Dingdong Dantes says he and girlfriend Karylle have not yet discussed their future

"The future is ano, I think it's nice. Pero mas nakikita ko ngayon na ang future namin talaga kung paano siyamagiging successful sa kanyang singing career at ako sa pag-arte. Yun muna angpinagkakabalahan naming dalawa. We support each other talaga sa respectivecareers namin," says Dingdong Dantes about girlfriend Karylle.



Aminado si Dingdong Dantes na matagal na niyang gustongmakilala nang personal si Angelica Panganiban. Kaya dream come true para sakanya ang makasama ang young actress mula sa ABS-CBN sa Mario D'boro bilangco-endorser ng naturang local shoe brand.

"Totoo yun!" pagkumpirma ni Dingdong. "Kaya nga nungnagkaroon ng opportunity sa Mario D'boro na magkita kami as endorsers, kunghindi man sa TV matuloy, at least dito, di ba?"

Hindi kaya magselos ang girlfriend niyang si Karylle kayAngelica Panganiban?

"Ano naman yun, given naman na maaring magkaroon talaga ng partnerdahil ang sapatos, may pambabae, may panglalaki. So kailangan naman, open dapatsa lahat ng bagay. So definitely, hindi siya problema. Isa nga siyang magandangbagay, e."

Ano ang nakakapag-attract sa kanya kay Angelica?

"Sa akin, buong mukha niya."

Bukod sa pagiging endorsersnila ng Mario D'boro, pareho ring endorsers sina Dingdong at Angelica ng Benchunderwear.

"Si Angelica, hindi naman siya kukunin kung hindi siyasexy."

KISSING SCENE. May kissing scene si Karylle with Christian Bautista samusical play na West Side Story. Sinabi ni Christian na kakabahan siya dahilhindi pa niya nami-meet nang personal si Dingdong.

"Na-meet na niya ako, e. Baka hindi lang niya naaalala,"sabi naman ng young actor.

Sinabi ba sa kanya ni Karylle na may kissing scene sila niChristian?

"Hindi, pero manonod ako."

Pag-aawayan ba nila ni Karylle ang tungkol dito?

"Hindi, wala yun. Manonood ako," natatawang ulit ni Dingdong.

Isyu ba sa kanila yun ni Karylle?

"Hindi. Ginagawa ko rin naman yun, e."

May limistasyon ba siya kay Karylle?

"Wala, wala. Puwede niyang gawin kung ano ang gusto niyanggawin."

Payag ba siya na mag-pose si Karylle sa FHM?

"Ewan ko, hindi pa naman, e. Kung meron na [offer], ‘tsakana lang niya ako tanungin. Hindi ko talaga ako makasagot. Pero kung magandanaman ang konsepto, why not?"

FUTURE PLANS. Kapag tinatanong daw si Karylle about their plans gaya ng engagement atwedding, hindi raw sumasagot ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, kasi wala talagang napapag-usapan."

Ano nga ba ang nakikita ni Dingdong sa future nila niKrylle?

"The future is ano, I think it's nice," sabi ni Dingdong."Pero mas nakikita ko ngayon na ang future namin talaga kung paano siyamagiging successful sa kanyang singing career at ako sa pag-arte. Yun muna angpinagkakabalahan naming dalawa. We support each other talaga sa respectivecareer namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN