Mark Anthony Fernandez shares how his Papa Rudy bade his last goodbye

"There are times kasi na bigla ka lang titigil at maiisip mona, ‘Ay, wala na pala si Papa.' May mga gano'ng pangyayari, e. Or sometimes,naluluha ka na lang basta because naisip ko si Papa," relates Mark AnthonyFernandez on how much he misses his late dad Rudy Fernandez (inset).



Kung buhay pa sana si Rudy Fernandez, tiyak na matutuwa itodahil nakatambal na ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez ang paboritoniyang singer na si Regine Velasquez.

Kuwento nga ni Mark na hindi pa binabawian ng buhay angkanyang ama nang sabihin niya na may gagawin siyang soap drama na kasama siRegine. Natuwa nga raw si Daboy at sinabihan si Mark na husayan pa nito angtrabaho dahil professional si Regine.

"Paborito kasi ni Papa si Regine, kaya ibinalita ko kaagad.He was happy sa ibinalita ko. Kada taping ko ng Ako Si Kim Samsoon,ibinabalita ko sa kanya. But I know kahit saan man si Papa, nandiyan siya atmasaya para sa akin."

SURVIVING WITHOUT PAPA. Sa press launch nga ngnaturang soap drama lang muling nakitang ngumiti si Mark Anthony after ng ilanglinggong nakikita siya sa TV na malungkot at umiiyak. Pero kahit na may mgangiti sa labi ni Mark, ramdam mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Na-survive niya ang isang trahedya sa kanyangbuhay na never daw niyang malilimutan habang nabubuhay.

"Alam naman ng lahat na hindi madali ang pinagdaanan ko,nina Tita Lorna [Tolentino], ni Mama [Alma Moreno], at nina Ralph at Renz. Parasa akin nga, parang panaginip pa rin ito, e. Hindi ko lang alam kung kelan akotalaga magigising.

"Pero unti-unti, I'm taking one day at a time. Hindi nga rawmadali ang recovery. Naniniwala ako roon kasi hanggang ngayon nga, may pain parin. But I know that this will heal in due time."

THE PAIN REMAINS. Inamin niya na hanggang ngayonnaman daw ay hindi pa rin niya natatanggap ang pagkawala ng kanyang ama. Ayawnamang isipin ni Mark na magiging permanente ito sa kanyang puso at isipan.

"I am praying na huwag sanang matagal ang recovery. Thereare times kasi na bigla ka lang titigil at maiisip mo na, ‘Ay wala na pala siPapa.' May mga gano'ng pangyayari, e. Or sometimes, naluluha ka na lang bastabecause naisip ko si Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know that this pain will not go away. Forever na siyangnandito sa akin. Alam mo kasi na may kulang na buhay mo. Gumagawa ka lang ngmga paraan para ma-ease mo ang pain. Kumbaga sa lagnat, iinom ka ng gamot paraguminhawa ka, pero alam mong may lagnat ka pa rin. Babalik ‘yan kung hindi kamag-iingat.

"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 for blessing me with goodprojects kasi ito na ang nagiging gamot ko ngayon. Magandang therapy angtrabaho. Pinagbubuti ko para maganda ang resulta at ma-reach ko angexpectations nila sa akin."

RUDY SAYS GOODBYE. Pagkatapos ngang malibing angkanyang ama at lumagpas na ang pasiyam nito, nagparamdam ba si Daboy sa kanya?

"Hindi pa naman," mabilis na sagot ni Mark. "The first andlast time na nagparamdam si Papa sa akin ay yung pagkatapos niyang mamaalam.Siguro a few seconds lang iyon, ‘tapos biglang may bumulong sa tenga ko na,‘Bye, Mark.' Ang linaw-linaw ng bulong na parang katabi ko lang siya. That wasthe only time na nakaramdam ako kay Papa," pagtatapat ni Mark Anthony.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN