Robin Padilla talks about death-defying stunts in "Joaquin Bordado"

"Happy lang po kami sa loyalty ng mga manonood, kaya naman ibinibigay naming lahat ang kaya namin, mga stunts na pangkamatayan na, lakasan na lamang ng loob. At kahit ang mga kasama ko rito, sinabihan ko na silang ihanda ang sarili nila sa mahihirap na eksena," says action superstar Robin Padilla about death-defying stunts in Joaquin Bordado.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng action/drama telefantasya ng GMA-7 na Joaquin Bordado ni Robin Padilla sa Town & Country Homes sa Cainta before lunch noong Friday, June 27.

After ng ilang takes ni Robin with Ariel and Maverick at kay Renz Valerio, na gumaganap nilang anak ni Iza Calzado, nakipagkuwentuhan na si Robin sa PEP at sa iba pang entertainment press. Napansin ng ilang kasama ang kinis makinis na mukha ng action superstar, kaya tuloy naitanong kung sino ang nag-aalaga sa kanyang mukha at parang hindi siya napapagod magtrabaho.

"Pag-ibig ko po sa trabaho," nakangiting sagot ni Robin. "Siguro po dahil masaya rin ako, kami, dahil na-extend pa ang Joaquin Bordado, na inabot din ng 22 weeks dahil sa request na rin ng mga manonood. Nagpapasalamat naman po kami sa GMA Network dahil sinuportahan nila kami sa malaking proyektong ito."

Halos gabi-gabi ay malalaking eksena ang ipinakikita nila sa Joaquin Bordado. Hindi ba iniisip ni Robin na gawin ito sa pelikula?

Aniya, "Hindi na po puwedeng gumawa ngayon ng action movies, sa TV na lang ang action tulad nga po nitong Joaquin Bordado dahil hindi pa rin tayo makakaagapay sa mga action movies, kahit man lang ng Korea, at napakalaki ng budget nito. Dito po sa aming show, ang laki na ng ginagastos ng GMA sa production, pero parang kulang pa rin.

"Happy lang po kami sa loyalty ng mga manonood, kaya naman ibinibigay naming lahat ang kaya namin, mga stunts na pangkamatayan na, lakasan na lamang ng loob. At kahit ang mga kasama ko rito, sinabihan ko na silang ihanda ang sarili nila sa mahihirap na eksena.

"'Tulad po noong bumitin ako sa helicopter sa ibabaw ng dagat na kailangang maabot ko yung tubig, sinabi ko sa piloto kung paano ang gagawin. Wild din siya at pumayag naman na gawin namin. Pero noong actual take na, napansin kong bigla niyang itinaas ang helicopter nang aabutin ko na ang tubig, hindi na po ako nagtanong kundi after na ng take. Ang paliwanag niya sa akin, kung ginawa raw namin ‘yon, baka raw biglang humangin at madala ang helicopter dahil masyadong mababa ang lipad at mapunta ako sa ilalim. Delikado raw dahil baka madaganan ako ng helicopter at maging anchor ako at mabaon doon. Nakatali na po kasi ako sa chopper at hindi ako makakakawala sakaling ganoon ang mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May isa pa akong eksenang gustong gawin, kami naman ni Manoy [Eddie Garcia] na kinunan sa Nueva Vizcaya, na maghahabulan kami ng kotse. Gusto ko yung tatagilid ito, pero hindi na po pumayag ang GMA na gawin ko. Alam nila, bukod sa delikado, malaki rin ang magagastos, kaya tantiya ko, hindi na kaya ng budget," nagbibirong wika ni Robin.

Aniya, "Pero gumawa na po kami ng paraan na maging exciting iyon sa mga tagasubaybay namin at baka po sa Tuesday evening, mapapanood na ‘yon sa GMA-7."

HIGHEST-PAID KAPUSO ACTOR? Sinasabing si Robin ang ang highest-paid actor ng GMA-7 kaya may mga nagseselos daw sa kanya. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi po totoo ‘yon," nakangiti niyang sabi. "Baka ako nga ang lowest-paid actor kasi po bale tatlo ang trabaho ko rito. Bukod sa pagiging aktor, ako rin ang nagdidirek ng ibang action scenes, at ako pa ang nag-e-edit pagkatapos dahil ako lang po ang nakakaalam kung ano ang kinunan ko.

"Kaya kung puwede nga po na humingi ng dagdag sa talent fee, kahit pang-gasolina at sa aking crew, na talagang nahihirapan kapag inuutusan ko silang akyatin kahit ang matataas na bundok dala ang crane. Alam ko kung minsan, gusto na nilang magreklamo. Pero kapag nakita na nila ang finish product, naiintindihan nila kung bakit inuutos ko sa kanila ‘yon. Kaya po labis-labis din ang pasasalamat ko sa mga manonood na balita ko po ay napakataas din ng rating namin."

Sa July 8 ang last taping day nila, pero may farewell show sila sa SOP sa July 6, na susundan ng motorcade papuntang SM Valenzuela. Bukod doon, live daw ang kanilang grand finale sa July 11.

"Okey lang sa akin yung farewell show sa SOP, pero ano ang gagawin namin sa motorcade? Hindi ko pa alam ‘yon. Pero siguro para maiba, isabit po nila ako sa chopper habang nagmo-motorcade!" nagbibirong wika ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon pong live finale, handog po yata ng GMA Network sa mga subscribers na sabay manonood."

Pagkatapos ng taping ng Joaquin Bordado, isusunod agad ni Robin ang mala-Sixth Sense na pelikula, ang Sundo with Sunshine Dizon and Rhian Ramos for GMA Films na maglo-location sa Baguio City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN