Phillip Salvador prays for the marriage of Kris Aquino and James Yap

"Anggusto ko, maging happy na siya [Kris] nang tuluy-tuloy. And God is very good,like what you said, they're back. Ako, hindi ko alam na may nangyaring ganun.Pero tingnan mo si Lord pa rin ang gumagalaw," says Phillip Salvador about former live-in partner Kris Aquino and her husband James Yap (inset).



Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Phillip Salvador noong araw mismo napumutok ang balitang naghiwalay ang ex-live-in partner niya na si Kris Aquinoat ang mister nito na si James Yap noong Miyerkules, June 25. Si Phillip angama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua.

Gulat ang unangreaksiyon ni Phillip nang kunan namin siya ng reaksiyon.

"Wala akong alam. Ialways pray for them and huwag naman sana," sabi niya.

Pero natuwa namanang aktor nang malaman niya na nagkabati na sina Kris at James.

"Well, God is good.Ayaw niya ng sira ang pamilya."

Nalungkot ba si Phillip?

"Siyempre, kasi anggusto ko, maging happy na siya [Kris] nang tuluy-tuloy. And God is very good,like what you said, they're back. Ako, hindi ko alam na may nangyaring ganun.Pero tingnan mo si Lord pa rin ang gumagalaw.

"Okey na yun. Bastaang gusto ko, maging fruitful sila. That's what I want, maging fruitful silabecause she deserves to be happy."


Sa kasalukuyan ay dumadaan daw ngayon sa marriage counseling sina Kris atJames.

"Well, if that willdo good for them, okey yun. Basta ako, every day I pray for them. Kami ni Emma[Ledesma, Phillip's wife]."

Hindi raw talagamaiiwasan na dumarating ang problema sa isang mag-asawa.

"Oo, ganun ang buhaymay-asawa. There will always be yung tampuhan, yung ganun. Pero ako, I believekasi when you put God first, He will do the rest. E, kasi si Kris, paladasal,"pagtatapos ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN