Annabelle Rama says "My Monster Mom" is really her "first movie"

"This is my first movie. Ito talaga angmasasabi kong movie ko. Dahil noong araw naman, yung mga pelikula kong nagawa,wala naman ako halos dialogue, puro suso ko lang yung makikita," says Annabelle Rama.



Naging napakasaya ng press conference na mismong ang bida ngMy Monster Mom na si Annabelle Rama ang nagkaloob sa mga entertainmentpress sa Annabel's restaurant kahapon, June 24.

Masayang-masaya at very proud si Annabelle sa comeback movie niyangito.Kapapanood pa lang daw niya nito at tahasan nga raw niyangsasabihin na napakaganda ng movie at kahit siya ay hindi makapaniwala sanagawa.

"Siyempre, ngayon lang ako natututong umarte atnagda-dialogue ako ng mahahabang dialogue. For me, itong movie na ito, hindiito actually comeback but for me. This is my first movie. Ito talaga angmasasabi kong movie ko. Dahil noong araw naman, yung mga pelikula kong nagawa,wala naman ako halos dialogue, puro s-so ko lang yung makikita," dire-diretso paniyang sabi.

Alam ng lahat na mas lamang ang Bisaya accent ni Annabellekapag nagsasalita, pero aniya, hindi naman daw siya nahirapan nang binasa ati-deliver na ang script.

"Hindi naman...minsan, kapag nahihirapan ako sa dialogue kongTagalog, magre-request ako kay Direk Joey kung puwede kong i-translate ngbisaya at sarili kong word. Okey naman siya, wala namang problema."

Sa huli, hiningan din ng PEP si Annabelle ng kanyangbirthday wish naman sa kanyang anak na si Ruffa.

"Sinabi ko na dati pa, na good health. Maghanap siya nglalaking magpapakain sa kanya at sa dalawang anak niya. At saka sana, magingwise siya sa pagpili ng lalaki. At saka, magpalit na siya ng sim card parahindi siya guguluhin ni Yilmaz [Bektas], yun lang!"

Ngayong Linggo, June 29, maaari rin mapanood ang TheMaking of My Monster Mom after ng Pacquiao-Diaz boxing fight sa GMA-7,followed by the premiere night naman sa SM Megamall. At regular naman itongmapapanood starting July 2 sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN