Claudine Barretto clueless about sis Gretchen's rumored plan to leave Manila

"I don't know, I don't think... Pero kung for good nga siya, I'll feel bad. But I don't want to think about anything unless I hear it from my sister, at wala naman siyang sinasabing ganun," replied Claudine Barretto when asked about her sister Gretchen's reported plan to leave Manila.


Isa nang karaniwang pangyayari sa showbiz na tuwing may problema o intrigang kinahaharap ang isa sa Barretto sisters ay nandun ang bawat isa para depensahan kung sinuman sa kanila ang nalalagay sa hot seat.

Noong kumalat ang MMS photo nina Gretchen at John Estrada na naghahalikan sa birthday bash ni Rufa Mae Quinto, ipinagtanggol ni Claudine ang kapatid at nagpahayag din ng matinding sama ng loob sa aktor.

Ngayon naman ay usap-usapan na pagkatapos lumabas ng credit-card issue ay balak diumano ni Gretchen na mangibang-bansa na lamang upang tuluyan nang maiwasan ang showbiz.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine sa pictorial ng Iisa Pa Lamang ay agad namin siyang hiningan ng reaksiyon tungkol dito.

"Wala, hindi napag-uusapan ang tungkol diyan at kung nag-uusap man kami, panay happy things lang. Wala kaming pinag-uusapan na problema o tsismis. Kasi minsan lang kami magkasama, minsan lang kami mag-usap ‘tapos ang pag-uusapan n'yo pa ay mga problema at tsismis?" saad ni Claudine.

Wala pa namang kumpirmasyon kung itutuloy nga ni Gretchen ang kanyang planong umalis ng bansa, pero aminado si Claudine na kung gagawin nga talaga ito ng nakakatandang kapatid ay malulungkot siya.

"I don't know, I don't think... Pero kung for good nga siya, I'll feel bad. But I don't want to think about anything unless I hear it from my sister at wala naman siyang sinasabing ganun."

Sinubukan naming kunin ang palagay ni Claudine sa credit-card controversy na kinasangkutan ni Gretchen, pero pinili niyang huwag magsalita.

Aniya, "Bumili na lang kayo ng CD [Unexpected] ni Gretchen, sana huwag na lang ninyong intrigahin yung tao. Saka anything about my sister, I don't want to answer because they can answer for themselves."

TEAM-UP WITH GABBY. Sa bagong teledrama ni Claudine sa ABS-CBN na Iisa Pa Lamang ay makakatambal niya si Gabby Concepcion. May mga lumalabas na balitang diumano'y nagiging sakit ng ulo sa set ang aktor. Hirap daw itong sumabay sa acting ng mga kaeksena at puro ilang takes daw muna ang kailangan bago nito makuha ang hinihingi ng director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's not true," paglilinaw ni Claudine. "Actually, ang galing-galing niya. Para ngang hindi siya nawala ng ilang taon sa pag-arte, siguro kasi pagkabalik niya, ang tagal niyang na-miss yung pagkawala niya, nung dumating siya, e, talagang with a bang yung acting niya. Wala kaming naging problema sa kanya sa set, wala at all."

"Sobrang happy and sobrang thankful nga ako sa ABS, sa Star Magic, and of course, sa Star Cinema. Nagulat nga ako because ako ang napili nila na makasama siya sa isang soap opera. Masaya at masarap siyang kasama, nakakatawa siya, kalog din siya, nakapag-bonding talaga kaming tatlo—ako, si Diet [Diether Ocampo], at si Gabby."

Marami ang nagbibigay ng opinyon na mukhang wala raw chemistry between Claudine and Gabby dahil na rin sa malaking age gap nila. Pero agad naman itong tinutulan ng aktres.

"Hindi importante yung age gap, ang importante ay kung ano ang hitsura ninyo ‘pag magkasama kayo. ‘Tsaka Gabby Concepcion ‘yan, guwapo naman talaga siya ‘tsaka pag pinanod ninyo, magugustuhan ninyo. Hindi ninyo maiisip ang age gap namin at all.

"Saka it's a powerhouse cast, napaka-powerful ng cast niyan, from the director Direk Ruel Bayani, Gabby, Diet, Cherry Pie, Ms. Laurice Guillen, Matt Evans, Angelica Panganiban, Ms. Susan Roces, at iba pa. Ang ganda ng kuwento at may love scene kami dito," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN