Rhian Ramos "borrows" JC de Vera from Yasmien Kurdi for her new TV show "La Lola"

"Ako po, hindi ako nakikipag-compete. I mean, kahit namanako, fan ng JC-Yasmien tandem. Maganda naman kasi talaga ang chemistrynila, e. Pero, ako siyempre, kung binigyan ako ng project ng GMA, sino baako para tumanggi, hindi ba?" says Rhian Ramos about being paired with her LaLola leading man JC de Vera.



Aminado si Rhian Ramos na matindi ang nararamdaman niyangpressure para sa forthcoming TV program na La Lola. Maituturing kasing isa ito sa biggest project ng dalaga.

Gayunpaman, sinabi niyang naniniwala siyang talagangtailor-made para sakanya ang gagampanang kakaibang role dito.

"Sa totoo lang po, nakapalaki talaga ng pressure saakin. Pero at the same time naman, noong nalaman ko kung ano yungproyekto, noong nagawa ko pa lang bale iyong teaser, sa tingin ko ay ito natalaga iyong role na babagay sa akin. Ito talaga iyong role na swak saakin dahil light-comedy ito na kakaiba talaga," panimulang pahayag ng tisay nayoung star sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang tumanggap ngtropeyo ng award na Breakthrough Performance by an Actress sa ginanap na 5thGolden Screen Awards ng EnPress sa Zirkoh Greenhills last Tuesday night, ika-24 ng Hunyo, 2008.

MAN TURNED TO A WOMAN. Nagkuwento pa si Rhian ngbackground ng bago niyang TV show sa GMA-7.

"Ito pong La Lola, isa siyang Argentinian soap operana may isang lalaking sobrang babaero, and yung ex-girlfriend niya na banas nabanas sa kanya ay pinakulam siya. Kaya isang araw, nagising na lang siyana isang babae na, at ako iyon," nakangiting esplika ni Rhian.

"Hindi tomboy, ha. Parang mula sa, originally sa pagiginglalaki, naging babae ako," paglilinaw pa niya. "So, parang physically ay babaeako, pero sa loob ay lalaki. Kasi lumaki akong lalaki. I was born a boy, ‘taposone day, nagising na lang nga ako, nakita ko ang sarili ko sa salamin na babaena.

"Si JC [de Vera] naman, hindi siya yung lalaking version ko.Siya, actually, yung manliligaw sa akin."

HAPPY WORKING WITH JC. So, ano ang masasabi niya sabagong ka-love team na si JC?

"E di masaya," nakatawang wika niya. "I mean, siyemprelagi naman akong masaya kapag may bagong project at may bagongmakakatrabaho. Pero actually, nakatrabaho ko na siya before sa CaptainBarbell at sa Ouija.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman kami working together, pero sa tingin ko, we'regonna be spending a lot more time together, which is no problem siyempre.Ngayon nga, I'm excited na about the project, e."

A YASMIEN-JC FAN. Ano naman kaya ang masasabi niya safans nina YasmienKurdi at JC na nag-aalalang tuluyan nang mawala ang love team ngkanilang mga idolo dahil sa kanya?

"Ako po, hindi ako nakikipag-compete. I mean, kahit namanako, fan ng JC-Yasmien tandem. Maganda naman kasi talaga ang chemistrynila, e. Pero, ako siyempre, kung binigyan ako ng project ng GMA, sino baako para tumanggi, hindi ba?

"Management naman ang nag-decide riyan at siguro, para narin kay JC. Kung binigyan siya ng project na ito, hindi naman din niya iyonmatatanggihan, e, ‘di ba?"

BORROWING JC. Sa tingin ba niya ay nag-e-experimentang GMA-7 sa pagpapareha sa kanila ni JC?

"Siyempre lahat naman ng season, gusto nilang ipakita saviewers nila na laging may bago at hindi iyong pare-pareho lang lagi. Hindi rinnaman kasi puwede iyong ganoon, hindi ba?

"So, siguro ay ito lang yung parang break-time nila [Yas-JCtandem]. Kumbaga, naka-break lang sila, and I'm sure naman na babalik ulit anglove team nila."

Idinagdag pa niyang temporary lang ito at "hihiramin" langmuna niya ang aktor sa fans nina Yas at JC.

"Of course, hindi naman ibig sabihin nito ay kami na angmagka-love team forever. Parang hiram lang, dito lang yun, para sa projectna ito lang bale iyon. At saka hindi ito masasabing solid na pair, e. Kasinga, lalaki naman talaga ako rito sa La Lola. Hindi ba, parangweird nga kung lalaki sa lalaki, ‘di ba?

ASSURING THE FANS. "So, hindi nga puwedeng magingsolid na pair kami rito ni JC, kaya hindi dapat matakot ang mga JC-Yasmien fansbecause very successful naman talaga ang JC-Yasmien pair, e.

"Hindi ba may movie pa nga sila? Kaya hindi akomagiging sagabal doon at hindi ko sisirain ang love team nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, ang lakas talaga ng chemistry nila. Kakaibaat masarap silang panoorin. Ang gagaling nilang magdrama, e. Kaya ako,kahit naman ako, ayokong sirain ang ganoong klaseng kalakas na chemistry,"pagtatapos ng tisay na aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN