Sarah Geronimo not yet ready to do her first screen kiss

"Hindi naman po minamadali yung ganyan, di po ba nakailangan may kiss po agad? Kasi marami akong napapanood na ganyan, romantic,pero hindi naman sila nag-kiss or ano. So hindi ko rin po masasabi na hindi ako magpapa-kiss forever," Sarah Geronimo explains why she is not yet ready to have a kissing scene.



Walang naisagot si Sarah Geronimo sa tanong kung angbirthday gift ba na puwede niyang ibigay sa leading man niya na si John LloydCruz sa first team-up nila sa big screen, ang A Very Special Love ng Star Cinema,ay ang pagpayag na magkaroon sila ng kissing scene sa movie.

"Hindi naman po minamadali yung ganyan, di po ba nakailangan may kiss po agad? Kasi marami akong napapanood na ganyan, romantic,pero hindi naman sila nag-kiss or ano. So hindi ko rin po masasabi na hindi ako magpapa-kiss forever," pahayagni Sarah sa presscon ng A Very Special Love kahapon, June 24, sa Burgoorestaurant sa Tomas Morato extension.

Kung may chance siya na pumili na mauna between real lifekiss o screen kiss, alin ang pipiliin niya?

"Hindi ko po yun masasabi," ngiti ni Sarah. "Pero siyemprepo real life, kasi tini-treasure ko ang real life, kasi personal yun."

Kapag na-experience na ba niya ang kanyang first kiss inreal life, papayag na siya na magkaroon ng kissing scene sa movie?

"Hindi ko po masasabi," sagot ng dalaga.

Nagkaroon ba ng diskusyon ang Star Cinema, pati na angdirektor nila sa A Very Special Love na si Cathy Garcia Molina, na hindipuwedeng wala silang kissing scene ni John Lloyd?

"Hindi, ano po sila, talagang they respect my decision, kamipo ng mommy ko, ng daddy ko, ng pamilya ko. Yun naman po ang maganda kina Direkat sa Star Cinema, ganun din kay Boss Vic [del Rosario, head of Viva Films] nanapaka-supportive. Siya talaga mismo yung nagtanggal na hindi naman kailangan,"paliwanag ni Sarah.

SARAH'S SINGING SUITOR. Bukod sa kissing-scene issue sa kanila ni John Lloyd, mayusap-usapan din sa unang manliligaw niya na umamin publicly. Ito ay walang ibakundi si Mark Bautista na kasama rin niya sa ASAP ‘08.

"Ayan na!" natatawang sabi ni Sarah. "Hindi ko po sana yunire-reveal but since sinabi niya, e, di yun! Ewan ko ba sa kanya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi ba sa kanya ni Mark na aamin siya sa panliligaw sakanya?

"'Yan nga po ang sinabi niya sa akin. At least,nagpakalalaki lang siya," saad ng young singer-actress.

Na-develop ba naman ang feelings niya for Mark?

"Katulad nga po ng lagi kong sinasabi, hindi pa po ako readysa isang commitment. Commitment?" natatawang ulit ni Sarah. "Hindi,relationship. Hindi pa ako ready mag-boyfriend."

In short, binasted niya si Mark?

"Eeeeee!" tili ni Sarah.

Ayaw sabihin ni Sarah ang salitang "basted." Basta gustolang daw niya na maging magkaibigan sila ni Mark.

"Oo, kasi ang tingin ko sa kanya, kuya talaga. Yung alam mo yun? Well, hindi mo rin naman masasabi. But as of now, huwag munang haluan ngmalisya."

So, ayaw muna niya ng ligaw-ligaw?

"Hindi naman po siya nanligaw, yung as in nanligaw—nag-atempt.Parang wala lang, nagpaparamdam lang," paglilinaw ng dalaga.

Pero ano ang naging initial reaction niya nang "nagparamdam"sa kanya si Mark?

"Sa totoo lang po, nagulat ako."

Alam ba ito ng Mommy Divine niya?

"Ah, opo. Nagpaalam siya kay Mommy. ‘Tapos napag-usapan panamin ni Mark ‘yan nung U.S. tour namin."

May nagdududa naman na baka desisyon lang ng ina ni Sarah angpagbasted ng dalaga kay Mark.

"Hindi po, siyempre desisyon ko," saad niya. "Kasi naisip kopo, sabi ko sa sarili ko... Ano kasi nga, kuya ko siya. Naintindihan naminna hirap po yung pinanggalingan namin na para talaga kaming magkapatid.Buddy-buddy ko siya."

CONSERVATIVE SARAH. Pinapayagan na raw siya ng kanyang mga magulang na tumanggapng manliligaw. Pero sa bahay lang daw para nakikita ng parents ni Sarah yungmga guys na gustong pumorma kay Sarah. Pero ayon sa kanya, puro non-showbiz dawyung mga umaakyat ng ligaw sa bahay nila.

Ano ang feeling na may manliligaw sa tulad ni Sarah na napaka-conservative?

"Siguro nakakatuwa rin. Maganda ang feeling, masaya," sagotniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakaroon ba sila ng ilangan ni Mark ngayon sa ASAP ‘08 dahil sa pag-leak sa media ngpagpaparamdam sa kanya ni Mark?

"Nako-conscious, pero binati pa rin naman niya ako."

Pero bago umamin si Mark na siya yung tinukoy ni Sarah samedia during her launch as Belo Essentials endorser, may mga ibang singer dinang nadamay at napagkamalian, gaya nina Ronnie Liang, Christian Bautista, at siErik Santos na inamin niya na crush niya noon.

"Kasi isa ko pa yung kuya, e, si Erik. Noon lang, nagingcrush ko siya kasi nga parang ano, wala, naguwaguwapuhan lang ako sa kanya.Ayun. Pero wala, e, kaibigan lang. Kasi nga, hindi pa po ako ready. Na-ano pokasi ako, natatakot din akong masaktan. ‘Tsaka ayun nga, baka hindi ko mapasaya yung tao kung sinuman," paliwanag ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN