Bong Revilla to do a movie for Star Cinema this year

"Ako, naniniwala akona if it's your time, it's your time.Ako, ganun ang ano ko. Kaya ako, do good things na maaalala ka ng mga tao namamahalin ka. And siguro ang Panginoon, nakikita yung ginagawa mong kabutihanat Siya na ang bahala mag-ano sa ‘yo, na dapat humaba pa ang buhay mo dahilmarami ka pang matutulungan, di ba?" says Senator Bong Revilla.



Masayang ibinalitang actor-politician Ramon "Bong" Revilla sa isang get-together dinner with some membersof the press last Wednesday, June 25, na gagawa siya ng pelikula this year withStar Cinema. Magbabalik si Bong sa bakuran ng Star Cinema after almost 15years. Matatandaan na si Bong ang bida ng kauna-unahang pelikulang ginawa ng Star Cinema, ang Adan Ronquillo noong 1993.

"Hinahanda pa nila.Magmi-meeting kami anytime this week or next week," lahad ni Bong.

This time, artistalang daw talaga si Bong sa pelikula at hindi sila magko-co-produce ng StarCinema. Wala namang ideya si Bong kung ipapasok ito ng Star Cinema para sa MetroManila Film Festival (MMFF) sa darating na Disyembre.

"Hindi ko lang alamkung nai-submit nila yung script, or before MMMF yun siguro, or before the endof the year or early next year."

Wala rin dawsiyang pelikula na prinodyus for MMFF pagkatapos ng Resiklo.

"Sayang nga, e.Masyado akong naging busy. Na-overlook ko yung deadline nung June 19. Pagka-anoko, June 19 na. E, hindi kami naka-prepare. Nakakahiya naman i-extend yung [deadline]just because of me. Ayaw ko naman na gamitin ang power ko," sabi ngactor-politician.

Nasanay na rin kasiang Pinoy audience na meron siyang pelikula tuwing Pasko.

"Oo nga, e, kayayung ibang prpoducer na gusto akong kunin, I'm free, di ba?" nakangiti niyangsabi.

"IF IT'S YOUR TIME, IT'S YOUR TIME." Naging busy rin kasisi Bong sa burol ng kaibigan niyang si Rudy Fernandez. Marami rin daw siyangbagay na na-realize Bong sa pagkamatay ni Daboy.

"There's no such asano, e, yung tipong ano... No matter how strong you are, how healthy you are,kapag dinapuan ka ng sakit na talagang nasa system mo na, bibigay at bibigayka. Si Daboy, napakaalaga sa katawan nun. Napakalinis nun. Yun nga siguro angmahirap sa isang tao kapag sobrang malinis ka, mahina yung antibodies mo. Yunang isa sa nakita ko.

"Napakabait na tao...Hindi mo talaga masabi. Kagabi [June 24], nanonood kami ni Lani [Mercado, hiswife]. Nag-usap nga kaming mag-asawa. ‘Alam mo,' sabi ko, ‘ang buhay ng taohindi mo masabi. Anytime, anytime, go. Do you think, ikaw ba mararamdaman mo?'Sabi sa akin, nag-usap kaming dalawa, ‘Ikaw ba do you think nakikita mo ba natayo magkasama tayo hanggang pagtandanatin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun bang ganungusapang mag-asawa. Sagot ko, ‘Alam mo, I don't know. Only God knows kung anongmangyayari.' So while we're alive, might as well do good things sa mga tao namaaalala ka kapag wala ka na. Yung maiiwan mo sa anak mo, apo mo, that willmark. Like what Daboy did, FPJ [Fernando Poe Jr.] did, di ba? Yung mga bagayna yun na magmamarka sa puso ng bawattao.

"Hindi naman nilamaaalala na ikaw mayaman ka. Ikaw yung mayaman na ganun. Yumayaman ka, sikatka, anong nagawa mo sa bayan? Anong nagawa mo sa kapwa mo? Anong nagawa mosa kaibigan mo? Marami kang responsibilidad. Ako, sabi ko nga, kahit ganitolang ako, marami akong pamilya. Sabi nila, ‘Bakit, sinong pamilya mo?' Ako?‘Yung isa mo, yung ganun-ganun?'

"Sabi ko, ‘Hindi,ang pamilya ko, yung mga taong sumusuweldo sa atin na tinutulungan natin, yungnabigyan natin ng trabaho. ‘Pag nawala tayo dito, wala na rin sila. Sila yungmga taong dapat din nating tulungan, kaagapay.'

"Ako, masyado akongemosyonal kagabi. Kasi hindi mo pa masasabi kung hanggang kailan tutuldukan ka.Sabi ko, ‘Ako, do you think tatanda pa ako? Sa mga pinagdaanan ko,vice-governor, governor, VRB (Video Regulatory Board], doon na lang sa tatlongano...ang dami kong nasagasaan, ang dami kong kaaway. Hanggang ngayon, hindi akopuwedeng makapag-alis ng security. May mga threat pa rin ako, e. Dahiltitingnan nila, ‘Eto masyado naman itong security conscious.' Magugulat ka nga,yung mga vice-mayor ngayon, biglang binabaril na lang. Kahit gaano ka kabait,still, politics. Nandiyan yungkapatid ko pa rin, still active in Cavite.

"Yung mga nasasagasaan natin nailegal. Yun na lang sa drugs na biggest hole na nasagasaan namin noon. Hangangngayon, ha. Yung mga nasagasaan ko sa piracy, bilyun-bilyon din yun. Hindi mo alamkung kailan ka nila gustong pitasin. So you can never tell. You'll just have tobe ready in a given time na kung dumating yun, handa ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, naniniwala akona if it's your time, it's your time.Ako, ganun ang ano ko. Kaya ako, do good things na maaalala ka ng mga tao namamahalin ka. And siguro ang Panginoon, nakikita yung ginagawa mong kabutihanat Siya na ang bahala mag-ano sa ‘yo, na dapat humaba pa ang buhay mo dahilmarami ka pang matutulungan, di ba?" mahabang pahayag ng senador.

VP IN 2010? May balita na tatakbosi Sen. Bong bilang Vice-President sa susunod na halalan sa 2010. Totoo ba ito?

"Kung darating ang pagkakataon," ngiti ni Bong."Napag-uusapan sa partido namin ‘yan, sa Lakas. Yun nga, na tumkabo ako ngVice, napupusuan. Sabi ko nga, malayo pa naman ‘yan. Let's see kungmagugustuhan ba ng taong-bayan na tumakbo ako, e, di yun. And, why not?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN