Dawn Zulueta clarifies she is not endorsing any presidential candidate

Apr 25, 2016
<p>Bagamat naghayag siya ng kanyang pananaw sa huling debate ng mga presidentiable, nilinaw ni Dawn Zulueta na wala siyang iniendorsong kandidato at hindi pa rin daw siya nakakapagdesisyon kung sino ang iboboto niya sa May 9 elections.</p>

Isa sa masugid na sumubaybay sa huling #PiliPinasDebates2016 kahapon, April 24, ang aktres na si Dawn Zulueta.

Ginanap ang huling harapan ng mga kandidato sa pagka-presidente sa PHINMA University of Pangasinan at umere ito sa loob ng halos apat na oras sa ABS-CBN.

Present ang lahat ng presidentiables na sina Vice President Jejomar Binay, former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at Senators Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago.

Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag ni Dawn ang kanyang pananaw sa bawat isyung tinalakay sa debate.

THE CLOSING STATEMENT. Sa huling bahagi ng debate, inisa-isa ni Dawn ang huling pahayag ng mga kandidato at inihayag niya ang kanyang pananaw ukol dito.

NOT ENDORSING ANY PRESIDENTIABLE. Ngayong araw, April 25, nilinaw ni Dawn na wala siyang iniendorsong kandidato sa pagka-presidente.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakakapili ang misis ni Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo Jr. kung sino ang iboboto niya sa May 9 elections.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dawn Zulueta
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Bagamat naghayag siya ng kanyang pananaw sa huling debate ng mga presidentiable, nilinaw ni Dawn Zulueta na wala siyang iniendorsong kandidato at hindi pa rin daw siya nakakapagdesisyon kung sino ang iboboto niya sa May 9 elections.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results