Eugene Domingo sees no issue in accepting GMA-7's "Kim Samsoon"

"Walanaman akong kontrata sa Dos kaya okey naman na gawin ko itong show sa GMA-7. Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalaman sa kabilangchannel. Walang problema sa kanila. Alam nila na this is work, at gusto ko namarami akong nakakatrabaho na mga artista," explains Eugene Domingo about accepting GMA-7's Ako Si Kim Samsoon.



Overwhelmedsi Eugene Domingo nang tanggapin niya ang kanyang award as Best Supporting Actress sa 5th Golden Screen Awards ngEntertainment Press Society (EnPress) na ginanap sa Zirkoh Greenhills kagabi, June 24.Nanalo si Eugene para sa pelikulang Pisay, isa sa mga indie films na ginawaniya last year.

Sa tagalna niyang nag-aartista sa entabldo, TV, at pelikula, ngayon lang dawnaramdaman ni Eugene na accepted na siya dahil sa mga acting awards na natatanggapniya. Sa nakaraang 2007 Metro Manila Film Festival ay nanalo rin siyang Best Supporting Actress para naman sa Bahay Kubo.

"Nakakatabang puso kasi nga ang tagal ko nang performer. Pero kapag nabibigyan ako ngrecognition, iba ang feeling. Lalo na kung galing sa isang credible na group naalam nila ang mga pinapanood nila.

"Nakitako naman ang mga pass winners nila, magaling silang pumili ng winners nila. KayaI feel so blessed na sa mga nakalaban ko sa category na Best Supporting Actress, ako ang napili nilang bigyan. Kaya ipagmamalaki ko na bigay sa akin ngEnPress ito," pahayag ni Eugene.

Tamang-tamaang award ni Eugene dahil kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang AkoSi Kim Samsoon na pinagbibidahan ni Regine Velasquez. Ang role niya rito ay siChef Dina na nanay-nanayan ni Cyrus (played by Mark Anthony Fernandez).

NO CONTRACT WITH ABS-CBN. Nagingissue ang biglang pagpasok sa GMA-7 ni Eugene, na mas nakilala sa bakuran ngABS-CBN. Pero ayon sa aktres, trabaho lang daw ang lahat para sa kanya.

"Walanaman akong kontrata sa Dos kaya okey naman na gawin ko itong show sa GMA-7,"paliwanag niya. "Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalaman sa kabilangchannel. Walang problema sa kanila. Alam nila na this is work, at gusto ko namarami akong nakakatrabaho na mga artista."

Hindi rinmaiwasan na itanong kay Eugene kung tinanggap niya ang offer ng GMA-7 dahil mas maganda ang alok na talent fee sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabihinna lang natin na gusto kong mag-ipon at magkaroon ng sarili kong bahay.Maganda ang offer ng GMA-7. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi magandaang alok nila, di ba? Like what I said, work lang ito. Nagkataon na maganda angtrabaho na bigay nila.

"Hindinaman na ako bago sa GMA-7 kasi gumawa na ako sa GMA Films, di ba? Nakasama akosa The Promise tapos itong I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You). So maayos silangkatrabaho at enjoy ako sa mga nakakatrabaho ko dito," pahayag niya.

Hindi ba siya pinigilan ng ABS-CBN nang malaman nilang gagawinniya ang Ako Si Kim Samsoon? Wala ba silang inalok na TV show sa kanya okontrata man lang?

"How Iwish na ginanun ako, di ba?" sabay tawa niya. "Hindi naman ako big star parapigilan nila. ‘Tsaka alam nila na hindi ako naghahanap ng kontrata. Kungtrabaho, trabaho lang talaga. Nagkataon na wala naman din silang offer ngayonkaya I see nothing wrong na tanggapin ko ang show dito sa GMA-7."

NO ISSUE WITH DIREK WENN. Pinabulaananni Eugene na may problema sila ng mentor niyang si Direk Wenn Deramas kaya siyanag-ober da bakod sa GMA-7.

"Hindinaman totoo ‘yon. Kami pa ni Direk Wenn, e, para na kaming magkapatid niyan. Satagal ng samahan namin, hindi kami basta nagkakaroon ng problema. Alam din niDirek Wenn itong pagtanggap ko ng show sa GMA-7. Hiningan ko rin siya ng adviceat sinabi naman niya na okey lang kasi work lang naman lahat.

"Kung magkaaway kami niDirek Wenn, sana hindi na niya ako isinali sa part two ng Ang Tanging Ina.Kasama pa rin ako sa main cast bilang best friend ni Ai-Ai delas Alas. Kayawalang problema with him, even with Star Cinema," paglilinaw ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN