Ai-Ai delas Alas refuses to apologize to Kris Aquino's hubby for old issue

"Bakit ako hihingi ng sorry? Wala naman akong kasalanan. Kasalanan ko ba yun? Nakakalungkot lang,pero siguro, wala.... May gusto siguro saakin si James! Hindi siya maka-move on, e. Naalala pa rin niya ako. ‘Ayun nalang. Pinagtatawanan ko na lang," says Ai-Ai delas Alas in jest when asked if she is willing to apologize to James Yap after being directly involved in the latter's recent fight with wife Kris Aquino.



Idinetalye sa Entertainment Live kanina, June 28, ang isyunghiwalayan ng TV host/actress na si Kris Aquino sa kanyang mister atbasketbolista na si James Yap. Ayon sa report, ginulat ni Kris ang mgamalalapit niyang kaibigan at K-Text subscribers sa ipinadala niyang textmessage noong June 17.

Ito ang laman ng text message ni Kris: "Just like allmarried couples, my husband James and I had disagreements. My Mom [former PresidentCory Aquino] sent me a heartfelt text message yesterday that made me realize our marriage has to work. Both James and I have to give 100percent and set aside our pride."

Kinabukasan, June 18, isang text message muli ang ipinadalani Kris at dito ikinuwento niya ang ilan sa kanyang mga natutunan sa pinadadaannila na marriage counseling ni James. Mula rito, sunud-sunod na angpaglabas ng mga balitang nagkakalabuan na ang mag-asawa at posible rawmauwi sa hiwalayan.

Balitang pinalala pa ng usapang naglayas diumano si Kris sa kanilang tirahan saPasig kasamaang kanilang dalawang anak at pansamantalang nanirahan sa isang hotel. Ilangespekulasyon na rin ang naglabasan sa tunay na dahilan ng pagkakalabuan ngmag-asawa. Pero sina Kris at James ay nanatiling tahimik at hindi nagbigay ngkumprimasyon.

BOY ABUNDA SPEAKS UP. Sa launching ng Boy Abunda For All Sexes by Aficionadonoong Miyerkules, June 25, kinumpirma ni Boy Abunda, manager at isasa pinakamalapit na kaibigan ni Kris, ang mga balita.

"Hindi po naghiwalay sina Kris at James. Medyo huli po ang balita. Hindi ponaghiwalay pero nag-away. Nag away po si Kris at si James. Pero nung lumabasang balita, tapos na. Nung lumabas na ang balita, bumalik na si Kris sa bahay.Nag-usap silang dalawa," lahad ni Boy.

Kinumpirma rin ni Boy na nag-alsa balutan si Kris mula sa kanilang bahay sa Pasig kasama sina Joshuaat Baby James two weeks ago.

"Totoo po, umalis siya ng bahay kasama ang dalawang bata.Pumunta siya sa Discovery Suites, pero hindi sila naghiwalay. Nagpalamig is thecorrect term. Nagpalamig dahil nagkakainitan nga. Nagpalamig pero nag-usap.Naayos, napag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung anuman ang hindi nila napagkasunduanay naayos rin daw agad nila itoat umuwi na rin si Kris sa kanilangn tahanan. At noong June 20, nag-imbita paraw si Kris sa kanilang mga kaibigan sa kanilang bahay para sa isang salo-salo.

Isang patunay na umuwi na nga raw si Kris at patuloy ang pag-aayos atpagpapatibay nila sa kanilang pagsasama.

"Where are Kris and James right now?" sabi ni Boy. "Yes, they are into marriagecounseling. They want to get to know each other better. Gusto nilang pagtibayinang kanilang marriage, ang kanilang partnership, ang kanilang relasyon.

"Napag-usapan nila na dapat pagsamahan nating itong mga problema natin. Hindimo problema ito, problema ko. Dapat dalawa tayong sumusuong kung anuman anghindi natin naiintindihan sa isa't isa."

Isa-isa ring tinukoy ni Boy ang nababalitang dahilan ng hiwalayan nina Kris atJames. Una ang pagiging brat daw ni Kris.

"Yung si Kris is a brat, in fairness naman sa aking kapatid, e, ang laki na ngipinagbago ni Kris. Ang layo na ng inilakbay ni Kris bilang isang tao, di ba?She became more compassionate. I think she's more caring, she's more nurturing,and nakikita ko talaga she wants her marriage to work. She will doeverything to make her marriage work."

Ayon sa balita, ang ikalawang dahilan ay may third party diumanong involved.Nagsimula sa blind item na tumutukoy sa asawa ng isang famous TV personality nanakikitang gumigimik at naghahanap diumano ng makaka-date na babae.

"Yung third party, hindi po totoo yun. Wala pong third party," diin ni Boy.

ENTER AI-AI. At ang ikatlong dahilan diumano ay ang pagtanggap ni Kris na lumabas sapelikula ni Ai-Ai delas Alas. Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaansina James at Ai-Ai last year sa gitna ng James-Hope Centeno dahil sa komentoni Ai-Ai na isoli muna raw ni Kris ang asawa sa nanay nito.

"Totoo, indirectly may kinalaman si Ai-Ai. Pero I mean, peronapaka-passive ng pagbanggit ni Ai-Ai na pag-guest ni Direk Wenn Deramas, saBoy & Kris isang beses," paliwanag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita mismo sa Entertainment Live! ang eksaktonginsidente kung saan naganap ang imbitasyon ni Direk Wenn kay Kris at pagtanggapng huli sa morning show nila ni Boy.

"Kaya personal kitang iniimbitahan Kris, kasi yung opening,dapat ikaw," sabi ni Direk Wenn.

"Really?" sagot ni Kris.

"Dapat ikaw," ulit ni Direk Wenn.

"O, sige, sige. Go! I'll do it for you, friendship," sabi naman ni Kris kayAi-Ai.

"Thank you, friendship," pag-acknowledge naman ni Ai-Ai.

Patuloy na kuwento ni Boy, "Hindi lingid sa ating kaalaman, pero huwag nanating balikan ang detalye ano, nagkaroon ng diperensiya si James at si Ai-Aidahil lumabas talaga si Ai-Ai, kumampi kay Kris noong panahong may problema siJames at si Kris.

"I think, si James, hindi ko rin masisisi to took it againstAi-Ai kasi may binitiwang linya si Ai-Ai. Ang feeling ko, hindi magandangpakiramdam ni James doon sa mga sinabi ni Ai-Ai kaya ang sabi niya, ‘Bakit mogagawin yun?' Doon siguro nagsimula ang hindipagkakaunawaan ni Kris at ni James."

Dahil daw sa pinagdaanan ng mag-asawa sa kanilang pagsasama, isang desisyon naraw ang napag-isipan ni Kris.

"Later on, nung nag-uusap na kami, na-realize niya na yung mga decisions naganito ay pinag-uusapan nilang mag-asawa.

"Ah, ‘What do you think? Gagawin ko ba ito?' Na para tahimik ang lahat atsiyempre maiintindihan din ito ni Direk Wenn for her [Kris] marriage to work,para hindi naman masira ang kanyang marriage, palagay ko tinawagan niya siWenn. Tinawagan niya kung sino ang puwedeng tawagan na hindi niya pwedeng gawindahil pag-aawayan nilang mag-asawa."

AI-AI REACTS. Nakunan din ng Entertainment Live! ng reaksiyon si Ai-Ai samuli niyang pagkakadawit sa isyu.

"Ang luma-luma na ng isyu, e," sabi ni Ai-Ai. "Siyempre, paninidigan ko pa rinyung dati kong sinabi na nag-away sila ni James, kinampihan ko si Kris nungbuntis siya. Yun lang naman ang puno't dulo noon. Lumang isyu, ‘Tapos nadamayna naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap na rin daw ni Ai-Ai ang hindi pagsama ni Kris sa kanyang pelikula.

"Okey lang kasi cameo role lang naman siya doon. E,napag-usapan siya ni Direk Wenn, hindi naman ako. Siguro ginagawa niya yun forDirek Wenn at hindi naman ako. So, hindi ko naman alam na darating tayo saganun," pahayag ni Ai-Ai.

Tinanong din si Ai-Ai kung handa ba siyang humingi ngpaumanhin kay James.

"Bakit ako hihingi ng sorry?" matigas na sagot niAi-Ai. "Wala naman akong kasalanan. Kasalanan ko ba yun? Nakakalungkot lang,pero siguro, wala.... May gusto siguro saakin si James! Hindi siya maka-move on, e. Naalala pa rin niya ako. ‘Ayun nalang. Pinagtatawanan ko na lang," nagbibirong sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN