Angel Locsin laughs off non-issue of rivalry with Marian Rivera in FHM's Sexiest list

"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start.Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even beforepa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, di ba?" says Angel Locsin.



Mixed emotions si Angel Locsin sa nalalapit na pagtatapos ngkauna-unahan niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo. By this time maaaring nakunanna ang mga huling eksena nina Angel at Piolo Pascual para sa huling dalawanglinggo ng Lobo.

"Masaya ako na... actually, masaya ako na matatapos kami dahilito yung masasabi ko na after ten yearsna binalikan ko, magiging proud pa rin talaga ako na natapos namin yung ganitokagandang show at naaliw ako dahil natuwa talaga ang mga tao," lahad ni Angel nang makapanayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal).

GAP WITH PIOLO? Kahit matatapos na ang Lobohinahabol pa rin ng intriga sina Angel at Piolo. This time, dahil sa sunud-sunodang magagandang eksena sa last two weeks ng show, iniintrigang nagkaroon daw sila ng gap ni Piolo. Diumano, nagbibilangan dawsila ng eksena ni Piolo sa Lobo. Kumbaga, nag-aagawan ng exposure atmagandang eksena sa Lobo.

"Kanina magkasama kami, ‘tsaka sa Entertainment Live!.Parang...paano? Yung sa akin...how? Para sa akin, parang hindi ko na dapat sagutin,kasi nakikita ninyo naman kapag nanonood kayo ng Lobo. Kayo na po angbahalang mag-isip at mahirap po yung mga eksena namin."

Kung sakali man, isyu ba sa kanila ni Piolo ang paramihan ngeksena sa Lobo?

"Hindi isyu sa amin kung sino ang mas maraming eksena.Actually, mas okey nga dahil nakakapag-rest ka kapag wala ka nang masyadongeksena. Kung sinuman yung gumagawa ng isyu, kung kaninuman nanggagaling yun, e,bahala na sila."

Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Lobo?

"Right after Lobo may flight ako papuntang Bangkok.May trabaho lang ako doon. Ewan ko kung makakakuha ako ng a week's rest kasi kailanganna nilang [Star Cinema] mag-start para sa bagong pelikula na gagawin ko withPiolo."

FHM'S SEXIEST. May intriga tungkol sapagkakaungos sa kanya ni Marian Rivera para sa number one slot ng Philippines'Sexiest ng FHM magazine. May palagay si Angel tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko po. Hindi naman po natin kontrolado, di ba? Kungsino ang mananalo, kung sino ang iboboto ng mga tao? Basta ako, masaya ako.Parang ano yun, e, parang kailangan ba kunin ko lahat?"

Masaya at nagpapasalamat naman daw siya sa pagtitiwalangibinigay naman sa kanya ng isa pang men's magazine. Hinirang kasi siyanito bilang kanilang pinakaseksing babae sa Pinas. Pero hindi naman ibigsabihin nito'y kakalimutan na niyang magpasalamat din sa FHM.

"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start.Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even beforepa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, di ba?"

Hindi ba niya inaambisyong maging number one ulit sa FHM?

"Hindi na. Para sa akin mas importante yung mga taongnaniniwala sa akin. Mas may importansya sa akin."

Pero okey lang ba sa kanya kung si Marian ang hirangingnumber one sa sexiest list ng FHM Philippines?

"Okay lang. Kaya natawa lang ako kasifeeling ko wala namang isyu, at sa kanya, hindi rin naman isyu yun. Parangnakakatuwa lang na yung mga fans ang talagang ano sa aming dalawa. Pero salamatpo sa lahat ng bumoto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN