Dawn Zulueta advocates early detection of breast cancer

"I've gone through the ordeal. When I was younger, I had my breasts examined, and my doctors found out a benign growth. Ngayon ko lang naikukuwento ang tungkol diyan, and I don't plan naman to hide it. Especially now, I want to share my experience," reveals Dawn Zulueta.


Si Dawn Zulueta ang isa sa endorsers ng I Can Serve Foundation, na ang advocacy ay may kinalaman sa kampanya for the early detection of breast cancer among women. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakiusap lang ang ilang tao sa likod ng proyektong ito, at walang tinanggap na anumang kusing si Dawn kapalit ng pag-e-endorse niya ng kampanyang ito.

"Isa lang ito sa marami kong causes or advocacies," sabi ni Dawn sa PEP. "Ginagawa ko ito dahil gusto ko, hindi dahil sa may ibinayad sa akin. Gusto kong makatulong sa humble way ko, and through helping the foundation create public awareness about breast cancer, personally, malaking bagay na yun sa akin."

Si Dawn ang naka-assign para sa mga masang mamamayan, na magpapaliwanag tungkol sa breast cancer at kung paano ang early detection ang makakasagip sa buhay ng mga nabibiktima nito, sa lengguwaheng Tagalog. Si Lea Salonga ang isa pang magpapaliwanag nito through an infommercial na nagawa rin nito for I Can Serve Foundation, sa salitang English naman.

"I've gone through the ordeal. When I was younger, I had my breasts examined, and my doctors found out a benign growth. Ngayon ko lang naikukuwento ang tungkol diyan, and I don't plan naman to hide it. Especially now, I want to share my experience.

"Naroroon ang takot, pero talagang bukod sa paniniwala sa Diyos, the best cure talaga for that is prevention. Marami silang makakausap sa foundation na cancer victims themselves, but they have survived. Feeling ko, I am one of them. Support group din ito, nang sa gayon, magkaroon sila ng lakas ng loob na harapin at labanan ang sakit na ito," lahad ni Dawn.

Kesa makisawsaw sa mga isyu ng intrigahan sa showbiz, umiiwas talaga si Dawn sa ganito. Mas makatuturang undertakings ang kinasasangkutan niya.

"Ang mister ko [Congressman Anton Lagdameo] is a politician, and as his wife, responsibilidad ko rin na makagawa ng mga sarili kong advocacy na pupuwedeng makatulong sa mga nangangailangan. Lalo na sa probinsya, kung saan kami nanggagaling talaga. Alam namin ang kondisyon doon, at kung nagkakasakit ng gaya ng breast cancer, mahirap para tustusan ang treatment. Ang I Can Serve Foundation ang isa sa mga samahang malalapitan nila para sa ganitong tulong na kakailanganin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Of course, nami-miss ni Dawn ang showbiz. Nagkakataon lang na sa mga ganitong undertakings siya napapadpad ng panahon.

"Nag-tie up kasi ang Myra E sa project na ito, and I am their endorser, di ba? Kaya pumayag din ako. Sa negotiations pa lang, nilapitan na ako ng mga taga-foundation for this project, and I was convinced that I must do something like that," paliwanag ng aktres.

Patuloy niya, "Gusto ko pa ring umarte, mag-host. Pero pinipili ko na kasi ang assigments ko. I was supposed to do a teleserye for ABS-CBN, pero na-shelve. Ayoko namang tumanggap ng iba just for the sake na mayroon akong gagawin. Talagang namimili na talaga ako.

"With all the projects that I'm involved in right now, endorsements, and causes, I have already my hands full. Gusto ko lang na workable pa rin ang schedule ko, para magkaroon ako ng time for my son, Jacobo, and my husband."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN