Richard Gutierrez dismisses reports that he and KC Concepcion are already an item

"Kami ni KC ngayon, we're taking things step by step... hinahayaannamin na mag-enjoy kami sa company ng isa't isa. Nagkakaalaman kami nanghusto. So sa movie namin, there's a big possibility na magkakilala kami nanghusto. Kaya we're just taking it slow. Let it flow," says Richard Gutierrez.



For the first time ay kumuha ng major male celebrityendorser ang Forever Flawless sa katauhan ni Richard Gutierrez. Ito rin daw angunang pagkakataon na nag-endorse si Richard ng isang beauty clinic. Pero maynagtatanong kay Richard kung bakit Flawless at hindi Belo Clinic or CalayanSurgicenter ang ini-endorse niya.

"E, nandun na si Ate [Ruffa Gutierrez] sa Belo kayaako, dito naman ako sa Forever Flawless. Sister company and this is likefamily. I'm being part of Flawless, para na rin akong nasa Belo," paliwanag niRichard sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inamin ni Richard na nagpupunta rin daw siya noon sa clinic ni Dr. MannyCalayan.

"This is actually my first endorsement for a beauy clinic.Before kay Dr. Calayan, it's because of my mom and my sister. But I'm notreally part of Calayan," paglilinaw niya.

Hindi naman daw siya inalok ng Calayan para mag-endorse sakanila.

"It's an honor for me to be part of Flawlessfamily," diin ni Richard. "I can say now this is the product that is namedafter me, so I cannot say no to that."

Sabi ng iba, hindi na raw kailangan ni Richard ang isangbeauty clinic dahil sa kanyang kaguwapuhan.

"Kailangan yun, e," sabi naman niya. "Hindi naman ako sobrasa pagka-vain. Ang sa akin lang, consistency by taking good care of yourskin. I think I'm very blessed kung ano meron ako sa skin ko. Yung pagigingguwapo, it's a blessing and a curse," biro ni Richard.

"No," balik seryoso ni Richard. "Siyempre you have to balanceyourself. Hindi kailangang siyempre laging guwapo. Mayroong gising na hindi rinako guwapo. May off days din."

OFFICIALLY ON? Naitanong din kay Richard ang umuugong na balita na sila naofficially ng kanyang katambal sa pelikulang For The First Time na si KC Concepcion.Totoo ba ito?

"Sinabi naman namin sa inyo na hindi kami nagmamadali. Huwagmagamadali, relax lang," sabi ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas raw kasi silang makitang magka-holding hands kaya duda na mag-on na sila ni KC.

"Wala pa," tanggi niya. "Pareho lang kaming sweet saisa't isa. We treasure each moment together. Yun nga, kami ni KC, doon langkasi sa moment na laging magkasama kami kaya masaya. Masaya lang kami.

"Kami ni KC ngayon, we're taking things step by step. Kami ni KC , hinahayaannamin na mag-enjoy kami sa company ng isa't isa. Nagkakaalaman kami nanghusto. So sa movie namin, there's a big possibility na magkakilala kami nanghusto. Kaya we're just taking it slow. Let it flow."

Kapag magkasama sila ni KC, napapansin ng marami na masshowy ang dalaga sa kanyang feelings towards Richard.

"She's just very sweet," sabi naman ng young actor.

Bukod sa holding hands, kailan naman niya hina-hug si KC?

"Kapag kailangan niya ng hug," nakangiting sabi niya.

May kissing scene ba sila sa first movie nila together?

"Depende," sagot ni Richard. "I'm not sure yet. Kungmeron, I think it's an important factor to our movie. Kinakabahan nga ako,e. Hindi pa kami dumarating sa point na yun kasi di pa napapag-usapan ‘yan.

KC'S DEBUT ALBUM. Sa debut album ni KC, nakasama ang favorite song ngex-boyfriend niya na si Lino Cayetano, ang "Imagine."

"Ah, ganoon ba? Hindi ko alam yun," reaksiyon ni Richard.

Nagselos ba siya?

"Hindi, hindi ako seloso."

What about Richard, may favorite song din ba siya na nakasama sa album ni KC?

"Favorite ko sa album niya yung ‘Dobidoo.' Nung natapos niyaang album, una niyang ipinarinig sa akin. Nagustuhan ko yung ‘Dobidoo' niya."

RUFFA'S SUITOR. Ano naman ang masasabi niya sa manliligaw diumano ng kanyangAte Ruffa?

"Talaga? That's good. I'm happy for her. She'sdoing well in her career. I'm happy for her. Sana lang makatagpo siya ng lalaking magmahaltalaga sa kanya. Okey lang na mag-boyfriend si Ate, pero huwag siyangmagmadali. Pero okey lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala ba niya ang manliligaw ng ate niya?

"Hindi ko pa siya nakikilala. Nakita ko pa lang siya.Mukhang giant, e," lahad ni Richard.

Napansin daw ni Richard yung sinasabing suitor ni Ruffa saparty ng ate niya.

"Pero hindi ko alam na poporma siya. But you cannot miss himdahil ang tangkad niya."

POKWANG'S SPOOF. Lastly, nagalit ag mommy ni Richard na si Annabelle Rama saginawa ni Pokwang na panggagaya sa kanila ng kambal niyang si Raymond Gutierrezsa show ng komedyana sa MusicMuseum. Ano ang masasabini Richard dito?

"Kasi hindi rin magre-react ang mommy ko kung walangnag-text sa kanya. Hindi ko rin alam yun, e. May nagsabi sa amin.Hindi namin siya [Pokwang] kilala. Hindi naman kailangang gumamit ngibang artista para magpatawa. Siyempre, sino na ang may gusto na babuyin ka sastage?" reaksiyon ni Richard.

Lingid sa kaalaman ni Richard, makakasama niya si Pokwang saFor The First Time bilang yaya ni KC.

"Ah, talaga? E, di may konting excitement sa set,"nakangiting sabi ni Richard na tila may ibig ipakahulugan.

"She already asked an apology sa TV. Pero kungmag-a-ask ulit siya personally, huwag na sa TV-TV. Masakit lang kasi siyemprehindi na niya kailangang gawin yun. Huwag na lang niyang gawin ulit ‘yon,"pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN