Annabelle Rama talks about love affairs of children Ruffa and Richard

Annabelle Rama is known to be a very protective mother. In an interview with PEP, the Gutierrez matriarch speaks about the love affairs of daughter Ruffa and son Richard.



Desidido na siAnnabelle Rama na mag-produce ulit ng mga pelikula after her comeback moviewith her daughter Ruffa Gutierrez, ang My Monster Mom.

Pagbibidahan ng anakniyang si Richard Gutierrez ang gustong i-produce na horror-suspense movie ni Annabelle. Gusto raw sana nila pang-filmfest, pero hindi na aabot. Pero target nila ang maipalabas din yun this year at hindi makakaapekto sa firstmoviet team-up nina Richard at KC Concepcion.

"Iniiwasan namin‘yon. Eto naman, hindi love story. Naiiba ito, pero under negotiation pa.Supposed to be pang-festival [MMFF], pero hindi aabot. Kasi tinatanong naminang GMA [Films], hindi raw aabot talaga," lahad ni Annabelle.

Ano naman angreaksiyon niya sa balitang magkasintahan na raw sina KC at Richard?

"Ay, hindi pa!"tanggi ni Annabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sure ako nahindi pa talaga. Magkaibigan lang silang dalawa talaga. Kasi hindi naman si Richardnagmamadali, e.

"Kasi sabi ko, lagi naming sinasabi sa kanya, ng daddy niya, akoat si Ruffa na, ‘Pagdating kay KC, Chard,pag-isipan mo mabuti, ha. Huwag ka basta-basta manligaw kung hindi ka pa ready.Kasi nakakahiya kay Sharon [Cuneta, KC's mother], nakakahiya kay Kiko[Pangilinan]. Gusto namin kapag talagang manligaw ka, ready ka na. Serious kana sa kanya.'

"Hindi serious, ibig[kong] sabihin, hindi naman siya yung pakakasalan. Hindi na siya mag-double-double ba na may KC, ‘tapos may ibang ganyan. Ibig sabihin, stick toone," paliwanag ng ina ni Richard.

Nagsabay na ba nggirlfriend si Richard?

"Hindi naman,"tanggi ni Annabelle. "Hindi ko rin sinasabi na pakasal. Basta kapag nanligaw kakay KC, kailangan manligaw ka kung ready ka na."

RUFFA'S NEW SUITOR. Ano naman angmasasabi niya sa bagong manliligaw raw ni Ruffa na hawig daw sa mister nitongsi Yilmaz Bektas? Basketball player daw ang naturang guy, na import ng Purefoods TJ Hotdogs at ka-teammate ni James Yap (asawa ni Kris Aquino).

"Ang alam ko ano...taga-ibangcountry. Hawig kay Yilmaz? Hindi naman siguro. Ang nagpakilala nun, si Kris.Si Kris ang nagpakilala sa kanya. At saka sila ni Kris ang magkakasama-sama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-meet na ba niya yung guy na sinasabing nanliligawkay Ruffa?

"Hindi naman. Maramiakong na-meet doon sa party niya, pero hindi ko alam kung sino doon angnanlilgaw sa kanya."

Worried ba siyakapag na-in love ulit si Ruffa?

"Kailangan niyangma-in love ulit dahil siyempre boring kung wala naman siyang boyfriend. Bata panaman siya, maganda pa. Sabi ko lang sa kanya, ‘This time, be wise of choosingthe guy na makasama mo ulit dahil siyempre, may dalawang anak ka na. Kailangan yungguy magustuhan, mamahalin yung anak mo, at i-provide ang mga anak mo ng lahatng pangangailangan. Yun lang naman ang kailangan ko sa kanya. Hindi ko pinangarapna mag-boyfriend siya ulit, ‘tapos siya ang magpapakain, siya ang magtratrabaho. Ayokong ganun."

HER GRANDAUGHTERS' WISH. Sa huling interviewng PEP kay Ruffa naiyak siya sa wish ng kanyang dalawang anak na sina Lorin atVenice. Sana raw ikasal ulit ang kanilang Mommy at "Bubba" na si Yilmaz.

"Oo nga, yun na nga.Na-shocked nga ako kay Lorin at Venice kasi bago pumunta ng ABS-CBN, sabi ko,‘Lorin, make a wish for your mom. Make a wish that your mommy will be healthy,happy.' Lahat ng sinabi ko sa kanya, hindi naman niya sinabi. ‘Tapos nung nasastage na sila, iba ang sinabi. Kaya ako'y super-shocked sa dalawang batang‘yan."

May kumurot ba sapuso niya?

"Oo, siyempre naman,"sagot ni Annabelle. "Kaya naman ako naging malambot na rin kay Yilmaz dahil narin sa mga bata. Dahil lagi nilang sinasabi sa akin, ‘Lola, I miss Bubba.'Hindi mo puwedeng kontrahin yun, bata yun, e, di ba?

"Kaya ako naman,‘Okay, Lorin, tell your Bubba to come to visit you.' Kaya lagi nilangkinakausap ang tatay nila sa phone dahil lagi nilang sinasabi sa tatay nila na,‘Bubba, are you coming to the Philippines?' Pinababayaan ko sila. Kung pupuntasi Yilmaz dalawin ang mga bata, hindi ako kokontra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magkabalikansina Ruffa at Yilmaz, okey rin ba sa kanya?

"Ang sabi ko lang kay Ruffa, ‘Bago mo gagawinulit ang bumalik kay Yilmaz, pag-isipan mo ng one thousand times. Tingnan mong mabutikung yung pinaggagagawa niya hindi na maulit. Pero I doubt, mahirap na," pahayagni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN