Annabelle Rama reveals her "love affair" with jewelry

"Kasi nung dalaga pa ako, purofake ang isinusuot ko. So, pangarap ko talaga na magkaroon ako ng tunay. Kayanung nagkakapera ako, kumikita ako ng kaunti, lagi kong binibili ng jewelrypara investment," says Annabelle Rama.



Idineklara ni Annabelle Rama sa presscon ng My Monster Momkahapon, June 24, na sa mga susunod niyang pelikula, gusto niya na ang direktorng comeback movie niya na si Joey Reyes pa rin ang mag-handle sa kanya. Sobrangnagustuhan kasi ni Annabelle si Direk Joey sa pagiging professional nito sa setng My Monster Mom.

"Kung si Direk Joey kasi ang maging direktor ko, parangkampante na ako sa kanya. ‘Tsaka for me, napanood ko kagabi ang pelikula,magaling siyang scriptwriter. Magaling siyang writer. Magaling siyang direktorkasi nakikita ko sa ibang mga shootings ng mga anak ko, pati sa ibang artista,kada isang take bago mag-next scene, ang tagal-tagal. Magkukuwentuhan pa, yungiba aalis pa.

"Itong kay Direk Joey, after ng isang take, ni hindi ka nga...Wala akong time makipagtsimisan o tatawag sa telepono kasi sasabihin agad sa‘yo, ‘Next, next!' Kaunting retouch lang, mabilis talaga siya.

"Nakikita ko talaga ang sincerity ni Direk sa trabaho niya,talagang madisiplina rin sa trabaho niya. Kaya pati kaming mga artista tuloy,dahil nakita naming bilang direktor na ganun siya, ganun na rin kami," papurini Annabelle sa kanyang direktor.

SPECIAL REQUEST. Sa hirap na dinanas niya sa preparation, shooting, hanggangdubbing ng My Monster Mom, hindi ba siya nadala na gumawa ulit ng pelikula?

"Hindi naman," sagot ni Annabelle. "Sa umpisa lang akonahirapan. ‘Tapos nung pumasok na sinaUge [Eugene Domingo], sina Khryss Adalla, si Vangie Labalan, si JC [de Vera],lahat ng mga support ng movie,napakagaling na mga artista, kaya ako nadadala sa kanila."

Speaking of Eugene, pinilit daw talaga ni Annabelle na kuninang mahusay na aktres para makasama sa My Monster Mom.

"Yes, sinabi ko talaga sa kanila gusto ko talaga kunin nila si Eugene Domingo kasi magalingtalaga siya. Gusto ko talaga siyang makasama sa movie," kumpirma ngnagbabalik-pelikulang aktres.

Knowing kung gaano kahusay na artista ni Eugene, hindi banaman nagpatalbog si Annabelle sa mga eksena nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, kasi okey naman sila."

ANNABELLE'S JEWELRY. Inamin ni Eugene na hindi siya na-intimidate sa katarayan niAnnabelle. Bagkus ay na-intimidate raw siya sa mga alahas ni Annabelle.

Sabi naman ni Annabelle, "Ah, sinabi ko naman sa kanya bagoako nakatikim ng alahas, dumaan ako sa butas ng karayom. Kasi dream ko talaganung araw pa na magkaroon ako ng tunay na alahas. Kasi nung dalaga pa ako, purofake ang isinusuot ko. So, pangarap ko talaga na magkaroon ako ng tunay. Kayanung nagkakapera ako, kumikita ako ng kaunti, lagi kong binibili ng jewelrypara investment.

"Yes, investment ko dahil for the future ‘pag walaka nang trabaho, wala ka nang pera, puwede mong ibenta, puwede mong isanla.Kaya for me, for investment at nag-e-enjoy pa ako."

Ano ang unang alahas na binili niya?

"Siyempre ang unang-unang alahas na binili ko singsing nawalang diamond. Gold lang siya. Kasi hindi ako maka-afford bumili ng alahaskaya sabi ko, one day kung ako kumita, magkaroon ng extra money, ang una kongbibilhin, alahas. Kasi isa ‘yan sa dream ko. Pero ibinenta ko rin yun. Muralang yun, ‘Day, e. Ang benta ko doon, mga P10,000.

"Yes, mahal na yun nung araw. Nabenta ko ‘tapos bumili akong panibago ulit. Ganun naman ako, e. Ngayon, may bato na. Unti-unti konginiipon para makabili ng alahas."

Umabot na ba ang halaga ng mga alahas niya sa 100 millionpesos?

"Hindi naman kasi ‘pag kailangan mo ng pera, ibenta monaman. Nag-produce ako ng pelikula, kulang ako ng puhunan. Yung Visayan film,Medalyon Nga Bulawan. Si Gina Pareño ang artista ko. Matagal na yun, nungpagkabuntis ko kay Ruffa.

"Nag-produce ako ng movie, so naubusan ako ng puhunan ko. So yung lupa ko, hindimabenta-benta, hindi maisangla. Kasi may mga lupa raw ako sa Cebu na pamana sa akin ng tatay ko. Hindi ko mabenta-benta. Hindi ko maisangla, so angpinaka-the best way yung alahas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaano na ang alahas niya ngayon?

"Alam mo nung araw, pinakamahal na yung kapag meron kang mgaP80,000 na diamond. Parang milyon na rin ang halaga ngayon. Yun ang ibinentako."

Nabawi ba niya?

"Hindi, ang iba ibinenta ko. Yung iba isinanla ko kasinalugi ang mga pelikula ko. Kaya yungmga lahat, pati puhunan ko, nawala."

MOTHER ANNABELLE? May possibility ba na mag-produce ulit siya ng pelikula? Orat least a co-production project with either Regal or Viva Films?

"Hindi sa Regal or Viva, sa GMA Films," sagot niya. "Kasi siRichard [Gutierrez], naka-contract ng GMA. Doon lang ako puwedeng humiram sakanila kay Richard.

"May plano na kami ni Richard. Kaya may meeting kami ngayon,because we're planning to co-produce ng GMA Films. Ang gagamitin kong artista,lahat ng Royal Era talents na nakakontrata sa akin, except Ruffa [Gutierrez].Hindi puwede si Ruffa dahil nga meron siyang ABS-CBN. Pero baka kasama siRuffa, guest role puwede. Nagmi-meeting pa lang kami kaya wala pang title."

Iba raw ito sa binubuo ring proyekto ni Richard na isangaction movie. Ang binabalak nina Annabelle at Richard na i-produce na pelikulaay may temang horror-suspense. This year daw nila gagawin, pero next year naang showing.

"Hindi naman," sagot ni Anabelle kung masabay ang binubuoniyang proyekto sa Richard-KC Concepcion movie sa Star Cinema na For The FirstTime. "Iniiwasan namin ‘yon. Eto naman hindi love story. Naiiba ito kasi paranghorror na suspense."

Isasali ba nila sa Metro Manila Film Fetsival sa December?

"Hindi, hindi na aabot. Supposed to be pang-festival, perohindi aabot. Kasi tinatanong namin angGMA, hindi raw aabot talaga," pagtatapos ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN