Regine Velasquez explores her comedic side in "Ako Si Kim Samsoon"

"'Yan angmatinding natutunan ko rin kay Ogie, na kahit paano, matuto ng batuhan nglinya, na hindi nawawala sa focus. Pero sa galing kasi ng mga kasama ko rito saKim Samsoon, hindi pa rin maiwasan yung nawawala ako sa sarili ko," says Regine Velasquez about timing in comedy.



The Songbird getswacky and hilarious in her latest romantic comedy soap from GMA-7, Ako Si Kim Samsoon. Para kay Regine Velasquez, wala siyang pagsidlan ng tuwa parasa bagong proyektong ito dahil nga sa matindi ang suportang ibinigay sa kanya,mula sa cast nito hanggang sa production staff at crew na siya ring nasa likodng matagumpay na Marimar.

Exciting din angbagong leading men dito ni Regine, sina Mark Anthony Fernandez at Wendell Ramos.Tiyak na may maiinit ding kissing scenes involving her leading men in thissoap. Kaya naitanong tuloy namin kung may nabago ba sa mga limitasyon niyagayong alam ng publiko na si Regine ay sangkot ngayon sa isang malalim narelasyon sa singer-comedian na si Ogie Alcasid.

"Ay, pagdatingsa bagay na 'yan, okey lang," mabilis na tugon ni Regine. "Si Ogieang klase ng boyfriend na very supportive, very understanding sa sitwasyon ko.Kasi artista rin naman siya, at alam niyang ang ganitong mga bagay ay partelang ng trabaho namin.

"Alam din ngmga tao kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Boyfriend ko na si Ogie nanggawin namin ni Piolo [Pascual] yung Paano Kita Iibigin. May love scenes padoon, at sinabi ko naman kay Ogie kung ano ang gagawin namin ni Piolo doon.Wala siyang tanung-tanong. Naiintindihan niya yun," pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ako Si Kim Samsoon kagabi, June 23, sa The Glass Garden, Santolan, Pasig City.

TEAM-UP WITH MARK ANTHONY. Bale fourth week palang ng Ako Si Kim Samsoon ang naite-tape at yung away-bating mga eksena nila ni MarkAnthony ang nakukunan.

"By the fifthor sixth week, doon na nagbu-blossom yung love angle sa istorya. Nakatutuwakasi ang istorya nito dahil yung role ni Mark, si Cyrus, hindi niya tipo ngbabae si Kim [character ni Regine]. Pero made-develop siya kay Kim dahil mabaitna tao, busilak ang puso. Bale ang mamahalin niya ay yung pagkatao ni Kim,hindi yung hitsura niya," pagdedetalye ni Regine tungkol sa itinatakbo ngistorya ng kanyang latest soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE TRANSFORMATION. Hanggang ngayon aypinagdedebatehan pa raw kung ano ang magiging transformation ni Kim. Sorpresapa rin ang mga magaganap sa mga unang linggo ng Ako si Kim Samson.

"Maramingmakaka-relate sa role ko rito as Kim," sabi ni Regine. "Kasiordinaryong babae lang siya, na extra special lang talaga ang pagkabusilak ngpuso. Hindi kabataan, pero katabaan talaga. Minahal ni Cyrus si Kim ng ganoon,kaya hindi pa rin alam ng writers kung paano ide-develop, o gagawin pa banilang seksi at maganda si Kim."

May apprehension siRegine kung paano siya matatanggap sa soap na gaganda at magiging glamorosa.

"Kasi kapagnaka-fat suit ako ng gaya kay Kim, feel na feel ko na yung pagka-Kim Samsoonko," nangingiting sabi niya. "Baka kung wala na yung fat suit, bakamaiba na. Malaking gamble din yun sa magiging reaction ng mga tao. Baka theyget to love Kim na as what she is and how she looks like.

"Minsan,nangyayari rin yun, yung nababago ang perception ng televiewers. Doon lang akotakot. Pero mahuhusay naman ang writers namin dito. I'm sure magagawan nila ngmagandang twist."

Malaki naman angtiwala ni Regine sa staff at think-tank ng bagong proyektong ito ng GMA-7.Grabe raw kung magsulat ang mga writer nito, na kapag nababasa pa lang niya angscript ay humahagalpak na siya ng tawa.

"Welcome parasa input ang lahat. Minsan, may papalitan sa script, on the spot. Okey lang yun,lalo kung may effective na adlib o punchlines. The writers are brilliant, andso are the actors," pagmamalaki ng singer-actress.

SCENE WITH EUGENE. Sa isang eksenangipinapanood sa press people, isinungalngal ni Regine ang cake sa pagmumukha niEugene Domingo. Palibhasa'y very professional ang mga kaeksena ni Regine, okeylang ito.

"Kahit nga umabot ng tatlong takes yun,"sabi ni Regine. "Naku, awang-awa at hiyang-hiya ako kay Uge [palayaw niEugene]! Sa mga naunang take kasi, hindi ko napipigilan ang pagtawa ko. Hindinaman kailangang gawin ko yun nang tumatawa. Dapat kasi sa imagination ko,galit na galit ako doon. Halos isubo ko na ang buong kamay ko sa bibig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi pa niUge, may isang buong hiwa ng peach na dumiretso na sa lalamunan niya at nalulonniya. I was really very sorry, but I just have to do it. Naku, hindi ko talagakinakaya si Uge!

"Sila ni Sweet[John Lapus], mga nakatrabaho ko na 'yan. Pagdating sa adlib, naku, patay akosa mga 'yan! Nakakatawa talaga sila. Kaya I always beg for them, na mag-stick namansila roon sa script, dahil yung adlib nila, baka hindi ko kayanin!

"Kapagrehearsal, sinasabi ko sa kanila na gawin na lang nila kung ano yung nasascript, kasi baka hindi ko ma-tolerate yung gagawin nila. Kung kailan take, atsaka ako bubunghalit ng tawa," kuwento ni Regine.

Nababawasan na ngaraw ito sa dahilang naimpluwensiyahan na siya ni Ogie. Hindi raw kasi si Ogieang tipong basta natatawa sa mga ganyan.

"'Yan angmatinding natutunan ko rin kay Ogie, na kahit paano, matuto ng batuhan nglinya, na hindi nawawala sa focus. Pero sa galing kasi ng mga kasama ko rito saKim Samsoon, hindi pa rin maiwasan yung nawawala ako sa sarili ko,"pag-amin ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN