Movie director not yet ready to work with Richard Gomez again

"Naku, lumaki, dapat I shouldn't have said[anything]," worries film director Cathy Garcia-Molina after telling whyshe's not yet ready to work with Richard Gomez again.


Biglang nagkaroon ng kontrobersiya sa patapos na sanangpress conference ng A Very Special Love kahapon, June 24, saBurgoo restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa huling bahagi ng Q&A, naitanong ng showbiz columnistna si Ogie Diaz ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina, "Sino angayaw mo munang makatrabaho o gusto mo munang magpahinga na makatrabaho itongtaong ito?

Sinagot ng direktor ang pangalan ni John Lloyd Cruz na isasa mga aktor ng pelikula. "Si JohnLloyd din po. Hindi, really,really. I told John Lloyd after thisfilm, magpahinga muna tayo."

Matapos nito, nag-bigay ng follow-up question si Ogie,"Hindi, hindi, kasi ayaw mo nang ugali o ayaw mo ng attitude sa set?"

Dito ay panandaliang natahimik ang direktor. At saka niya sinabi, "Sa lahat po ng mgaartistang nakasama ko na, wala po. Peromerong nakasama ko bilang AD [assistant director] and I will never work with...Noong AD ako, oo, masyado akong nasaktan sa kanya and I am not ready to workwith him yet. And I think he doesn'twant to work with me, so okay lang."

Sumunod na tanong ni Ogie, "Initials?"

Hayagan namang sinagot ni Direk Cathy, "Si Richard Gomezpo," na siyang pinagtakhan ng karamihan ng entertainment media.

Hinintay ng press na matapos ang Q&A upang hingan ngpahayag ang direktor sa possibleng dahilan kung bakit niya nabanggit angpangalan ni Richard Gomez. Ngunit bagopa man matapos ang bahaging ito ng press conference, agad ng nagpaliwanag angdirektor sa kanyang nasabi.

"Hindi lang po talaga ako sanay nanakakapagsinungaling. I always say whatI feel and what I want. I appreciateyour [Ogie] honesty in commenting about my films and I also want to be honestwith you," ani Direk Cathy.

Dagdag pa niya, "Right now, I'm somehow nervous. Hindi ko naman babawiin, I will never takeback anything that I have said, but..."

THE DIRECTOR EXPLAINS. Pagkatapos na pagkatapos ng Q&A, agad na nilapitan ng ilang entertainmentpress si Direk Cathy upang malaman ang background ng kanyang naging pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging bukas naman si Direk Cathy sa pagkukwento, subalitnababahala lamang siya na baka lumaki pa ang isyu na ayaw naman sana niyangmangyari.

Kuwento ni Direk Cathy, nag-ugat ito noong panahon na siya ayisang assistant direktor pa lamang. "Naipon lang with the way he treated mystaff, my director, and myself. So,hindi lang personal.

"It was a very small ano... feeling ko nga hindi alam niRichard na nasaktan niya ako, e. Sigurolang at that point, hindi rin kami ganun ka-close para matanong ko, kasi kungnagkataong si John Lloyd ang nagsabi sa akin noon tatanungin ko."

Unang pangyayari na naikwento ni Direk Cathy ay nangginagawa nila ang pelikulang Hanggang Kailan Kita Mamahalin ni DirekOlivia Lamasan noong 1997.

"There was one sequence lang na I remember in HanggangKailan Kita Mamahalin (1997) with Lorna [Tolentino]. Nagkakasakit na 'yong script continuitynamin because of fear kay Richard. Natatakot sa kanya, nagkakasakit na, parang psychosomatic illness,parang she gets nightmares from Richard, ganyan.

"'Tapos ako, noong ako ang nagbibigay ng continuity sakanya, he shouted at me in front of everybody, but I got so embarrassed."

Ayon kay Direk Cathy, hindi na rin niya masyado pangdinamdam ang pangyayaring ito. "Afterthat, iniisip ko, siguro ginawa akong motivation nitong taong ito kasi 'yongeksena, 'yon 'yong sinisigawan niya si Lorna at ang role niya sa movie, e, masungit,bugnutin. Sabi ko, ‘[Kaya] siguro.]'"

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Direk Cathy, nilanaw niya nanagkaayos naman sila ni Richard matapos ang pelikula. Ngunit may isang pangyayari na naman ang naganap ng ginawa nilaang Minsan, Minahal Kita noong taong 2000.

"Natapos 'yon, e, kasi nagbati ulit kami. But after that [in the movie Minsan,Minahal Kita], I just remembered something na parang... Meron kaming eksenana parang tinawag niya 'yong PM [production manager] ko, 'tapos sinabi niya,‘Alam mo 'yang si Cathy, wala 'yang alam, e.' So, when I heard that, it was afriend who told me, sabi ko lang, sana if it was a conversation of ‘What do youthink of Cathy?,' then, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ni Direk Cathy, nalinaw sana agad ang isyung itokung nagkaroon lamang ng pagkakataon na magkausap sila ni Richard. Ngunit hindi na raw ito nangyari.

"[That statement] was an out of the blue thing, so sabi ko,‘Bakit naman?' parang ganun. So, hinditalaga ako galit, but it's something na hindi ko nai-discuss sa kanya everbecause after that, last day namin ' yon, e, we parted ways and we never saweach other again. Since then, hindi pakami nagkita ulit."

Nagtataka din ang direktor kung ano ang posiblengpinanggalingan ng komentong iyon ni Richard. "I don't know what he has," ani Direk Cathy. "Parang ayaw ko naman namag-explain siya. He doesn't owe me anexplanation naman, nakakahiya naman kay Richard, e. But it is something that makes me feel bad."

Dagdag pa niya, "Alam niyo naman si Richard, e, mayroontalaga siyang... Siguro nga part of his motivation [for the role], but not allpeople understand, e."

"NATATAKOT AKONG LUMAKI ITO." Aminado si Direk Cathy na nag-worry siya matapos niyangsagutin ang tanong ng TV host na si Ogie Diaz. Inaasahan na rin niya na maaring isipin ng tao na ginagamit niya angaktor para sa promo ng kanyang bagong pelikula. Gayundin, ang posibilidad na magbigay ng reaksyon si Richard ukoldito.

"Doon ako natatakot," pahayag ni Direk Cathy. "Okay lang na itanggi niya, e, kasiparang... Feeling ko baka mas may masabi siyangna... Naku, natatakot akong lumaki, pero..."

Muling nilinaw ng direktor na hindi naman kailangang huminging paumanhin ng aktor sa kanya. "Infact he doesn't even have to say sorry. We just need to talk kasi siguro kasi the distance kept it from mag-usapkami ng maayos. Feeling ko nga walasiyang alam."

Sa huli, tinanong si Direk Cathy kung willing ba siya namaging direktor ni Richard kung magkaroon ng pagkakataon, at ang kanyang sagotay, "I am always willing to direct people who are willing to be directed. So, for actors na gusto magpa-direct,ide-direct ko sila. Takot lang ako samga artistang ang alam lang nila magagaling na sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tatlong beses ng nakatrabaho na ni Direk Cathy angaktor na si Richard noong siya ay assistant director pa lamang. Ito ay sa mga pelikulang, Maalaala MoKaya: The Movie (1994), Hanggang Kailan Kita Mamahalin (1997), at Minsan,Minahal Kita (2000).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN