Singer-actress Nikki Bacolod plays villain to Anne Curtis in "Dyosa"

"Ang mga new artists, pagdating nila, parang sweet yung mga roles, nakakaawa. So ako, parang I want something different. Even if people will hate me, it's okay as long as I'm doing what I love to do," says Nikki Bacolod about playing villain roles.


Magandang break para sa young singer-actress na si Nikki Bacolod ang ibinigay sa kanyang character ng ABS-CBN para sa fantaseryeng Dyosa. Kung nasanay na napapanood si Nikki kapag umaarte sa mga pa-sweet roles, this time, kontrabida na siya.

Isa ring dyosa at half-sister ni Anne Curtis ang role ni Nikki sa Dyosa. Surprisingly, ang pagiging kontrabida raw ang dream role ng Star In a Million runner-up.

"It's my first time to portray a kontrabida role and it's my dream role!" natutuwa niyang pag-amin nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mismong taping ng show.

Dagdag niya, "Dream role ko talaga siya at hindi ko po alam. Ever since, I looked up to Ms. Cherie Gil. Kapag pinapanood ko siya, parang ako, ‘Wow, she's really so good!' Nai-inspire ako na napapanood ko siya. Ever since, naging dream role ko na siya."

Mas nakaka-feel daw kasi siya ng challenge sa mga kontrabida roles than pa-sweet lang or typical na mabait.

"Let's put it this way, ang mga new artists, pagdating nila, parang sweet yung mga roles, nakakaawa. So ako, parang I want something different. Even if people will hate me, it's okay as long as I'm doing what I love to do."

Aside from being an actress, mas nakilala si Nikki as a singer. In fact, dalawang albums na ang naire-release niya. Kung yung ibang singers ay hindi basta-basta tumatanggap ng kontrabida roles dahil baka maapektuhan ang image or impression sa kanila habang nagpe-perform, iba naman daw sa case niya.

"Hindi ko po kasi naiisip yun," sabi ni Nikki. "Siguro po kasi sa second album ko naman, parang more on I'm free yung feel ng album. At saka hindi ko po naiisip na baka ganun nga, maiba yung impression. Basta po ako, I'm enjoying po kasi gusto ko po ang ginagawa ko. And yun nga po, it's my dream role po kasing talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Second teleserye na raw ni Nikki sa Kapamilya network ang Dyosa; her first was Pangarap na Bituin. Nakagawa rin daw siya ng projects sa Kapuso network, ang Posh at Love to Love. Although kung si Nikki ang tatanungin, mas ramdam daw niya talaga ang pagiging Kapamilya niya.

"Yeah, because I came from ABS-CBN din, sa Star In a Million, season two. At saka kumbaga, ‘eto ang home mo. Ito ang home base mo. Kapag pupunta ka sa iba, parang foreign country. But of course, there's nothing wrong din naman. If there's a chance, then we'll try. But if I have to choose, gusto ko talaga rito," pahayag niya.

More than kilig, mas honored daw ang nararamdaman ni Nikki na makatrabaho si Sam Milby na magiging love interest din niya sa Dyosa since pareho sila ng mundong ginagalawan sa kuwento.

"Of course, guwapo po siyang talaga," tila nahihiya pang sabi ni Nikki. "Pero yun nga po, parang more than kilig po, I feel more honored to work with him."

Si Anne naman daw ay nakatrabaho na niya sa pelikula at masaya raw siya dahil supportive naman daw sa kanilang kapwa Viva Artists talents ang bida ng Dyosa.

"She's mabait po. And I also look up to her, especially when it comes to her patience," sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN