Chariz Solomon denies threatening to slap Marian Rivera

"Magkaibiganpo kami ni Marian. In fact, magkikita nga kami after this presscon. Nakakahiyasa mga fans niya. Ako man ang makarinig ng ganoong balita sa idol ko, magagalitdin ako. Pero hindi nga po ito totoo at walang nangyaring ganito," says Chariz Solomon about reports that she threatened to slap Marian Rivera (inset).



Mainit ang mga fans niMarian Rivera against rising StarStruck comedienne Chariz Solomondahil sa isang news item na lumabas.

Ayon sa lumabas na report, nagalit diumanosi Chariz kay Marian dahil sa pambabastos diumano ng huli sa kapatid na dancerng comedienne. Gusto raw sanang magpakuha ng kapatid ni Chariz withMarian, pero dinedma raw ito ng Dyesebel star. Dagdag pa, dahil napahiya rawang kanyang kapatid, nagsabi raw si Chariz na sasampalin niya si Marian kapagnagkita sila.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Chariz sa last presscon ng My Monster Momsa Annabel's last Tuesday, June 24, to specifically ask her kung ano angkatotohanan sa balitang ito. Chariz plays the maid to the household ofAnnabelle Rama in the movie, which is written and directed by Joey Reyes for RegalEntertainment and GMA Films, opening this July 3.

"Naku, wala pongkatotohanan kahit isang katiting sa balitang ‘yan!" pauna agad sa amin niChariz. "Hindi ko po alam kung bakit may ganitong lumabas na balita dahil isalang po ang nag-interview sa akin nito at via text pa at malayung-malayo angnaging sagot ko.

"Una po, hindi nagalitang kapatid ko kay Marian. Naiintindihan niya nga kung hindi magpakuha siMarian kasi pagod na pagod silang lahat noon after the show. Pero ang totoo panga, pumayag si Marian na magpakuha sa brother ko at nakangiti pa nga si Mariansa picture."

Nasa cell phone niChariz ang picture ng brother niya at ni Marian, pero hindi na ito nakuhangipakita sa amin.

Sabi ni Chariz, "Magkaibiganpo kami ni Marian. In fact, magkikita nga kami after this presscon. Nakakahiyasa mga fans niya. Ako man ang makarinig ng ganoong balita sa idol ko, magagalitdin ako. Pero hindi nga po ito totoo at walang nangyaring ganito."

We told Chariz nagaling ang impormasyong ito sa kanyang manager mismo, who also is a member ofthe press and the manager of the dancers na kinabibilangan ng kapatid niya. PRO rin ito ng GMA Artist Center kung saan connected si Chariz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging maingat na angsagot ni Chariz tungkol dito at sabi niya na lang, matagal na silang hindinakakapag-usap ng kanyang manager at, definitely, wala siyang naikuwentongganito.

Magkasama at mag bestfriend ang papel nina Marian at Chariz sa GMA Films-Regal Valentine movie My BestFriend's Girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN