Karylle is happy to be back in theater

"Actually, in any play naman, kasi araw-araw yun... Para kang bumaliksa school, may dala kang tape recorder, may dala kang music sheet. Parang everyday kayong magkakasama, ‘tapos yung mga break n'yo, five minutes lang. So yungbonding, at the end of it, masaya," shares Karylle about working in a musical play.



Bagamat ilang araw pa lang nakakapag-rehearse sina Karylleat Christian Bautista para sa forthcoming production ng Stages of Broadway'sWest Side Story, nagpakitang-gilas na agad ang dalawa when they sang and actedexcerpts from the said musical play.

Kahit wala pa silang masyadong rehearsal, pinalakpakan nanghusto ang dalawa dahil sa ipinakita nilang husay. Sinorpresa rin ni Karylle angmarami with her soprano voice.

Ibang experience para kay Karylle ang music rehearsal niladahil hands-on daw ang direktor nilang si Menchu Lauchengco-Yulo kahitrehearsal pa lamang.

"Nakakatuwa, kasi si Ms. Menchu, siya kasi yung Maria [herrole] before. Nakakatuwa lang na music rehearsal pa lang, nandoon na siya. Kasihindi naman nangyayari na ganoon palagi. Although maganda kapag ganoon kasimino-motivate niya kami.

"And when you see her there, yung passion niya talaga forwork, sobra! Even with me, kung ano ang mali ko, kino-correct na niya talaga,"lahad ni Karylle tungkol sa kanyang experience with her director.

Hindi naman daw nai-intimidate si Karylle sa presence ngkanilang director, since considered big name na rin ito in terms of theater.Malaking bagay raw na after niyang mag-workshop for The Little Mermaid, nag-TrumpetPlayshop siya at nakapag-workshop siya nang one-on-one with Menchu.

"Nakakatuwa lang din na seeing her again now, kapag pinupuriniya ako or sasabihin niya what I have to work on... E, she's very animated kapagnag-motivate. Siyempre theater, so ako, parang mas nae-excite ako," masayaniyang pahayag.

Next week pa lang daw ang actual rehearsal nila for thechoreography and blocking.

CHRISTIAN & JOANNA. Tungkol naman sa kanyang leading man na si Christian, sinabi ni Karylle na even before ay magkaibigan na sila.

"Dati pa kaming friends, noong contest pa ni Mama [Zsa ZsaPadilla], yung Star In A Million. E, Stages siya [Christian] ‘tapos ako naman, mayginagawang play noon for Trumpets. Sobrang payatot pa niya noon... Actually, payatpa rin naman siya, pero siyempre, mas payat pa siya before," natutuwang kuwentoni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey kay Karylle ang ideya na ang mga bida ng West Side Story—aside from WestEnd Star Joanna Ampil as her alternate for the role of Maria—ay nanggalingsa magkalabang giant networks. Napagsama ng Stages ang dalawangartists ng magkalabang networks sa musical play na ito; si Karylle ay from GMA-7 while Christian is with ABS-CBN. Nagkataon ding ang kanilang musical-variety shows ay magkatapat din—si Karylle ay nasa SOP samantalang si Christian naman ay mainstay ng ASAP '08.

"Parang ang konti na nga lang ng artists sa Philippines,mag-aaway-away pa ba?" sabi ni Karylle. "At saka, ili-limit pa ba natin yun?Kita n'yo nga, nahihirapan na nga ang Stages to find people who can dance, act,and sing, ‘tapos ili-limit pa ba natin yun? ‘Tapos sasabihan pa natin na bawalyung ganito kasi sa kabila ka? Bakit, di ba?"

Nag-warning na kaagad ang executive producer ng West SideStory na si Audie Gemora na hindi raw dapat i-compare ang dalawang Maria nasina Karylle at Joanna. Sa theater daw kasi, hindi nagpapatalbugan kundinagtutulungan pa ang bawat isa.

When asked kung hindi ba siya nape-pressure or nai-intimidatena isang beterano at kinikilala pagdating sa theater ang ka-alternate niya,nagbiro na lang si Karylle.

"Well, sabi ko nga, siya from the West at ako naman, fromBroadway...Centrum!" tawa niya. "Actually, yun na lang ang iniisip ko since batapa lang ako, sinasamahan ko na ang mama ko sa GMA Supershow.

"I've always been a strong believer of Filipinos. And thefact that there's so many of us abroad, it's such a big deal. And for her[Joanna] to actually come back after getting famous there, parang wow! It's agreat thing to share her talents here.

"I think, there will always be comparison," patuloy niKarylle. "But I am more excited to actually start rehearsing with her andlearning with her. I'm sure naman she's a great person. I mean, the fact thatshe's coming here and I'm sure, it's a great learning experience for us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO THEATER. Aminado si Karylle na hindi niya puwedeng sabihing relaxlang siya with her new musical play kahit sabihin pa na nakapag-theater na siyabefore.

"Hindi talaga!" pagsang-ayon niya. "Kasi maraming aaralin,pero masaya. Actually, in any play naman, kasi araw-araw yun... Para kang bumaliksa school, may dala kang tape recorder, may dala kang music sheet. Parang everyday kayong magkakasama, ‘tapos yung mga break n'yo, five minutes lang. So yungbonding, at the end of it, masaya."

Four hours daw every day ang rehearsal nila at siyempre pa, bawal ang ma-late.

"Naku, kanina, na-flat tire pa ako! Naglakad talaga ako,talagang, ‘Halika na! Lakad na!' Parang feeling ko, nasa school ako!"natatawang kuwento niya.

Isa raw talaga sa gustong gawin ni Karylle ay ang bumalik satheater.

"Wala lang, parang at the back of my mind, I was like,‘Kailan kaya ulit ako makakapag-play?' I'm just happy that I'm finally back intheater."

Bukod sa panonood ng movie na West Side Story, marami paraw siyang preparation na ginagawa. "Nag-i-start pa lang ako ulit mag-jogging.Nagbabasa ako ng mga Spanish books. Siyempre, vocalization."

Sa pagdya-jogging ay nakakasama raw ni Karylle ang boyfriendna si Dingdong Dantes kaya nagiging bonding na rin daw nila ito.

"E, siya naman talaga ang mahilig mag-jogging-jogging. Akowalking, ‘tapos siya naman jogging. Yung sa kanya, para sa Araneta Coliseum [Bench'sBlackout]."

Sa puntong ito, nagkaroon ng kantiyawan from the press whenKarylle was asked kung sino ang voice teacher niya. When she answered na si TeacherKitchie Molina, "PDA!" ang naging sigaw ng mga press. Karylle kasi is hostingPinoy Idol Extra while Teacher Kitchie is one of the mentors of PinoyDream Academy.

Natawa na lang din si Karylle dahil, aniya, alam daw niyangganoon ang posibleng maging reaction. Pero siyempre, pangit naman daw if shewill deny the person.

THEATER OVER SOAP OPERA. Halos lahat ng magagandang bagay ay nangyayari ngayon sacareer ni Karylle. Pagkatapos daw niyang tanggapin ang West Side Story, sakanaman may pumasok na offer for a soap opera, pero kinailangan na niya itongi-turn down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, actually, after we did the call back, Tito AudieGemora asked me, ‘Karylle, are you committed to do this?' So parang ako naman,I gave my word. I said yes and I want to do this. After that, doon dumatingyung offer for the soap. So siyempre, nasabi ko na sa kanya na oo. Siyempre,palabra de honor and I really want to do West Side Story dahil paminsan-minsanlang sila mag-stage ng ganito. Kita n'yo naman, may orchestra pa.

"Yung soap, baka after meron pa rin naman. Actually, wetried to work it out, pero imposible lang talaga, especially bawal magpuyatkapag nagre-rehearsal. Kahit yung rehearsal namin, 12 p.m. to 4 p.m. lang everyday."

When it comes to kissing scenes sa kanilang stageplay, bago pa man daw niya tinanggap ang role ay alam na ni Dingdongna meron. Kaya nang makausap namin si Karylle, nagulat pa siya na tilanakalimutan ni Dingdong na nasabihan na niya ang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN