Kapamilya star Angelica Panganiban welcomes working with Kapuso stars

"Nakakatuwa dahil nagkakaroon kami ng iba't ibang kaibigan, hindi yung sa isangnetwork lang. Maganda rin yung may nakikilala rin kami sa ibang network katuladng sa GMA-7. Magandang idea rin na nakikita ng GMA at ABS-CBN na yung mgaartista pala, nagkakasundo-sundo naman nang bonggang-bongga!" says Angelica Panganiban about being given the chance to work with some Kapuso stars, like Dingdong Dantes whom she worked with for Mario D'boro.



Very welcome sa Kapamilya star na si Angelica Panganiban angmagkaroon ng chance na makasama sa isang project ang mga Kapuso star. Tuladna nga lang ngayon kung saan silang dalawa ng Kapuso's pride na si DingdongDantes ang image model ng shoe brand na Mario D'boro.

Kagabi, June 26, sa Annabel's restaurant sa may Tomas Morato,Quezon City ay formal nang ini-launch sina Angelica at Dingdong bilang celebrity endorsers ng Mario D'boro. Makikita narin ang print and billboard ads nila for the said local shoe brand.

When asked about being paired kahit sa isang productendorsement lang kay Dingdong, Angelica told the entertainment press:"Nakakatuwa dahil nagkakaroon kami ng iba't ibang kaibigan, hindi yung sa isangnetwork lang. Maganda rin yung may nakikilala rin kami sa ibang network katuladng sa GMA-7. Magandang idea rin na nakikita ng GMA at ABS-CBN na yung mgaartista pala, nagkakasundo-sundo naman nang bonggang-bongga!"

Ang naturang presscon pa lang ang ikalawang pagkakataon nanagkita sina Angelica at Dingdong. The first time ay sa pictorial nila togetherna umabot lang daw ng one hour.

Kuwento ni Angelica,"Pangalawang beses pa lang naming magkita, pero nakakatuwa dahil naging madalikaming maging comfortable sa isa't isa. At lahat, puwede naming pag-usapan.Wala kaming wall or parang naiilang kami."

Ano ang first impression ni Angelica kay Dingdong nangmagkasama sila sa pictorial?

"Actually, sa TV ko lang siya nakikita," sabi ni Angelica. "Siguronagkikita rin kami sa mga events, pero yung nakasama ko siya nang medyo matagal-tagal,sa pictorial lang. So parang nakilala ko yung ugali niya na masayahin palasiyang tao. Tawa siya nang tawa, e, mahilig akong magpatawa. So parangnagdya-jibe yung ugali namin kaagad.

"Wala siyang reklamo kahit ang tagal ko... Siyempre babae ako,ang dami pang inaayos, makeup... Pero siya, nandoon lang siya sa isang tabi,naghihintay lang siya. Nakakatuwa."

Iisa halos ang naging observation ng mga entertainment presshabang tinitingnan silang dalawa na magkatabi sa presidentialtable. Physically ay bagay raw pala silang dalawa ni Dingdong. Standout angpagiging guwapo at maganda nila and they will both look good onscreen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nagawang posible for endorsement, naiisip kaya nila napuwede rin maging posible sa movie na mapagsama sila? Magiging okey ba kayAngelica ang ideya na yun?

"Siyempre, kung mabibigyan kami ng chance at kung nakayanaman ng Mario D'boro na mapagsama kami sa isang endorsement, bakit nga bahindi natin subukan sa movie? Ako,natutuwa na ako noon na nakasama ko noon sa movie ang ibang Kapuso stars saWhite Lady, gaya nina JC de Vera, Pauleen Luna... So kung makakagawa kami ngmovie ni Dingdong, bakit hindi?" saad ng young actress.

SHOE FETISH. Walaraw siyang masasabing luho sa katawan bukod sa sapatos. Kaya naman pati angpagde-design ng shoes ay ginagawa raw niya.

"Well, ako po talaga, wala akong luho sa katawan except forshoes," sambit niya. "Talagang kapag sapatos na... Pero ngayon, talagang kinu-controlko na. Kasi ang dami po nilang ibinibigay. So dapat lang na mag-control na akodahil hindi ko na kailangang bumili ng marami.

"Yung pagde-design naman po, kasi sa bago kong soap sa ABS,yung Iisa Pa Lamang, may pagkamaldita yung role ko. So dapat yung mga shoes ko,medyo mga shocking colors saka design. So magpo-propose pa lang po ako sakanila [Mario D'boro] ng design para siyempre mas palagi pang makikita sa TV atmagagamit."

"IISA PA LAMANG." New look si Angelica nang humarap sa press kagabi na in fairnessay bumagay naman sa kanya. Gone is her long hair, na aniya, sinadya raw niyatalaga para sa Iisa Pa Lamang.

"May pagkamaldita kasi yung character ko. At the same time,gusto ko rin ng bagong look dahil galing ako sa Maging Sino Ka Man, na medyomatagal na rin yung ganoong look ko."

Yung conflict daw ng character niya sa series ay iikot sacharacter nina Claudine Barretto at Diether Ocampo. Dagdag pa niya, marami rawsilang love scenes ni Diether sa naturang teleserye na ikakagulat ng mgamanonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MARRIAGE PLANS YET. Pagdating naman sa kanyang love life, super okay at masaya parin daw silang dalawa ni Derek Ramsay. Humirit pa ito ng biro na "atake!" when PEP told her na tipong seriousna talaga sila sa isa't isa.

Aniya, hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal or kahitengagement man lang.

"Wala pa, hindi pa," sabi niya. "Nag-e-enjoy-enjoy langtalaga kami. Gusto pa naming ma-experience ang lahat. Marami pa kaming gustongmangyari. Basta kami, never pa naming napag-usapan yung tungkol doon."

Dagdag niya, hindi naman daw sa wala silang plano ni Derek.Pero bilang babae, hindi naman daw siguro sa part niya dapat unang manggalingang pag-o-open up ng mga ganoong bagay. "At saka, mas nakikita ko rin kasi namas masaya kami sa ganito, yung walang pressure. Mas relax lang, di ba? Bakakasi mas mataranta kami kapag may mga ganoong talk show."

Magkaiba naman daw kasi sila ng kanyang "ate" na si Judy AnnSantos dahil nasa right age na raw ito to settle down, at na-achieve na haloslahat ng puwedeng ma-achieve sa kanyang personal or professional life man.

"Siguro kasi, alam rin naman niya [Derek] na marami pa akonggustong gawin at siya rin naman, marami pa siyang gustong gawin at mangyari sakanya bilang simpleng tao lang, wala pang pamilya, di ba?"

Samantala, maging si Angelica ay nagtataka kung bakit maylumabas na isyung break na sila ni Derek.

"E, nakakatawa kasi hindi ko talaga alam kung saannanggaling yung isyu na break-break. Unang-una, ni wala nga kaming anypagtatalo man lang or hindi napagkakasunduan. So, that's not true," paglilinawniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN