Veteran comedian Tessie Tomas returns to TV after long vacation via "Kim Samsoon"

"I missed being busy on television. 'Tsaka angtagal ko na rin hindi nakakagawa ng isang soap drama. The one and only dramaseries I did was Sa Sandaling Kailangan Mo Ako in ABS-CBN. May mga offers afterthat, pero parating hindi natutuloy," says Ms. Tomas about accepting GMA-7's Ako Si Kim Samsoon.



First primetime series ni Ms. Tessie Tomas sa GMA-7 ang AkoSi Kim Samsoon kung saan gumaganap siya bilang si Aling Sonia, ang ina niRegine Velasquez who plays Kim Samsoon.

Pagkatapos mawala sa ere ang comedy series na Bahay Mo Ba‘To? sa Kapuso network pa rin, nagbakasyon muna nang matagal si Ms. Tessie kasama ang kanyang Britishhusband na si Roger Pullin.

"Noong mawala ngayung Bahay Mo Ba ‘To?, that was the time na nagkaroon ako ng mas maraming timewith my husband, Ka Roger. Kung saan-saan kami namasyal here and abroad.Binisita ko rin ang anak kong si Robin sa New York, and he's working there as adesigner.

"May mga pinagkaabalahan din kaming mga charities ni KaRoger. Sometimes nandito naman kami sa Pilipinas because may mga guestings din namanako, and I did indie movies like Ploning and 100. May mga inaasikaso rin nabusiness dito si Ka Roger. Everyone knows na he's a marine biologist and amusician as well. So we've been in and out of the country," kuwento ni Ms.Tessie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi na raw nagdalawang-isip si Ms. Tessie nang i-offer sakanya ang role bilang ina ni Regine sa Ako Si Kim Samsoon dahil na-miss din niya ang magkaroon ngregular TV show.

"I missed being busy on television," sabi niya. "‘Tsaka angtagal ko na rin hindi nakakagawa ng isang soap drama. The one and only dramaseries I did was Sa Sandaling Kailangan Mo Ako in ABS-CBN. May mga offers afterthat, pero parating hindi natutuloy.

"So noong malaman ko that the show will have RegineVelasquez as the lead star, tinanggap ko because I haven't worked with Regineyet in any TV show. Plus the role is very comedic, hindi yung dramatic masyado.Ang description ko nga sa role ko is a classic palengkera. Yung maingay atpalaaway ng mga mamimili at kapwa palengkera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Most of my scenes kasi ay nasa wet market at kasama ko sinaMel [Kimura] at Jennica [Garcia]. ‘Tsaka protective mother ako kay Regine dito.Kapag may nang-aapi sa kanya, to the rescue ako parati."

NATURAL COMEDIENNE. Sa pagsasama nila rito sa Ako Si Kim Samsoon, na-discover niMs. Tessie na isa palang natural comedienne si Regine. Sa mga naging eksenanila, may magandang timing daw si Regine lalo na sa pagbitiw ng punchlines.Minsan naman daw ay physical ang pagpapatawa nila at wala raw kaartehan si Reginesa mga eksenang nababatuk-batukan siya, nadadapa, o natutumba.

"Nakakatuwa kay Regine ay marunong siyang mag-improvise samga eksena niya. Kung sa palagay niya ay kulang, ipapaulit niya at masdadagdagan niya. For her stature, nakakagulat na pumapayag siyang papangitin sarole niya o gawin siyang katatawanan. It only means that she's a veryprofessional artist. Para sa kanya, ang trabaho ay trabaho. And she's veryserious with it.

"Wala kang mararamdaman o makikitang may diva attitude siya.Marami na akong nakatrabaho na mga artista and marami rin sa kanila ang maykakaibang attitude. May ayaw na pumangit ang hitsura sa TV, may ayawmagpabatok, may ayaw magpatulak, at may mahilig magpahintay sa set. Iba-iba angugali nila.

"With Regine, wala akong makitang negative sa kanya. Kayahindi ako magugulat if people admire her because she's very down to earth atmarunong makisama sa lahat," papuri ni Ms. Tessie sa kanyang co-star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN