Sheena Halili happy to work with Regine Velasquez in "Ako Si Kim Samsoon"

"Sino naman ang makakapagsabi na makakatrabaho ko siya saisang TV show? Noon kapag guest kami sa SOP o sa mga specials ng GMA-7, doon kolang siya nakikita, pero hindi ko siya nalalapitan kasi nahihiya ako. Ngayon,parati pa kaming magkasama sa mga eksena. Kaya sobrang masaya ako kasinakatrabaho ko na ang Asia 's Songbird," says Sheena Halili about working with Regine Velasquez in Ako Si Kim Samsoon.



Masayang-masaya ngayon ang StarStruck 1 Avenger na si Sheena Halilidahil nakasali siya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Ako Si KimSamsoon. Ginagampanan niya rito ang role ni Cynthia, ang isa sa mga magigingkontrabida ni Regine Velasquez, who plays Kim Samsoon, at sobrang in love siyasa boss niyang si Cyrus, played by Mark Anthony Fernandez.

Kung sa Marimar ay naging memorable ang kooky character niSheena as Monica, dito sa Ako Si Kim Sam Soon ay marami ulit ang matutuwa sakanya bilang Cynthia.

"Baliw ako sa pag-ibig dito kay Cyrus!" natatawang kuwento ni Sheenasa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sobra ang crush ko sa kanya hanggangsa dumating sa point na nao-obsess na ako sa kanya. Pero siyempre, papasok saeksena si Kim Samsoon kaya mapupurnada ang mga balak ko kay Cyrus. Kaya isa akosa mga ookray kay Ms. Regine dito sa show."

Dapat pala ay kasama si Sheena sa telefantasya na Dyesebelbilang sidekick ng kontrabida. Pero tinanggal siya sa cast ng Dyesebel atbinigyan siya ng mas magandang papel sa Ako Si Kim Samsoon.

"Balita ko nga na dapat nasa Dyesebel daw ako. Nalaman kokelan lang. Pero no regrets kung di man ako nakasama doon. Okey naman nanandito ako sa show ni Ms. Regine. First time ko siyang makakatrabaho kayasobrang na-starstruck ako. The fact na isa ako sa mga kontrabida niya aymalaking bagay na for me," sabi ng young actress.

Ayon kay Sheena, masayang katrabaho ang Asia's Songbird, na inakala niya noong una na mahirap abutin at lapitan.

"Kasi naman, bagets pa ako noon, paborito ko na si Ms.Regine. Kumakanta rin kasi ako kaya lahat ng mga songs niya, pilit kongkinakanta kahit hindi ako marunong bumirit!" tawa niya.

"Sino naman ang makakapagsabi na makakatrabaho ko siya saisang TV show? Noon kapag guest kami sa SOP o sa mga specials ng GMA-7, doon kolang siya nakikita, pero hindi ko siya nalalapitan kasi nahihiya ako. Ngayon,parati pa kaming magkasama sa mga eksena. Kaya sobrang masaya ako kasinakatrabaho ko na ang Asia 's Songbird."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin si Sheena sa pelikulang Loving You ng RegalEntertainment na pinagbibidahan nina Polo Ravales at Jean Garcia,pati na rin sa indie film na Pi7ong Tagpo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN