Robin Padilla recalls it was Daboy who arranged his honeymoon with Liezl in Muntinlupa

"Hindi ko rin makakalimutan na hindi niya ako pinabayaan noong nakakulong ako sa Muntinlupa, halos araw-araw ay dinadalaw niya ako doon, na ikinatutuwa rin ng mga kasama kong bilanggo dahil sila man ay hindi kinalimutan ni Rudy dahil lagi siyang may dala para sa kanila," narrates Robin Padilla about his late cousin, Rudy Fernandez.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla sa taping ng Joaquin Bordado sa location nila sa Town & Country sa Cainta last Friday, June 27.

Masaya si Robin dahil umuwi pala sa bansa ang wife niyang si Liezl at ang mga anak nilang sina Zherileen (Zhenzhen), at ang only son nila na si Ali. Kaya buo ang family niya ngayon dahil kasama naman niya si Elizabeth Rozel (Queenie), at Kylie Nicole (Kylie).

"Dumating sila last Friday [June 20] from Australia dahil tapos na ang classes nila doon at malapit na ring mag-winter," kuwento ni Robin. "Ako sana at sina Queenie at Kylie ang uuwi sa Australia after ng taping ng Joaquin Bordado. Pero kailangang isunod ko na ang shooting ng movie ko with Sunshine Dizon and Rhian Ramos, ang Sundo ng GMA Films, kaya hindi na muna ako makakapagbakasyon. By July 14, baka umakyat na kami ng Baguio City for the shooting. Masaya po ako dahil makakasama ko silang umuwi ng Baguio."

May bahay rin kasi sina Robin sa Baguio dahil tagaroon naman sila talaga.

QUEENIE & KYLIE. Ngayong kumpleto sila, may curfew bang pinatutupad si Robin sa mga anak na sina Queenie at Kylie?

"Wala po, hindi ko sila hinihigpitan sa ganoon basta maingat lang ako sa mga kasama nila, may sarili silang bodyguard. Kaya po pareho silang may sariling sasakyan para hindi sila mahirapan kung gusto nilang umalis o umuwi. Pero mababait po ang mga anak ko, hindi nila ako binibigyan ng problema, hindi sila mga pasaway," sabi ni Robin.

Nabanggit ng PEP kay Robin na matatapos na ang Joaquin Bordado, pero hindi pa nai-interview ng press ang anak niyang si Kylie. Kailan ba niya papayagang makausap ng press ang anak?

"Malapit na po ninyo siyang makausap, sina ni Queenie at Zhenzhen, kasi ilu-launch na po sila ni Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment's big boss]," saad ni Robin. "Ipina-pictorial na po sila ni Boss Vic kahapon [June 26] at sabi po niya, siya na raw ang bahala sa mga anak ko, huwag na raw akong makialam. Si Dikong [Deo Fajardo, dati niyang manager], ang manager nila. Dinig ko po, igagawa sila ng movie. Kaya lang, hindi ko nga po alam ang detalye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROYETTE & RUSTOM. Kinumusta rin kay Robin ang mga kapatid na sina Royette at Rustom. Okey na ba si Royette na two months ago ay nagkaroon ng konting drama with their mother, Mrs. Eva Cariño.

"Telebabad lang po ‘yon ng buhay namin!" nagbibirong wika ni Robin. "Okey na po kami, madalas na dumarating si Royette dito sa taping. Noong isang gabi, magkasama kami ni Rustom. Balak sana kasi naming gumawa ng isang indie film sa RP Productions namin, tungkol sa buhay ng mga coast guards, pero hindi na po muna siguro itutuloy after sa nangyaring paglubog ng M/V Princess of the Stars."

RUDY FERNANDEZ. Sa gitna ng pag-uusap, biglang nasabi ni Robin na nami-miss niya ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez, na first cousin niya dahil ang mother ni Rudy at ang father ni Robin ay magkapatid. Kaya naitanong kay Robin kung ano ang hindi niya malilimutan kay Rudy.

"Ang kanyang sense of humor," sagot ni Robin. "Kahit ang words of wisdom niya, laging may humor kaya gagaan talaga ang pakiramdam mo kapag kausap mo siya.

"Hindi ko rin makakalimutan na hindi niya ako pinabayaan noong nakakulong ako sa Muntinlupa. Halos araw-araw ay dinadalaw niya ako doon, na ikinatutuwa rin ng mga kasama kong bilanggo dahil sila man ay hindi kinalimutan ni Rudy dahil lagi siyang may dala para sa kanila.

"Si Rudy rin ang umayos ng kasal namin ni Liezl doon sa loob ng kulungan. Nang matapos ang kasal namin, kinausap niya si Director [Vicente] Vinarao ng NBP, kung pwede raw kaming mag-honeymoon ni Liezl. Sabi ni Director, paano raw, hindi naman ako puwedeng lumabas. Kaya sabi ni Rudy, puwede raw bang dalhin niya sa loob ang kanyang Road Trek para doon kami mag-honeymoon ni Liezl. Pumayag naman si Director. Ipinarada niya ‘yong Road Trek niya sa labas ng medium security," kuwento ng action superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro si Robin kung sino sa mga anak niya ang nabuo sa loob ng Road Trek.

"Wala, hindi pumayag si Liezl!" tawa niya. "Sabi ko nga sa kanya, sayang naman ang pagkakataon, para na rin kaming nasa hotel. Pero hindi siya talaga pumayag. Paano naman, lahat ng bilanggo, may 4,000 yata ‘yon sa palibot ng medium security, nakatingin silang lahat. Kapag lumabas ako, palakpakan sila!" natatawang sabi ni Robin.

"Kaya sa lahat po ng ginawa sa akin at sa family ko ni Rudy, hindi ko po ‘yon makakalimutan magpakailanman," pahabol niya.

"TOTOY BATO." After ng Sundo, TV show ba naman ang isusunod ulit ni Robin?

"Totoy Bato po, pero baka po by December 2008 pa ‘yon. Kasi kailangan ko pa pong mag-training at magpalaki ng katawan dahil bato nga siya. Iyon pong original ng hari [Fernando Poe, Jr.] hindi po naman ‘yon puwedeng pantayan, pero sisikapin ko po na maging maganda ito.

"Humingi po ako ng four months na training, kaya ‘yon na ang time na kailangan kong umuwi ng Australia dahil hindi naman po ako puwedeng mag-training dito, hindi ako makatatapos. Kung masusunod ‘yong trainor ko, dapat ay six months daw. Pero sabi ko sa kanya, hanggang four months lang ako dahil kapag humaba pa sa four months, baka wala na kaming makain ng pamilya ko at wala na rin akong ipangsusuweldo sa kanya!

"Kaya after four months, babalik na po ako rito. Si Queenie naman ang makakasama ko sa action-drama series na ito. Hindi ko pa po alam kung sino ang magdidirek ng Totoy Bato, pero kung ako po ang masusunod, gusto kong si Direk Mac [Alejandre] at Direk Argel [Joseph] pa rin ang magdirek, dahil kabisado ko na sila," saad ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN