Dingdong Dantes still dreams of playing a superhero role

"Hindi mawawala yun, it's my childhood dream. Pero ako naman, hindi naman ako yung magsasabi na ganito ang gusto kong gawin.I believe na kung para sa akin ang isang role, para sa akin talaga yun," says Dingdong Dantes about his dream of portraying a superhero character.



Nauna nang nagbigay ng kanyang reaction si Dingdong Dantesnang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagsasama nila ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa pag-e-endorseng local shoe brand na Mario D'boro.

Hindi naman itinanggi ni Dingdong na na-starstruck siya kayAngelica sa una nilang pagkikita noong pictorial. Kung magkakaroon daw ngchance na humantong sa mas malaking project gaya ng pelikula ang team-up nila,isang bagay yun na ikatutuwa niya.

"Well, siyempre bakit naman hindi, di ba? Kung mabibigyan ngopportunity na magkasama kami ni Angelica, hindi lamang sa pag-e-endorse ngisang produkto tulad nga ng Mario D'boro, sa palagay ko isang magandangopportunity yun para sa akin na magkaroon din ng chance na makatrabaho sa movieang isang Kapamilya star at magaling na aktres na katulad nga ni Angelica."

Ito ang pahayag ni Dingdong sa launching nila ni Angelica bilang celebrity endorsers ngMario D'boro kagabi, June 26, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, QuezonCity.

CONSISTENT TOP-RATER. Dahil consistent top-rater ang pinagbibidahang fantaseryenina Dingdong at Marian Rivera, ang Dyesebel, isang bagay raw ito nanakapagpapasaya sa kanilang lahat sa set.Okey rin kay Dingdong ang mga kaganapan ngayon sa kanilang fantaserye.

"Ngayon na kasi yung medyo romantic moment. Pero angmangyayari diyan, mapuputol ‘yan dahil siyempre nandiyan na ang conflict. Kungkailan nagkakagusto na ako sa kanya [Dyesebel], nandiyan na yung ilalayo nakami sa isa't isa. Pero siyempre, mas maganda at mas exciting ngayon," lahad niDingdong.

Ang alam daw ni Dingdong, hindi na aabot hanggang latethis year ang Dyesebel, nang tanungin namin siya kung hanggang kailan itomapapanood.

SUPERHERO ROLE. Nagbiro naman si Dingdong nang tanungin siya ng PEP kung maynext project na siya pagkatapos ng Dyesebel. "Meron...ano yata, e, Batman 3!" atsaka siya natawa.

Dahil sa biro niya, naalala tuloy ng PEP na isa sa mga rolena gustung-gusto niyang gawin ay ang maging superhero. Hindi niya itinatanggina hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kagustuhan niya na gumanap ng mgaganitong klaseng role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mawawala yun, it's my childhood dream," sabi niya."Pero ako naman, hindi naman ako yung magsasabi na ganito ang gusto kong gawin.I believe na kung para sa akin ang isang role, para sa akin talaga yun.

"And besides kasi, hindi ko rin naman alam kung babagay paba sa akin yung ganoong role. Ngayonkasi, parang mas maganda ang lumalabas na doon tayo sa romantic lead, romanticmale. So, ayoko namang sirain."

SPECIAL TEAM-UP. We also asked Dong kung posible kayang magtambal sila ulitni Marian for the third time pagkatapos ng Dyesebel.

"Posible...posible!" sagot niya. "Baka may posibilidad nahindi, pero may possibility rin na kami pa rin pala. Like itong Dyesebel, hindiko naman ito inaasahan. Ang alam ko, iba ang ka-partner niya ro'n. ‘Taposnagkaroon ng chance na maging kami. Anything is possible naman. Pero siyempre,depende rin naman ‘yan sa tao kung gusto pa ba nila."

Hindi naman itinatanggi ni Dingdong na special para sa kanyaang naging team-up nila ni Marian. If ever time will come that it has to end,mas gusto raw niyang mangyari ito na maganda pa rin.

"Ako naman kasi, kumbaga, kapag naging memorable ang isangbagay, mas gusto ko na matapos na isang memorable at maganda ang wakas. Morethan hintayin namin yung time na hindi na tanggap.

"Pero ako naman, ever since, naniniwala ako sa tandem namin.I believe na puwede pang dalhin sa ibang paraan. Like a movie... I think a moviewould be very, very nice," saad ni Dingdong.

KARYLLE'S KISSING SCENE. Kasabay ng presscon ni Dingdong for Mario D'boro kagabi ang pressconference ng girlfriend niya si Karylle para sa musical play na West SideStory. Doon ay nalaman na may kissingscene pala si Karylle sa leading man nito na si Christian Bautista.

Obvious na nagulat si Dingdong nang kuhanin ng press ang reactionniya tungkol sa bagay na ito. Ayon sa young actor, hindi raw niya alam na merongkissing scene sa Karylle sa naturang musical play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang may magsabing baka pagsimulan yun ng argument nilani Karylle, maagap namang sinabi ni Dingdong na okey lang sa kanya ito.

"Wala yun, okey lang yun. Unang-una, ako rin naman, ginagawako yun [kissing scenes]. So, walang problema," ani Dingdong.

Sinigurado pa niya na definitely ay panonoorin niyaang musical play ng girlfriend kapag nagsimula na itong ipalabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN