Gabby Concepcion will reportedly record an album for Warner Music

According to a PEP source, comebacking actor Gabby Concepcion is all set to record his first album under Warner Music.



Iba talaga ang pagbabalik ng aktor na si Gabby Concepcion.Very rare for an actor na pagkatapos ng halos 13 taong pagkawala sa showbiz at sabansa mismo, sobrang init pa rin ang pagtanggap sa kanya ng publiko at patuloy ang pagdating ngmga oportunidad.

Bukod sa kanyang kauna-unahang soap opera na Iisa Pa Lamangng ABS-CBN at ang kanyang mga gagawing pelikula para sa GMA Films at Star Cinema,napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakatakda ring gumawa ng album si Gabby para sa Warner Music Philippines.

Kapag nagkataon, pareho na sila ng kanyang anak na si KCConcepcion na mapapanood sa TV at pelikula, at mapapakinggan sa radio stationsat record bars.

Ayon sa source ng PEP na mula sa kampo ni Gabby, ang Warnermismo ang nag-offer sa aktor na gumawa ng album at maging isa sa mga recordingartist nila. Nakita raw kasi ng Warner na may talent din pala sa pagkanta siGabby when he was invited by SM to perform in their chains outside Metro Manila—Iloilo,Dagupan, Cagayan de Oro, Cebu, and Davao. Bukod pa rito ang napakainit napagtanggap ng mga tao sa nagbabalik-showbiz na aktor.

Hindi na rin daw kailangan ni Gabby ang mag-voice lessondahil sa loob ng 13 years na pamamalagi niya sa Amerika ay naiimbitahan dinsiyang kumanta sa ilang shows. Daig pa raw ni Gabby ang nag-aral ng formal voicelesson.

Ilan daw sa mga personal choice at favorite songs ni Gabbyang nakapaloob sa album at may ilan ding original songs. Pero hindi pa raw finalang list of songs.

Nalaman din ng PEP na, more or less, ang talent fee raw na niGabby sa bawat appearance niya at dalawang kanta sa mga shows na ginagawa niyaoutside Metro Manila ay naglalaro sa P500,000 pataas. Kung totoo nga na ito angnatatanggap ni Gabby, daig pa niya ang ilan sa mga sikat na performers/singers ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natiyempuhan ng PEP si Gabby sa Annabel's restaurant kagabi,June 26. Ayon sa kanya, kung may nakakapagpa-excite sa kanya ngayon ayang nalalapit na pagpapalabas ng Iisa Pa Lamang withClaudine Barretto.

"Ganoon pala yun, para kang nagde-debut, hindi mo alam yung nararamdaman mo. I would say, sobrang excited akong talaga!" sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN