Annabelle Rama tells daughter Ruffa Gutierrez to choose a better man

"Sabi ko nga kay Ruffa, ‘Ruffa, nadapa ka na minsan.Ngayon nakabangon ka na, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Yung lalaki namagmamahal sa ‘yo at papakainin ka, pati dalawang anak mo. Hindi ka maghahanap-buhay para sa kanya,'" says Annabelle Rama.



Sa birthdaycelebration ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz last Sunday, June 22, personalsiyang binati ng kanyang ina na si Annabelle Rama at dalawang anak niya na sinaLorin at Venice. At the same time, nag-promote na rin si Annabelle para sakanyang comeback movie na My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMA Films, kung saan kasama rin niya si Ruffa who is actually celebrating her 34th birthday today, June 24.

Nakilala siAnnabelle sa mapusok at seksing pelikula noong dekada 70. After 39 years,nagbabalik siya bilang si Esmeralda Fajardo sa My Monster Mom. In real life,ibinuking si Annabelle ng ilang malalapit sa kanya, gaya ng kanyangmister na si Eddie Gutierrez.

"Monster wife rinsiya. Si Annabelle kasi sa bahay, nagsisimba ‘yan. Every morning, nagsisimba.Pagkatapos magsimba, sasabunin naman lahat yung mga driver, kaya ang tawag ngmga apo ko sa kanya ‘Monster Lola,'" pahayag ni Eddie.

"Monster talentmanager" din daw si Annabelle sa kanyang mga alaga.

Ayon kay JC de Vera,"Lagi siyang nakikipag-away kay Ruffa. Pagagalitan si Ruffa. Kumbaga, e, laginiyang sinasabi, ‘Memorize your lines. Concentrate on your work.' Pati akonasasabihan ng ganun, e."

Sabi naman niMichelle Madrigal, "'Pag nakita niya namay pimple ka, ‘Naku, Day, pangit ang skin mo. Magpa-derma tayo.' Gawin mo langang trabaho mo, hindi ka niya mamansterin."

Kinuha rin ng TheBuzz ang reaksiyon ng iba pang mga anak ni Annabelle, bukod kay Ruffa, sacomeback movie niya.

Ayon kay RichardGutierrez, "Nakakagulat lang para sa akin na makita siyang nasa pelikula,umaarte, kasi hindi ako sanay. Hindi kami kasi sanay na magkakapatid, peronakakatuwa. Nakakatuwa dahil finally, comeback movie niya. Feeling ko, mas in-demand pa siya, e."

HOT MAMA. Hindi lang dawmonster mom si Annabelle kundi "hot mom" din para sa asawa niyang si Eddie.

"Hot na hot!" sabini Eddie. "Oo naman. We still enjoy our life together. You know, yung sex life namin, e, tuluy-tuloy naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito angnagulat na reaksiyon ni Ruffa habang pinapanood ang VTR para sa kanyang ina saThe Buzz.

"My God! That's toomuch information!" bulalas niya.

Inamin naman niAnnabelle na naging emosyonal siya habang pinapanood ang VTR sa The Buzz.

"Oo nga, kasi hindiko akalain na ang asawa ko, ibinubulgar ako sa TV, ‘no!" natatawang sabi ng matriarch ngGutierrez family.

Pagkatapos ay kinuhani Boy ang reaksiyon ni Annabelle sa sinabi ni Eddie na hot mama rin siya.

"Siyempre namannapakasarap, di ba?" sabi niya, habang si Ruffa naman ay nagtatakip ng tenga.

RUFFA'S SUITORS. Bilang ina ni Ruffa,inamin ni Annabelle na madalas talaga nilang pag-awayan noon ng panganay niyaang lalaki na lumalapit sa ina ninaLorin at Venice.

"Totoo naman talaga,Boy ,‘no," sabi ni Annabelle sa co-host ng The Buzz na si Boy Abunda. "Kasisiyempre naman, ngayon sabi ko nga kay Ruffa, ‘Ruffa, nadapa ka na minsan.Ngayon nakabangon ka na, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Yung lalaki namagmamahal sa ‘yo at papakainin ka, pati dalawang anak mo. Hindi ka maghahanap-buhay para sa kanya.'

"Sabi kong ganun,‘Piliin mong mabuti dahil marami diyang nag-aano sa ‘yo, maraming umaaligid sakanya ngayon na wala pa akong naaprubahan pa as of now. Wala pa."

Tinanong siya ni Boykung bakit wala pa siyang naaaprubahan.

"Sa tingin ko ano,e..." umpisa ni Annabelle, pero pinigil siya ni Ruffa. "O, o, Ma..." babala niRuffa sa ina.

"Ruffa, ang tinginko kasi hindi pa sila mga serious pa. Para bang laru-laro, ayaw ko ng ganyan,"pagpapatuloy ni Annabelle.

ANNABELLE'S COMEBACK MOVIE. Sa huli, inilahad niAnnabelle sa The Buzz kung anong mga paghahanda ang ginawa niya sa kanyangcomeback movie.

"Alam mo, Boy, angnerbiyos ko grabe, hanggang langit! Bago mag-shoot, nagpa-plantsa ako ng mukhako para gumanda ako. Yung plantsa, yung laser tenor. Hindi naman ‘yan ano,hindi naman ‘yan hiwa-hiwa. Ano lang ‘yan, laser lang. ‘Tapos nagpa-injectionpa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Doc,gusto ko talaga lumiit ang akin dito, ganyan-ganyan.' Ang pagkakamali ko langkasi, nagpaganyan ako two days before the shooting. Nung araw ng shooting,lumolobo ang aking mukha. Sabi ko, ‘Ruffa, para akong kumakain ng lollipop, anglaki-laki ng mukha ko!' Lahat ng klasengblush on, nilagay ko na, talagang hindisiya puwede.

"‘Tapos nung first day shooting ko talaga, napakahirap. Kasiunang-una ko humarap sa kamera, si Direk Joey Reyes, natatakot ako. Sabi niRuffa sa akin, ‘Mommy, huwag kang mag-take five, ha. Alam mo naman si DirekJoey, ayaw niya ng take five.'

"Kaya nag-memorizeako ng lines ko. Kailangan loud reading ako kasi nga ang aking Tagalog,nahirapan ako. Kung hindi ako mag-loud reading, magbubulol-bulol ang akingTagalog. Kaya nahirapan ako first day.

"Napakapangit ko. ‘Pag manood ka ng pelikula ko,Boy, ‘pag meron akong pangit na eksena, first day ko yun. Napakapangit ng mukhako," mahabang kuwento ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN