Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama: "‘Pag tinotal mo lahat ng qualities niya, the good still outweighs the bad."

"Hindi porke't 34 ka na,magsasarili ka na ng desisyon mo. Hindi, ‘Day. Kalimutan mo yung what's wrong,what's right. Minsan nagkamali ka na, kung hindi dahil sa nanay mo... Ako,nandito lang sa ‘yo. Habang buhay pa ako, Ruffa, hindi ako titigil makialam sabuhay mo rin. Kasi ako, nanay mo ako, Ruffa, okay? Thirty-four years old ka na.Nandito lang ako para mag-guide at mag-advice sa ‘yo," says Annabelle Rama (left) to daughter Ru



Nagmistulang testimonials para kay Annabelle Rama at sapamilya Gutierrez ang second presscon ng My Monster Mom kaninang tanghali, June24, na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Nagkataon ding 34th birthday ng anak at co-star ni Annabelle na si RuffaGutierrez ngayong araw kaya nagsilbi na rin itong birthday presscon para sa kanya.

Bukod kasi sa question-and-answer portion during thepresscon proper ay nagbigay rin ng kani-kanilang istorya ang ilang members ofthe entertainment press tungkol sa mga alaala nila kay Annabelle at sa kanyangpamilya. Ang iba nga ay kakilala na pala si Annabelle noong 1960s pa, nanghinahabol-habol pa raw ng Gutierrez matriarch ang asawa na nito ngayong siEddie Gutierrez.

Pero mas naging kaaliw-aliw ang naturang presscon ng MyMonster Mom dahil sa palitan ng mga pahayag ng mag-inang Annabelle at Ruffa. Gaya ng pelikula nila, kung saan gumaganap sila bilang mag-ina,natural na natural ang "pagtatalo" nina Annabelle at Ruffa sa harap ngentertainment press sa bawat tanong na ibinabato sa kanila.

MONSTROSITY. Kilala si Annabelle sa loob at labas ng showiz dahil sakanyang pagiging matapang, mataray, at kaprangkahan. Pero gaano ba"ka-monstrous" si Annabelle bilang tao at bilang ina?

Si Ruffa muna ang sumagot. Aniya, "Naku, mina-monster na nganiya ako kagabi [June 23] dahil sino daw ba naman ‘tong bago kong manliligaw.Oh my God, wala akong kaalam-alam sa news! So mina-monster na naman niya akokagabi.

"But si Mommy," bawi niya, "kahit minsan mina-monster kaming lahat, deep inside,she's really a wonderful mom. She's very generous... Araw-araw nagdadasal siMommy at araw-araw dinadasal niya na maging monster hit ang Monster Mom.

"We're so lucky to have her, kasi si Mommy, isa siyanghands-on mom. Most of the time, she's misunderstood. Pero ‘pag nakikilala siyang mga tao, they'll end up loving her."

Dagdag niya, "Masasabi kong isa siyang tunay na kaibigan.‘Pag meron siyang kaibigan at kailangan niya ng tulong, she'll always be therefor that person. So kahit na monster mom si Mommy sa pelikula, at minsan-minsandin sa totoong buhay, in the end, ‘pag tinotal mo lahat ng qualities niya, thegood still outweighs the bad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol naman ni Annabelle ang kanyang sarili.

"Hindi ako monster mom na walang rason," diin niya. "Mayreason palagi ‘yan. Alam mo ako, ‘pag inaapi na ang mga anak ko, dun ako talagahina-high blood. Dun na ako talaga sumusugod. Dun nakikita ang Annabelle Ramana parang walang pakialam sa mundo. At yung mga dialogue ko, lumalabas, yung mgaBisaya na dialogue ko na hindi makain ng aso. Maski anak ko ‘pag ako galit sakanya, lahat ng mga salita ko sa kanya, hindi makain ng aso. Kaya lagi akotini-text, ‘Mommy, I'm your daughter. You texted me like...What's this, hindimakain ng aso.' Sabi ko, ‘Well, Ruffa, pasensiya ka na, pasaway ka sa akin.'

"Yun ang ugali ko. Pero sa totoong buhay, mabait ako,malambot ang puso ko, madasalin ako, at mabait akong kaibigan. Kung sino angkaibigan ko...sila Alfie Lorenzo, matagal ko nang kaibigan din ‘yan. Actually sashowbiz, ang barkada ko, hindi artista; mga barkada ko mga press people. Kasimga artista, plastic! Wala akong paki kung sino ang masasaktan diyan! For me,they're plastic, hindi nagsasabi ng totoo!

"Ako naman, prangka kaya akala nila mataray ako, kasi masyadoakong prangka sa lahat ng bagay. Yun lang, ayaw kong inaapi-api yung pamilyako, ayaw kong inaapi ang mga anak ko. Yun lang yung reason kung bakit akonagiging monster paminsan-minsan. Pero deep in my heart, talagang mabait namanako, saka mahal ko ang mga anak ko. Mahal ko si Ruffa, pero pasawaypaminsan-minsan si Ruffa," walang prenong pahayag ni Annabelle.

Singit naman ni Ruffa: "Buti nga mabait akong anak, ‘no!"

"KING KONG." Nang magsimula na namang magkuwento si Annabelle tungkol sanangyari sa kanila the night before, pinigil siya ni Ruffa sa pagsasalita.

Annabelle: "Tulad kagabi..."

Ruffa: "O, o, o... Nakaka-stress! Ikaw na kaya ang mag-host ngThe Buzz!"

Annabelle: "Sino kaya ang King Kong sa party mo, angtangkad-tangkad, ano ba ‘yan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na napigilan ni Ruffa na kunin ang microphone mula sakanyang ina at sinabing: "Oh my gosh, can you keep quiet mom?"

Buwelta naman ni Annabelle: "Sabi ko, ‘Ruffa, ingat ka ha.Baka another ano na naman ‘to...' Sinsabi ko lang, Ruffa, ang totoo. Bakamagkaproblema ka na naman diyan, concerned lang ako sa ‘yo, okay?"

Ibinuking naman ng publicist ng mga Gutierrez na si JunLalin na may ipinakilala raw si Ruffa kay Annabelle sa birthday party ni Ruffalast Saturday, June 22, na isang "seven-footer" basketball player. Ito ang nababalitang bagongmanliligaw ni Ruffa, pero mariin naman niya itong itinanggi.

RUFFA'S SUITORS. Kahit noong dalaga pa lang si Ruffa ay naging mahigpit na siAnnabelle sa mga manliligaw ng nag-iisang anak na babae. May nagtanong kayRuffa kung bakit tuwing may nagugustuhan siya at tila laging nagiging "monster"ang kanyang ina.

"Magkaiba kami ng taste, e," sagot ni Ruffa. "Kung sino anggusto ko, talagang ayaw niya. Kung sino naman ang gusto niya for me... Lahat ngmga boring, ng mga nerd, yun ang mga gusto niya."

This time ba ay may nagugustuhan na si Ruffa?

"Wala, wala naman. Hindi pa ako umiibig," sagot niya.

"Mayaman yung sinasabi ko sa iyo noon!" singit naman niAnnabelle na ikinatawa ng lahat.

Kung sakaling magmahal ulit si Ruffa, ano na ang susundinniya: ang payo ng mommy niya o tibok ng puso niya?

"Alam n'yo, si Mommy hindi niya minsan nare-realize thattoday is my birthday. I'm 34 years old, separated with two kids. I'm sure namanmeron na akong brain to know what is right and what is wrong, di ba? At kungkanino ako dapat umibig at kung kanino ako hindi dapat umibig, di ba?

"Para sa akin, as of now, siguro kailangan ko munang ibiginang sarili ko because I've been through a lot in the last couple of years.Kailangan ko muna sigurong mahalin ang sarili ko and give time to my kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi maiiwasan na may mga admirers ako kaya anghaba ng hair ko! Pero hayaan mo muna silang magpadala ng flowers, di ba? As ofnow, kailangan concentrate muna ako sa work ko. Ayokong mawala yung focus ko satrabaho ko. Ngayon lang ako nagbabalik, e," pahayag ni Ruffa.

Hindi nakatiis si Annabelle sa isinagot ni Ruffa kayanagsalita rin siya ulit.

Aniya, "Sasagutin kita Ruffa. Hindi porke't 34 ka na,magsasarili ka na ng desisyon mo. Hindi, ‘Day. Kalimutan mo yung what's wrong,what's right. Minsan nagkamali ka na, kung hindi dahil sa nanay mo... Ako,nandito lang sa ‘yo. Habang buhay pa ako, Ruffa, hindi ako titigil makialam sabuhay mo rin. Kasi ako, nanay mo ako, Ruffa, okay? Thirty-four years old ka na.Nandito lang ako para mag-guide at mag-advice sa ‘yo.

"Huwag mong masamain kung inaaway-away kita minsan-minsan.Nakakalimutan mo kasi paminsan-minsan kung sino ang kinakausap mo. Sabi ko, nocomment kay Gretchen [Barretto], tuluy-tuloy ang comment mo! ‘Yan tingnan mo,ang nasa diyaryo si Gretchen, ang nagbayad si Dra. [Vicki] Belo! Nag-awaykaming dalawa [ni Ruffa] dahil sa diyaryo na ‘yon, puro Gretchen! Biro mo,sumikat siya in the expense of Dra. Belo. Dapat ikaw na lang nang ikaw, isipinmo ang sarili mo!"

Hindi na napigilan ng lahat na matawa sa kaprangkahan niAnnabelle habang pinapaalala niya kay Ruffa ang pagsagot sa "credit-card issue"na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sabi tuloy ni Ruffa: "Alam n'yo, puwede ko bang gayahin yungdialogue ko sa pelikula? Naloloka na ako sa inyo! It's my birthday."

Sagot naman ni Annabelle na may kasamang lambing: "Happybirthday, Ruffa."

BEST BIRTHDAY GIFT. Speaking of birthday, ano ang pinakamagandang gift nanatanggap ni Ruffa at kanino galing?

Sagot niya, "Ang pinakamagandang gift ko, hindi tangible.Marami na akong material na bagay na meron ako. I think, ang pinaka-precioustalaga na ibinigay sa akin ay yung dalawang anak ko [Lorin and Venice]. They'rewith me. Gabi-gabi kasama ko sila sa bahay, minsan sa pagtulog. Sila angpinaka-precious gift sa akin sa birthday ko. Sana every birthday ko, sila angkapiling ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAISING TWO DAUGHTERS. Ano naman ang mga natutunan ni Ruffa na dapat at hindi dapatgawin sa pagpapalaki ng mga anak na babae?

"Well, siyempre, dalawa nga yung anak kong babae. Based saexperience ko growing up and I was the only girl, talagang naghigpit sila [herparents] sa akin. Siguro when my kids are older at maging teenager sila,ibabalanse ko yung paghihigpit ko sa kanila. You know, bibigyan ko sila ngfreedom.

"Kasi ang gusto ko naman, when they go out there into theworld, strong na sila. They have their own values and morals. So strong na silato say no to anything that comes their way. Gusto ko silang palakihin namatatapang na babae, na kayang panindigan ang sarili nila. Hindi yung kailanganmakinig sila sa ibang tao o mag-give in sila just for the sake of being a girl.So I want them to be strong women who know what they want in life. Dun ko silapapalakihin.

"In terms of boys, kailangan conservative. Kailangan dalawinsila sa bahay na may dalang fuits, flowers, and chocolates," pahayag ni Ruffa.

MONSTER LOLA? Tanong naman kay Annabelle ay kung matitikman din kaya ngmga apo niya ang pagiging "monster" niya gaya ng natikman ni Ruffa noon?

"Hindi," nakangiting sagot ni Annabelle. "Hindi ko kayangpagalitan yung dalawang apo ko. Si Ruffa ang pinagsasabihan ko... Mana kay Ruffayung anak niya, e. Yung isa nagmana kay Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband], sobrang tapang yung maliit [Venice];yung isa [Lorin] naman, mana kay Ruffa. Hindi ko kayang pagalitan yung mga apoko. Siya [Ruffa] ang pinu-push ko palagi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN