Lani Mercado says marriage with Bong Revilla is "still a work in progress"

"Hindi porke't 22 years kayo, humihinto naang growth ninyo as a couple. It's still a work in progress. Hindi ko masasabina hindi kami mag-iiba or what, basta it's a work in progress. Ang importante,nandiyan ang Panginoon. Kasi may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mo, e.Na kaya mong tanggapin at ilaban na nagagawa mo," says Lani Mercado about her marriage with actor-politician Bong Revilla.



Malaki ang nagingepekto kay Lani Mercado at sa pagsasama nila ng mister niya na si Bong Revilla angpagkamatay ng kaibigan nilang si Rudy Fernandez, pati na ang ipinakitang pagmamahalng misis ng yumaong aktor na si Lorna Tolentino. Ikinuwento ni Lani sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang naganap na heart-to-heart talk nila ni Bong lastTuesday, June 24.

"Napag-usapan namin,kumbaga, look at the brighter things in life. Maraming... Actually, habangnanonood kami ng National Geographic niyan, giyera ang pinapanood niya. Howromantic, di ba?" natatawang bungad ni Lani sa isang dinner with theentertainment press last Wednesday, June 25.

Patuloy niya,"Hinahalintulad niya ang buhay sa giyera na nararanasan namin ngayon. Kumbaga, we should be more thankful of thebeautiful things rather than look at the bad things. Through thick and thin,talagang yung sinumpaan nila [Rudy and Lorna]sa dambana, isinabuhay nila yun na napakahirap na gawin, sa totoo lang."

LANI AS A WIFE. Pero mas mahirap dawkung tutuusin ang pinagdaanan ni Lani kaysa kay Lorna kung ang pag-uusapan ay angpagiging asawa.

"Baka ako angmahimatay dito! Baka malunok ko ang mga tape recorder ninyo!" biro ni Lani.

"Twenty-two years nakami ni Bong. Sina LT, 25 na yesterday. Yun yung [church] wedding nila sa VillaEscudero."

Kung tutuusin,marami rin ang bilib kay Lani for sticking it out with her husband sa kabila ngmga babaeng na-link sa actor-politician.

"Basta si God nalang ang bahala sa amin. Yun na lang. God will take care of everything," sambitni Lani.

Sa pagkamatay niDaboy, naging mas maganda at mas tumibay raw ang relasyon nila ni Bong.

"Oo, every day is awork in progress, e," sabi ni Lani. "Hindi porke't 22 years kayo, humihinto naang growth ninyo as a couple. It's still a work in progress. Hindi ko masasabina hindi kami mag-iiba or what, basta it's a work in progress. Ang importante,nandiyan ang Panginoon. Kasi may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mo, e.Na kaya mong tanggapin at ilaban na nagagawa mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakaibang misis ngaraw si Lani dahil natitiis niya kahit ang dami-dami pa rin ang nagtatangkangagawin sa kanya si Senador Bong.

"No choice!" sabaytawa ni Lani.

SILVER WEDDING ANNIVERSARY. Wala ba silang planoni Senador Bong on their 25th wedding anniversary?

"Kasi dalawa na yungkasal namin, isa sa Amerika nung ‘86. Gusto naman namin mag-travel. Ano yun,papatak ng 2011, after the election, May. Ka-wedding anniversary namin sinaInah, kasi May 28 din sila ikinasal ni Vince [del Rosario]."

By that time,maaaring nakasumpa na si Bong bilang bagong vice-president ng Pilipinas.

"Ano ba ‘yan? Parangdini-declare na mga bagay-bagay!" nangingiting pahayag ni Lani.

Handa na ba siyangmaging vice-president's wife in 2010?

"Let's take it oneday at a time. Baka atakahin ako!" tawa niya.

JOLO'S LOVE WOES. Hindi rin nakaligtassi Lani sa mga problemang kinakaharap ng kanyang mga anak. Una na si JoloRevilla na nasa gitna ng intriga ngayon dahil sa pakikipagrelasyon niya kayLovi Poe. Very open kasi ang ina ni Lovi na si Rowena Moran sa pagtutol sapagkakamabutihan ng anak at ni Jolo.

"Ano lang, siyempreanak ko si Jolo. Minsan naaawa rin ako sa anak ko. Gusto ko man siyangipagtanggol, ayoko namang ma-misinterpret. Parang ang gagawin kasi,paglalabanin kami ni Rowena. Ayokong ganun. Kasi mahal ko rin si Lovi, e.Mahal ko ang ama ni Lovi [Fernando Poe Jr.] Ama namin ‘yan, e.

"Ayokong magkaroonng conflict between... Basta ang lagi kong pangaral kay Lovi, ‘Always have a goodrelationship with your mother. Kasi ang nanay ay nanay.'"

Kung siya ang nasakatayuan ni Rowena, pagbabawalan ba niya si Lovi?

"Ganito na lang, angano ko na lang tungkol kina Inah, Gianna, at Loudette. Gusto ko ang suitors ngmga anak ko, dumadalaw sa bahay. Ayokong nagtatago sila, sa labas silamagkikita dahil may takot.

"Ang ideal talaga,open ang bahay mo para at least yung mga suitors ng mga anak mo, nakikilala mo.Yun ay kung gusto mo nang tumanggap ang anak mo ng suitor. Na yun naman angginawa namin nung 18 si Ate Inah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga langsiguro, nagkakaroon ng agam-agam din si Rowena kasi binatang-ama si Jolo. Mayfear factor din na ganun. Plus, hindi natin maikakaila, may stigma angRevilla. Yun yung masakit. I dobelieve, I hope, I think I have raised a good son in Jolo. He has learned fromhis past mistakes. ‘Pag nagkamali pa siya, sinabi ko sa kanya, mahirapmag-recover kapag nagkamali ulit," pahayag ni Lani.

Pero masasabi baniya kay Rowena na huwag siyang maging judgmental sa kanyang anak na si Jolo?

"Nakilala niya siJolo during the first few days or months na nagtatrabaho si Jolo at si Lovi.Siguro huwag lang maging sarado ang heart niya," maingat na sabi ni Lani.

Paano naman nilasinusuportahan si Jolo sa gitna ng pagtutol ng ina ni Lovi sa kanya?

"Pinapangaralannamin, regardless whether gusto o ayaw ni Rowena si Jolo for Lovi. Hindi namininiisip ang bagay na yun."

Pero bilang ina,hindi ba siya nasasaktan sa nangyayari kay Jolo?

"Ang akin, everytime I would see Lovi... Kasi sa kanilang dalawa yun, e. Personal na ano yun.Every time I would see Lovi, lagi kong kinukumusta, ‘Ang mama mo? Okeyba kayong dalawa? Basta huwag mong kakalimutan always have a have a goodrelationship with your mother.'"

Sa tingin ba ni Laniay sobrang nahihirapan sina Jolo at Lovi sa pakikipaglaban ng kanilangrelasyon?

"Ay, ayoko nangmag-comment!" tawa niya. "Actually, nakikita ko na ano yun, e, yung naglalabanang damdamin. Pero sabi ko sa kanila, walang magulang na gustong mapasama anganak. So lahat ng gagawin ninyo is, abide by the rules and regulations of yourparents."

Nakarating na ba siLovi sa bahay nila?

"Nakasama naminsiya," sagot ni Lani. "Nung Valentine's Day, nandun siya. Nakasama namin nungValentine's date. e. Marami kaming nag-date no'n, e. Kasama namin sila. Nanoodkami ng show sa Bellview, sa Apo Hiking Society. Silang dalawa ang alam ko angmagkasama, pero may driver or alalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, babae ako,kako, nadagit din ang puso ko ng isang Revilla. Sabi ko lang, ‘Maganda kangbata. Maganda ang career mo. So as early as 19 years old, gawin mo muna yung gusto mong gawin, pagkaalabalahan mo muna ang career mo. Ako noon, 17, naging boyfriend ko ito[Bong, na nakaupo sa tabi niya]. So ano, career muna. ‘Pag may asawa ka na,marami ka nang restrictions.' ‘Tsaka, sabi ko, hindi mag-iisip ang magulang naipahamak ang anak niya. So, nakikita mo naman na may malasakit siya. Naano langsiya, hard lang."

Gusto ba niya siLovi for Jolo?

"Di ba, nungbirthday ko nag-announce-announce kami? Kumbaga, ‘yang dalawa, sabi ko, 'Angganda ninyong tingnan, pero huwag ninyong bilisan ikako. Patagal pa kayo. Huwag kayongmagmadali. Dahan-dahan lang.' Kasi maganda ang takbo ng career ni Lovi.Pagkaabalahan niya ang career niya. Mabait pa na bata. E, si Jolo naman, alamko kung paano rin magmahal ang batang yun."

INAH'S PREGNANCY. Kinumusta rin naminkay Lani ang panganay na anak niyang babae na si Inah, na kamakailan din aynalagay sa gitna ng kontrobersiya.

"Magho-Hong Kongsila sa Friday. May isa ring couple na kasama sila. Foursome sila, ‘tapos bakasina Wena [Rowena Bautista] at si Andeng [Andrea Bautista-Ynares] pupunta. Peronagkataon lang yun, hindi planado. So, magkikita sila doon. Okey naman sila,adjusting. Medyo nagpre-prepare na ng nursery for the baby.

"Girl [yung baby],pero titingnan pa kasi, di ba, ‘pag girl may pagkakataon na maging boy? Bakakasi naitatago lang o maliit. Kung girl, Alexa Daniela ang name."

Nagkita na ba silang pamilya ng son in-law niya, ang ama ni Vince na si Jorge del Rosario, atstepmom nito na si Patricia del Rosario?

"After the wedding, hindi pa," maikling tugon niLani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN