Mark Anthony Fernandez returns to work, inspired by late dad's counsel

"At kung magiging problematic ako sa araw-araw ng buhay kopara lang maalala ko siya, e, okey lang. Magiging problematic na lang ako saaraw-araw basta nakikita ko ang mukha niya sa mata ko," says Mark Anthony Fernandez about his late father, Rudy Fernandez.



Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang mailibing angama ni Mark Anthony Fernandez na si Rudy Fernandez. Pero tulad ng gustongmangyari ng yumaong aktor sa kanyang mga mahal sa buhay, life must go on.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philipine EntertainmentPortal) at ang iba pang entertainment press na kumustahin si Mark Anthony sa grandpress conference ng Ako Si Kim Samsoon sa The Glass Garden, Pasig City, kagabi, June 23.

"Okay naman po ako. Generally po, okay na hindi okay,"pahayag ng young actor.

Ayon sa direktor ng Ako Si Kim Samsoon na si Dominic Zapata,tila wala raw nangyaring hindi maganda kay Mark kung professionalism angpag-uusapan.

"Totoo po yun," pagsang-ayon naman ni Mark Anthony. "Alam kopo na noong nangyari sa amin yun [pagpanaw ng kanyang ama], parang ako, anoang gagawin ko? Magte-taping ako? Parang ang bigat-bigat ng katawan ko. Hindiako handa.

"Pero inalala ko na lang ang mga bilin sa akin ni Papa. Kapagtrabaho, trabaho. Kahit ano pa ang sitwasyon, hindi mo dapat dalhin yungproblema sa trabaho mo. So, inilagay ko lang sa isip ko yun. Inaalala ko langpalagi si Papa at, luckily, maganda ang resulta. Nakita ko yung gusto niyangipakita sa akin."

After nine days, nagsimula na rin daw siyang bumalik satrabaho at nag-taping na for Ako Si Kim Samsoon. Hindi itinanggi ni Mark nanaging mahirap talaga sa kanya sa simula.

"Sobrang hirap po talaga noong una. Two nights before, hirapna hirap ako. Inalala ko lang talaga yung bilin sa akin ng tatay ko atnakatulong pong talaga. Habang ine-execute ko ang mga eksena, binabasa ko angscript. Nakikita ko at nadarama ko yung bilin niya at naiintindihan ko natuloy," lahad niya.

Aminado si Mark na bago pa namayapa ang ama, may ipinangakosiya rito.

"Meron po...meron po talaga. Nangako ako na aalagaan ko angmga anak ko. Magpapakabait na akong tao. Yun talaga ang kabilin-bilinan niya.At sa trabaho ko, palagi raw akong magtatrabaho, maging masipag daw ako. Lahatng mga ibinilin niya bago pa siya magkasakit, iniipon-ipon ko na atkinukumpol-kumpol ko po," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Mark, ang inspirasyon niya sa lahat ng ginagawaniya ngayon ay ang kanyang ama.

"Lahat po ng ginagawa ko, inaalay ko sa kanya, after theLord, siyempre."

REMEMBERING DABOY. Tinanong ng PEP si Mark kung may mga pagkakataon pa rin bana bigla na lang siyang maiiyak at maaalala ang kanyang namayapang ama.

"Generally, hindi pa talaga ako okay," pag-amin niya. "Perokailangan ko lang talagang maging okay at mahalin ang trabaho ko katulad ngibinibilin ni Papa. Para mahalin din daw ako ng trabaho ko."

Dagdag niya, "Minsan may mga pagkakataon na para akongnai-struck. Sinabi nga po sa akin ng isang kaibigan na, ‘Kalimutan na natinyung nangyari sa papa mo. Kalimutan mo na siya.' Pero sabi ko, ‘Hindi.Hinding-hindi ko makakalimutan ang tatay ko. At hindi ako papayag namakalimutan.'

"At kung magiging problematic ako sa araw-araw ng buhay kopara lang maalala ko siya, e, okey lang. Magiging problematic na lang ako saaraw-araw basta nakikita ko ang mukha niya sa mata ko."

Naniniwala raw si Mark sa mga paramdam ng mga namayapa na.Feeling daw niya, palagi siyang binabantayan ng ama. In fact, may pagkakataonna nagparamdam na si Daboy sa kanya.

"May ikukuwento akong isang part, pero yung ibang part, hindiko na ikukuwento. Siguro mga five or ten minutes after niyang magpaalam,narinig ko siya sa left ear ko. Nag-'ba-bye Mark' siya sa akin."

MARK ANTHONY TURNS COMEDIAN. Comedy ang gagawin ni Mark ngayon sa Kim Samsoon. Kung titingnan,puwedeng sabihin na advantage sa kanya dahil light naman ang ginagawa niyangayon.

Pero aniya, "'Eto nga ang masakit diyan. Actually, after ngKamandag, tinatanong ako kung ano ang gusto kong gawin. Sabi ko, comedy-comedy.Sinasabi nila na, ‘Ganito ka Mark, ganyan ka.' So sabi ko, kung ganoon, gustokong mag-comedy kasi comedy raw ang pinakamahirap gawin. So sabi ko, paramaipakita ko ang worth ko, gusto kong mag-comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso, tiyempong-tiyempo naman nang gumagawa na kami ngcomedy, natiyempo naman yung kay Papa. So, ang hirap! Kaya sabi ko, parangnapahamak yata ako. Pero inaalala ko na lang talaga yung lahat ng sinasabi ni Papa."

Kung sa pagiging komedyante, masasabing natural na komedyanteang papa niya na si Rudy Fernandez. Feeling naman daw ni Mark, namana niya angtrait na yun ng ama. "Feeling ko po, komedyante rin akong katulad niya. Gustoko lang din magpatawa, ‘yun po."

FIRST TIME WITH REGINE. First time naman nila ni Regine Velasquez na magkasama saisang project at magkapareha pa. Para kay Mark, the best daw ang Asia'sSongbird.

"More than what I expected. Kasi ang galing po niya. Anggaling niya!" bulalas ng young actor.

SECOND CHANCE. Pagkatapos ng mga nangyaring hindi maganda kay Mark in thepast, nabigyan siyang muli ng second chance ng GMA-7. Ngayon ay mas nakikilalapa siya bilang malalim at mahusay na actor sa kanyang henerasyon. Sa Ako Si KimSamsoon ay na-elevate siyang muli sa leading-man status.

"Truly honored! Truly, truly grateful also because Iwas also given the chance to pay back to them. Dati kasi, naging sakit ako ngulo sa kanila. And now, heto, nakakabawi na ako sa kanila. Kaya mahal na mahalko talaga ang GMA, for life!" tahasan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN