John "Sweet" Lapus finally gets wish to be part of GMA-7's primetime series

"Answered prayer! Sinasabi ko nga, e.Dapat nilang abangan. Yung mga fans ko sa PEP, nananawagan na silang talaga, so finally, eto na!" exclaims John "Sweet" Lapus about being included in GMA-7's newest primtime show, Ako Si Kim Samsoon.



Finally, nagbunga na ang pangungulit at panawagan ng mgasupporters ni John "Sweet" Lapus na mapanood siya sa isang primetime series ngGMA-7. Happy nga si Sweet na ang napunta pa raw sa kanyang project ay ang Akosi Kim Samsoon, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez at magsisimula nang umere sa Lunes, June 30.

"Answered prayer!" sambit ni Sweet. "Sinasabi ko nga, e.Dapat nilang abangan. Yung mga fans ko sa PEP [Philippine EntertainmentPortal], nananawagan na silang talaga, so finally, 'eto na! Una silang nanawagansa Zaido, ‘tapos sa Marimar, ‘tapos sunod silang nanawagan sa Dyesebel.Finally, ‘eto na, after ng maraming pananawagan.

"Sinasabi kasi sa akin ng iGMA na talagang nakakatanggapsila ng e-mails galing sa ibang bansa. Sinabi naman ng iGMA na ibinibigay namandaw nila sa Entertainment TV yung mga ganoong request. So ‘eto na, biro monaman, hindi ka pa ba magiging thankful?"

Flattered nga raw si Sweet dahil sa original Korean versionng My Name is Kim Sam Soon ay hindi naman daw bading yung role niya.

"Sa original, wala namang role para kay John Lapus, e. Yungassistant ni Mrs. Ruiz, babae talaga. At wala siyang masyadong saysay,background lang siya. Para siyang puno doon.

"But ang GMA, I'm so honored and flattered that they believein my talent so much, na yung original na babae, ginawa na lang nilang gay atako nga yun. At hindi ako basta-basta assistant, mahaba ang aking role. Veryimportant yung role ni Marcus para mahalin ng televiewer si Kim Samsoon,"pagmamalaki ng comedian-TV host.

Wala rin daw siyang panghihinayang na hindi siya natuloynoon sa Dyesebel. Nang malaman raw kasi niyang si Teri Onor nga ang nakuha para sa role ng isang taong seahorse,bago pa man daw siya makaramdam ng disappoinment ay may in-offer na kaagad nakapalit ang GMA-7 sa kanya, ito ngang Ako si Kim Samsoon.

LIE-DETECTOR ACCURACY. Naitanong din ng PEP kay John ang accuracy nglie detector na ginagamit sa portion niya sa Showbiz Central na "Don't LieTo Me." May nagsasabi raw kasi na scripted na sa mga tanong nila kung kailanmagiging lie ang sagot ng mga guest na ini-interrogate. Pero pinasubalian niSweet ang bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "You know, I don't wanna make kampi naman to thelie-detector machine. Like with Carlene [Aguilar], when she was asked kung mahalpa ba niya si Dennis [Trillo], noong sinabi niyang 'No', siguro napataas din angkilay n'yo. True enough, lie ang lumabas, di ba? At saka sinasabi rin naman‘yan ng mga investigator at saka mga pulis, na ang lie-detector test is usually80 percent accurate."

Sinabi rin namin kay Sweet na noong si Marvin Agustin angma-interview ng PEP, sinabi nitong mali raw ang resulta nglie-detector test sa kanya.

"Wala kasi ako yung week na nag-guest si Marvin. Perosinasabi nila na si Marvin daw kasi, bago maisalang, he was so nervous. So,sinasabi na talaga namin na ang lie-detector test, sinusuri ng isang expert butstill you cannot consider it as an absolute truth. May mga taong mataas angblood pressure at kabado sila," paliwanag niya.

Ayon pa kay Sweet, dapat daw abangan ng viewers ng ShowbizCentral kung ano ang mga bagong mapapanood sa kanila starting July. Sa July 6naman daw ay ang kanyang birthday celebration, dahilkinabukasan, July 7, ang talagang birthday niya.

DEFENDING HIS CO-HOSTS. Ipinagtanggol din ni Sweet ang ilan sa mga kasamahan niyanghosts ng Showbiz Central na binabatikos ng ilan. Although sila raw angnagta-top sa ratings, hindi raw makitaan ng damdamin ang ilan sa kanila sa pag-i-interview. Madalas ay tila wala raw emosyon or hindi madala nang maganda ang interbyu.

"We cannot please naman everybody, di ba?" sabi ni Sweet. "Maymga tao talaga sigurong hindi sila sanay na nagho-host yung taong yun. There'sone naman na iku-compare sa mga kasamahan.

"Pero sa Showbiz Central kasi, I think yun ang magic, e.Kaming mga host, we all have different personalities. So, hindi kami puwedengipag-compare. Yung meron ako, wala ang iba. Yung wala ako, meron ang iba naman.I think, that's the reason kung bakit nandoon kaming lima [with Pia Guanio,Raymond Gutierrez, DJ Mo Twister, and Rufa Mae Quinto]. Together, that makes usdynamic as one. Yun ang magic ng Showbiz Central host."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EVERYTHING TAKES TIME. Ayon kay Sweet, second year na raw niya this coming Octoberbilang isang Kapuso. Pero ang impression ng iba, especially when he did hislast show at Music Museum, tila hindi pa rin daw siya ganoon ka-close sa mgaKapuso stars. Sa nakaraang show niya kasi, kapansin-pansin na mga Kapamilya angkaramihan sa sumuporta sa kanya.

Pero ayon kay Sweet, everything takes time.

"E, ganoon naman talaga, friendship takes time. Ganito lang...Kami sa Showbiz Central, okey kami. But we have to understand that we see eachother every Sunday lang, so paano mo magiging bonding yung mga yun?

"So far, okay kami, we're friends. Pero hindi ko masasabingclose-close kami kasi hindi pa talaga. Ayoko namang sabihin na close na kami. Alamn'yo naman, hindi naman ako plastic. Honestly before, nahihirapan ako noonguna. Pero ako kasi, alam ng mga kaibigan ko ‘yan, na nag-e-exert ako ng effortna kaibiganin ang mga katrabaho ko."

Patuloy niya, "Alam n'yo, meron akong konsepto na noong nasaABS ako, yung mga katrabaho ko are friends of mine, so bigla akong lumipat ngnetwork na wala akong masyadong kaibigan. So, nahirapan talaga ako at first.

"Pero yung nakaraang show ko naman sa Music Museum,I'm very happy na in terms of friends, mas marami talagang Kapamilya. Pero whenyou look at the audience, I'm so happy na yung mga audience ng Kapuso, silatalaga yung nandoon. So it's nice, di ba?" pahayag ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN