Ruffa Gutierrez on reconciliation with Yilmaz: "Well, I'll cross the bridge when I get there."

"Kung sa umpisa hindi ko sinusunod, butdeep down inside, kapag medyo matagal na, sinusunod ko pa rin. Kasi it onlyproves that I always follow my mother," says Ruffa Gutierrez about following her mother's advice.



Nagdiwang ng kanyang 34th birthday kahapon, June24, ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez. Nagkataon namang second presscondin ng pelikula nila ng kanyang ina na si Annabelle Rama, ang My Monster Mom ngRegal Entertainment at GMA Films, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Kung may birthday wish man daw si Ruffa, ito ay ang panoorinng mga tao ang kanilang very first tandem na mag-ina. "Ang birthday wish ko aysana maging monster success ang My Monster Mom. At siyempre, continuousblessing lang na dumarating sa buhay ko. Good health, peace of mind, at sakahappiness."

Pagdating sa lovelife, ni-remind ni Ruffa ang mommy niyaduring the press conference na birthday niya ng araw na yun at 34 years old nasiya. Which means, alam na raw niyang pumili ng lalaking dapat at hindi dapatna ibigin.

Natawa si Ruffa when asked kung anong advice ng mommy niyasa kanya ang hindi niya sinunod but it turned out, tama pala talaga ang mommyniya.

"Actually, lahat naman sinusunod ko, kaya nga ako mabait naanak, e," nakangiting sabi ni Ruffa. "Kung sa umpisa hindi ko sinusunod, butdeep down inside, kapag medyo matagal na, sinusunod ko pa rin. Kasi it onlyproves that I always follow my mother."

RUFFA'S MYSTERIOUS SUITOR. Ayaw nang pag-usapan ni Ruffa ang kabubuking lang sa kanyang mommy niya na diumano'y bagong manliligaw ni Ruffa, isang seven-footer nabasketball player na nagngangalang Reda Rhalimi na nakita lang daw ni Annabellesa party ng anak last Saturday, June 21.

"Naku, hindi totoo yun! Hayaan n'yo na yun, huwag n'yo nangpag-usapan. Nakakahiya naman dun sa tao, hindi naman manliligaw!" natatawa natila gustong mapatiling tugon ni Ruffa.

When it comes to matters of the heart, wala pa raw sabokabularyo ni Ruffa na pumasok muli sa isang relationship. Aniya, nahuli naraw kami sa pagtatanong dahil nakapag-drama moment na raw siya.

"Hay naku, hindi ko na puwedeng ulitin yun, no!" natatawaniyang sabi. "Basta ang masasabi ko lang, I am happy with my life at hindi paako ready para mag-entertain ng mga ganyang bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNABELLE'S WISH. Inihatid ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffaang wish ng mommy niya sa kanya na kung puwede raw ay palitan na ni Ruffa angSIM card niya para hindi na raw siya natatawag-tawagan ng Turkish husbandniyang si Yilmaz Bektas.

"Ay naku, hindi ko puwedeng palitan ang SIM card ko!" sagotniya. "Kasi siyempre, kailangan niyang [Yilmaz] magkaroon ng communication samga bata. Of course, he's still the father of my kids."

In fairness to Yilmaz, binati naman daw siya nito sa kanyangkaarawan.

"Binati naman niya ako at saka ka-chat ko siya kagabi [June23]. Pero inantok na ako kaya tinulugan ko na siya," natatawa niyang kuwento.

Nagpadala ba ng regalo sa kanya si Yilmaz?

"Naku, kahit wala nang gift, basta maging mabait lang siya!"sagot naman ni Ruffa.

Kung tutuusin, since she separated from Yilmaz, wala paring lalaking naugnay kay Ruffa romantically. Puwede kayang sabihin na sakabila ng pagsasabi niyang hindi ito ang priority niya, pero at the back of her mind ay nandoonpa rin ang thought na baka at the end ay sila pa rin ng ama ng mga anak niyaang magkakatuluyan?

"Alam n'yo, para sa akin, wala kasing time, e. Kahit na gustuhinko at sabihin ni Yilmaz, ‘Come back,' I can't go back because I have Betty LaFea. At itong mga project na ito, ibinigay sa akin ng Dos at nagtiwala yung mgaproducer sa akin, at hindi ko naman sila puwedeng talikuran. You know, duringthe time that I needed them the most, they were there for me. So it's my obligation,my contract to them," paliwanag niya.

So does this mean that she's not totally closing the doorsfor a reconciliation with Yilmaz?

"Well, I'll cross the bridge when I get there," makahuluganniyang pahayag.

CREDIT-CARD ISSUE. Hindi na rin nakalimutan ni Ruffa ang bilin ng kanyang inana huwag sagutin ang mga tanong about Gretchen Barretto and the credit-cardissue na unang lumabas dito sa PEP. Nangtanungin kasi namin si Ruffa tungkol sa secretary raw niyang pinagbibintangan niGretchen na nagkalat ng balita, maagap si Ruffa sa pagtanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, ayoko na siyang pag-usapan, Monster Mom ‘to, ‘no! Mymom will gonna get mad! Huwag na natinsiyang pag-usapan," pakiusap niya.

Magkaganunman, nilinaw ni Ruffa na wala naman daw nagbago safriendship nilang dalawa ni Gretchen. Kahit marami ang nag-iisip na bakanagkaroon na sila ng gap dahil sa absence ni Gretchen sa birthday party niyalast Saturday.

"Hindi naman, wala namang nabago, ganoon pa rin. Nag-uusappa rin kami at naiintindihan ko naman kung hindi man siya nakarating sa partyko. Okey lang yun.

"Alam n'yo naman ako, isa akong totoong kaibigan atnagmana ako kay Mommy. So, walang iwanan. Unless of course, apak-apakan na ko.Wala namang reason para mag-iwan ako ng kaibigan," pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN