Lani Mercado speaks up about reported "winking" of Gretchen Barretto at Bong Revilla

"Pero hindi, in fairness, wala akong nakita. Kung may nakita man ako, ako angkikindat sa kanya [Gretchen]. Ganun!" says Lani Mercado about a report that Gretchen Barretto winked at her husband, Bong Revilla, at the wake of Rudy Fernandez.



Inaasahan na ng actress-TV host na si Lani Mercado naitatanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ang lumabas na report dito tungkol sa pagkindat-kindat diumano ni Gretchen Barretto sa asawa niya na si Senator Ramon"Bong" Revilla sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

"Ayan na, narinig ko ‘ata ito!" nangingiting bungad ni Lani.

Pero aniya, "Sa totoo lang, wala akong nakita."

Ayon sa kuwento, nakita diumano ni Lani ang pagkindat-kindatni Gretchen sa mister niya kaya nilapitan niya si Bong bilang babala sacontroversial actress, na nagkaroon ng kaugnayan noon sa kanyang asawa.

"Si Ram [bunsong anak nina Lani at Bong] kasi is with usduring that night. Talagang nakadikit ang bagets sa akin. Ang memory ko talaganoon, nakatulog siya sa lap ko, so hindi ako makakilos kung saan ako nandundahil nandun siya. Nakaupo ako. Si Bong, ikut-ikot siya.

"They [Gretchen and company] were seated right in front ofme. So they were facing me. Hindi kaya ako ang kinindatan? Joke!" tawa ni Lani.

"Hindi, kasi nasa harapan ko sila. Baka ako nga angkinindatan, di kaya?"

Bagong botox daw kasi ang mukha ni Gretchen kaya gustonitong magpapansin kay Bong. Wala bang planosi Lani na magpa-botox din ng mukha?

"Ay, takot akong magpaturok sa mukha!" tawa niya.

Napansin ba niya na bagong botox si Gretchen?

"Hindi ko alam. Hindi totoong nagpa-botox kasi ngumitisiya."

BONG'S "AGIMAT." Ano feeling na ang lakas pa rin ng sex appeal ng asawa niya sa magagandangbabae?

"Wala, e, iba ang ano ng asawa ko...agimat!" tawa niya ulit."Pero hindi, in fairness, wala akong nakita. Kung may nakita man ako, ako angkikindat sa kanya [Gretchen]. Ganun!"

Hindi ba siya laging kinakabahan dahil laging ang damingnagkakainteres pa rin sa asawa niya?

"May God bless their soul. Basta ano, kampante na ako kungnasaan na ako. ‘Tsaka tapos na ‘yan. Nagkabati-bati na kami," saad ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero yung mga babae pa rin ang gustong lumapit kay Bong.

"Hayaan na lang. Baka ano lang yun, haka-haka.

Kuwento ni Lani, "Actually, nag-uusap kami ng gabing yun, e. Sabi ko nga [kay Gretchen],‘Did you receive the invitation for the wedding?' Kasi Bong gave me strictinstruction to give that invitation, kasi inanak niya si Inah.

"Kasi that was the only time na nagkita kami after thewedding. Sabi ko, ‘Did you receive the invitation? Bakit hindi kayonag-attend?' Ang sinagot niya sa akin ay isang magandang ngiti. Kaya hindi naako nagtanong pa," lahad ni Lani.

Tingin ng marami tuloy kay Lani, "winner" talaga siya kay Bong.

"Ano lang kasi, I stand by his word na walang iwanan. Hindiipagpapalit. Hindi iiwanan."

Mas dapat nga raw mag-alala si Lani kung walang ibangnagkakagusto sa asawa niya.

"Part and parcel na, tanggap ko na. Kahit na hindi senador,kahit hindi si Bong, ultimo hardinero ko nga, dalawa ang asawa, e," nakangitiniyang sabi.

For sure, may mga nagkakagusto rin kay Lani na ibang lalaki.

"Baka takot. Hindi na aabutin ng umaga!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN