John Lloyd Cruz on Sarah Geronimo's very natural acting: "Walang hiya na siya!"

"Ang ganda...parang wala naman kaming ginawa after MaalaalaMo Kaya, pero pagpasok namin sa pelikula, parang ang bilis. Parang hindi nanamin kailangang mag-adjust sa pelikula. Parang nawala na ang hiya niya.Walang hiya na siya!" gushes John Lloyd Cruz about his new screen partner SarahGeronimo's acting.



Matagal nang plano na pagtambalin sa isang movie sina JohnLloyd Cruz at Sarah Geronimo. Supposedly nga, sa remake sana ng DearHeart. Kaya lang, naging vocal ang Megastar na si Sharon Cuneta na ayaw niya itongipa-remake hangga't maaari.

Pero hindi naging dahilan ang hindi pagkakatuloy ng Dear Heart para hindi na rin matuloy ang planong pagsamahin sina JohnLloyd at Sarah. Through A Very Special Love ng Star Cinema, nagkaroonna nga ng katuparan yun.

First time din na humarap sa press people ninaJohn Lloyd at Sarah na magkasama sa presscon para sa movie nung Tuesday, June24, sa Burgoo restaurant sa Tomas Morato.

VERY NATURAL. Para sa birthday boy na si John Lloyd, everything came natural sa mga eksena nila ni Sarah.Hindi na raw niya kailangang i-coach pa ang Pop Princess pagdating sa mgaeksena nila.

"Napaka-natural talaga. Napaka-natural ng kanyang kaalamankung kaya't hindi naman kami nahihirapan. Kumbaga, mag-react ka na lang.Magre-react na lang ako at magre-react na lang siya. Natural yung flow ngworking relationship namin."

Malaki na raw ang naging difference sa pagtatrabaho nila kumpara nung una silang nagsama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

"Noon po kasing ginawa namin ang MMK, isangtanong-isang sagot po 'yan. Isang tanong ako at isang sagot siya and then,that's it!" natatawang kuwento ni John Lloyd.

"Pero nagulat na lang din ako, ang ganda...parang wala namankaming ginawa after Maalaala Mo Kaya, pero pagpasok namin sa pelikula,parang ang bilis. Parang hindi na namin kailangang mag-adjust sa pelikula.Parang nawala na ang hiya niya. Walang hiya na siya," pagbibiro pa ni JohnLloyd sa bagong leading lady.

SARAH'S FIRST. Tila pambitin naman kung maykissing scene na mangyayari sa movie. In one interview, kinumpirma na ngdirector na si Cathy Garcia-Molina na may kissing scene nga silanggagawin sa movie, na may playdate na ng July 30. When the shoot finally happens,that will make Sarah Geronimo's first kiss—both onscreen and inreal life, since hindi pa nga nagkaka-boyfriend si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang tanong pa rin ay kung papayag kayang gawin ni Sarahang kissing scene na yun? If ever pumayag si Sarah and the scene pushes through, siJohn Lloyd ang "makakabinyag" kay Sarah.

"Ako naman, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko," sabi ng young actor. "Para saakin naman, siya [Sarah] siyempre ang makakasagot niyan. If ever, masaya kasi,makakasama sa history, di ba?

"Unang-una akong makaka-kissing scene ni Sarah Geronimo? Bakit hindi! Pagdating ng time and you look back,puwedeng sabihin na you were Sarah's first. Pero siyempre, desisyon niya 'yanat kung anuman ang maging desisyon niya, e, irerespeto natin. Siyempre, babaesiya, e. Kung anuman ang para sa kanya, yunang para sa kanya."

Tinanong si John Lloyd, kung nagkataong single siya'tmagustuhan siya ni Sarah, would he fall for her?

CHEMISTRY BETWEEN THEM. "Yes!" ang maagap at maiklingsagot ni John Lloyd. Hirit naman agad ng nakikinig sa tanungan na si Sarah,sanay na sanay na raw kasi si John Lloyd sa mga ganoong klase ng tanong.

May mga nagsasabing risky ang bagong gawang tandem ng StarCinema, since nasanay kasi ang fans na ang nakikitang magkasama ay sina BeaAlonzo at si John Lloyd. Pangamba ng ilan, baka walang chemistry sa pagitannina John Lloyd at Sarah and the movie will suffer.

Tiwala naman si John Lloyd sa bagong love team nila niSarah.

"Kung chemistry lang ang pag-uusapan, hindi ko kailangan ngfive years, six years na magkasama kami. Kasi, kumbaga, as it is, naniniwalakami na meron kami no'ng chemistry na sinasabi."

"BREAST EXPOSURE" ISSUE. Muling tinanong siJohn Lloyd tungkol sa kanyang reaction nang lumabas ang balitang magkakaroon diumano ng breast exposure ang ex-girlfriend niyang si Ciara Sotto sa show na gagawin nito sa Las Vegas. Hindi raw kasi nagustuhan ni Ciara ang naging pahayag ni John Lloyd noong una na lumabas din ditosa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay John Lloyd, masaya raw siya na hindi pala totoo ang naturang balita.

Paliwanag niya, "Kahit naman hindi ko ex-girlfriend ‘yan or kahit nakaninong babae, ayokong mangyari yung ganoon. At saka, ang alam ko naman,ang mga ginagawa niyang shows, walang ganoon. Matagal na rin kaming out oftouch.

"Well, I'm just hoping na yung valuesniya, still intact. At sa tingin ko naman, oo naman. At kahit na nandoonsiya sa Las Vegas , ganito ang ginagawa niya, hindi naman yata mababago yun.

"Happy lang ako na hindi naman pala totoo. Kasi, pangit, e.Hindi maganda for her. For her family. Naka-witness na ‘ko ng ganyan. Sa mgalumalabas na photos sa Internet, very ugly."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN