Regine Velasquez is all praise for Mark Anthony Fernandez in "Ako Si Kim Samsoon"

"Sobra akong hangang-hanga sa kanya.Kasi sa lahat ng nangyari sa buhay niya at sa recent event na nangyari,ipinakita niya kung gaano siya ka-professional. Ipinakita niya kung gaano niya pinaninindigan itong trabahong itona talagang... Ni hindi mo siya makikitang nagmumukmok sa isang sulok. Wala,nakiki-join siyang talaga," says Regine Velasqez about Mark Anthony Fernandez (inset, top), her leading man in Ako Si Kim Samsoon along with Wen



Masayang-masaya at kuntento ang singer-actress na si RegineVelasquez sa kanyang bagong second primetime series sa GMA-7, ang Ako Si KimSamsoon. dahil sa sobra-sobra raw ang suportang ipinagkakaloob sa kanya ngkanyang home network. Mula raw kasi sa production, all-star cast, at lahat ngpag-aabala.

Maging ang napakabonggang press conference na ipinagkaloobng Kapuso network para sa Kim Samsoon kagabi, June 23, sa The Glass Garden, Pasig City, ay patunay ng tiwala at suporta sa kanilang bagongprimetime series na magsisimula nang umere sa Lunes, June 30.

THREE LEADING MEN. Tatlo ang lumalabas na love interest ni Regine dito sa KimSamsoon—sina Wendell Ramos who plays the role of Harvey, ang dumurog sa puso niSamsoon dahil hindi sinipot sa kanilang kasal; si Doc Hayden Kho, nagaganap din bilang doktor; at si Mark Anthony Fernandez na boss ni Samsoon atmag-o-offer sa kanya na magpanggap siyang fianceé nito, kapalit ng malakinghalaga.

First time ni Regine na makatrabaho sina Mark Anthony at DocHayden. Bagamat nakasama na ng Asia's Songbird si Wendell nang minsangmag-guest siya sa Bubble Gang, ang Kim Samsoon ang una nilang pagtatambal.

Regine has nothing but good words for her three leading men,although hindi pa raw nakukunan ang mga eksena nila ni Doc Hayden dahil laterpa papasok ang character ng doktor.

HATS OFF TO MARK ANTHONY. Puring-puri si Regine sa young actor na anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.

"Alam mo, ang bait-bait niya," sambit ni Regine. "'Tapos,nakakatuwa siya kasi napakagalang, napaka-gentleman. I think, one time na-latesiya, pero parang mga two minutes lang. Two minutes lang, pero nag-a-apologizesiya. ‘Ms. Reg [palayaw ni Regine], sorry.' Parang ako, ‘Ha? Na-late ka ba?'Talagang makikita mo sa kanya yung parang gusto niyang matuto. Gusto pa niyanggumaling. Talagang sobra siyangnagko-concentrate sa trabaho niya.

"At saka, yun nga, hats off ako sa kanya. Sa mga nangyari nanga sa buhay niya, hindi lang yung kay Daboy. Pero siyempre, yun na ang pinaka... Pero ang galing nung bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinusuportahan daw nila si Mark nang magbalik ito sa tapingafter mailibing ang amang si Rudy Fernandez by acting normal on the set.

"Alam mo, nakikita ko na malungkot siya, pero tina-try niyana hindi malungkot. Yung trabaho niya, hindi talaga nagbago. At saka kami saset, ayaw na naming ipaalala talaga sa kanya yun as much as possible. So parangnormal lang ulit lahat. Minsan kasi, the more you ano, mas lalo pangnade-depress yung tao.

"But like I've said, sobra akong hangang-hanga sa kanya.Kasi sa lahat ng nangyari sa buhay niya at sa recent event na nangyari,ipinakita niya kung gaano siya ka-professional. Ipinakita niya kung gaano niya pinaninindigan itong trabahong itona talagang... Ni hindi mo siya makikitang nagmumukmok sa isang sulok. Wala,nakiki-join siyang talaga," papuri ni Regine sa kanyang leading man.

UNUSUAL PAIRING. Noong unang i-announce na si Mark Anthony ang magiging leading man niRegine dito sa Kim Samsoon, marami ang nag-alinlangan na baka hindi mag-clickang kanilang tambalan. Pero sinabi ni Regine na habang tumatagal ang kanilangtaping ay lumalabas na ang chemistry sa pagitan nila.

"Actually, narinig ko rin ‘yon na parang, ‘Bakit silangdalawa? Parang hindi bagay.' Kasi yung role talaga, mas matanda talaga yungbabae and the guy has to be really younger. Nung umpisa, naiilang ako ng konti,I must admit. Nahihiya ako ng konti sa kanya [Mark Anthony]. I'm sure siya rinnahihiya rin sa akin nung una.

"Pero merong time na nakita ko na nag-uumpisa na kamingmagkaroon ng rapport... Meron kaming isang eksena na binubugbog namin ang isa'tisa na parang nag-loosen up na kaming dalawa. We're comfortable with each otheralready. We're starting to have chemistry, nagkakaroon na kami ng sarilinaming... Di ba yung mga love team, team talaga, may team talaga sila. So,nag-uumpisa na kami doon. Parang nararamdaman ko na ‘yon na nagkakaroon na kaming rapport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka he's a very good actor. He's willing to provideanything and everything. Hindi mahirap katrabaho yung ganoon. Ako ngayon, I feelvery comfortable with him already. Kahit ano ipagawa sa akin, gagawin ko kasialam ko na comfortable na rin siya sa akin," mahabang pahayag ni Regine.

PART OF THE BARKADA. Sa case ni Wendell, although first time lang din nilangmagtambal sa isang show, hindi na raw iba si Wendell kay Regine dahil matagalna itong kasama at kaibigan ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid sa BubbleGang.

"It's my first time to work with him, pero I've known him,matagal na... Parang part na ng barkada namin ‘yang si Wendell. Si Wendell naman,siyempre magaling. Yun naman, kahit anong ibigay mo na project sa kanya,magaling talaga," saad ni Regine.

Ang Ako Si Kim Samsoon ay hango hit Koreanovela na My NameIs Kim Sam Soon. Ginagampanan dito ni Regine ang papel ng isang magaling nabaker na pinoproblema palagi ang kanyang weight at desperadangmakahanap ng mapapangasawa dahil tumatanda na siya.

In real life, bagamat magaling magluto at mag-imbentong kung anu-anong pagkain si Regine, feeling daw niya, hindi niya talaga forteang baking.

Additional report by Erwin Santiago


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN