Kris Aquino-James Yap back together after confirmed temporary separation

It has been confirmed that celebrity couple Kris Aquino and James Yap separated but only for weeks. The two are back in each other's arms and are trying to fix their marriage.


Nagulantang ang mundo ng showbiz ngayong umaga nang lumabassa isang tabloid ang balitang naghiwalay na raw ang mag-asawang Kris Aquino atJames Yap. Ayon sa report ni Ambet Nabus sa Bulgar ngayong araw, June 25,nagsimula raw ang balita sa isang blind item tungkol sa isang mag-asawa na may problema. Kumalat ang naturang balita sa text messages sa pamamagitan ng "K Text," isangcelebrity-based mobile service, kung saan isa sa featured celebrities si Kris.

Ayon sa subscribers ng "K Text," si Kris mismo angnagkukuwento ng estado ng kanilang relasyon ni James, kasama na rito angpagpunta sa marriage counseling.

Sa report ni Ambet, sinabi nitong may kinalaman angcomedienne na si Ai-Ai delas Alas sa balitang paghihiwalay nina Kris at James.Tinanggap kasi diumano ni Kris ang special guest appearance sa pelikula niAi-Ai nang hindi muna kinokonsulta si James, na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Ayon naman sa impormasyong nakalap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), nagkaroon nga ng mainitang diskusyon sa pagitan nina Kris atJames dahil nga sa pagpayag ng TV host-actress na lumabas sa pelikula ni Ai-Ai na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.Matatandaang nagkaroon ng alitan sina James at Ai-Ai noong kasagsagan ngJames-Hope Centeno controversy, kung saan nagbiro si Ai-Ai kay Kris na, "Isoli mo muna siJames sa nanay niya."

Apparently, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin napapatawadni James si Ai-Ai sa komento niyang iyon, kaya nagalit naman ang Purefoodsplayer sa asawa niya nang pumayag itong lumabas sa pelikula ng komedyana.

Dahil sa James-Hope controversy ay muntik na ring maghiwalay ang basketbolista at si Kris. Pero pinili nilang ayusin ang kanilang marriage hanggang sa nangyari ang bagong kabanatang ito sa kanilang buhay mag-asawa.

Kuwento naman ng isa pang source ng PEP na malapit kay Kris,tumagal daw ng ilang linggo ang paghihiwalay ng mag-asawa. Si Kris daw ang umalis sa bahay nila.

Noon nga raw namatay ang aktor na si Rudy Fernandez ayhindi pa sila nagkakabati. Marami rin ang nakapansin na noong nakaraangFather's Day, June 15, ay hindi raw naringgan si Kris na binati si James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mag-celebrate din ang panganay na anak ni Kris na siJosh (anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador) sa Discovery Shores saBoracay ay hindi nila kasama si James.

Kinumpirma naman kanina ng tumatayong manager ni Kris na siBoy Abunda na totoong naghiwalay sina Kris at James, pero nilinaw nito nanagkabalikan na ang mag-asawa.

Ayon sa kuwento ni Boy, ilang linggo lamang ang nagingpaghihiwalay nina Kris at James. Pero nagkausap na raw ulit ang mag-asawa atsinusubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon ngayon.

Abangan ang mga karagdagang balita tungkol dito sa mga susunod na artikulo ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN