawang beses nang nakapunta si KC magmula nang napili siya bilang ambassador noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman masayang marinig 'yon," banggit ni KC. "Hindi nagbibigay ng comfort yung mga news na ganoon. Everytime na may visit kami sa Mindanao, we always just hope for the best. Of course, nothing is sure. Pero yung security namin is pretty okay. I feel secure naman with the UN, and I feel secure with the team that I work with.

"Nagpe-pray naman kami lagi kapag pumupunta sa Mindanao. Maganda naman yung ginagawa namin doon. So sana mabigyan kami ng respeto ng mga taga-doon. Sana tulungan na lang kami sa gusto namin gawin.

"Hindi namin kayang gawin ang lahat ng ito sa Mindanao for the children there na kami lang. So, nakikita ko na lang yung team namin as part of a big picture. Kumbaga, ginagamit na lang namin yung sarili namin as tools para magtulung-tulungan."

Dagdag pa niya, "We're here to promote peace. And hindi iyon madaling gawin lalo na kapag malalim na yung pinanggalingan ng mga war zones. Bansa naman natin ito. Pare-pareho naman tayong mga Pilipino. Nagbibigay hope lang naman kami sa mga bata para mas maganda yung maging future nila. Dahil nga through food, napapadala namin sila sa school. Sana magtulungan na lang talaga.

"Pero yun nga po, it takes five pesos a day. And for those who would also like to donate to the World Food Program and focus on food for education in Mindanao for the children there, where 58 percent are malnourished, you can go to www.wfp.org/donate . You'll find all the information there," muling imbitasyon ni KC na suportahan siya sa kanyang misyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN