KC Concepcion and Angel Locsin both willing to star in a movie together with Richard Gutierrez

"Kung meron mang ibang tao na gustong siraankami or anything, hindi na lang kami nagpapaapekto. Alam naman namin between meand Angel, na we respect each other," says KC Concepcion (left) about Angel Locsin (right).



Ipinakita sa Entertainment Live! kahapon, June 28, angpaghaharap at pagkikita ng dalawa sa hottest young female stars ngayon na sinaKC Concepcion at Angel Locsin sa birthday party ni Ruffa Gutierrez last June21. Nakunan ang paglapit ni Angel kay KC para bumati. Kaagad namang niyakap niKC si Angel.

Sabay rin silang nagpa-interview at sinagot angpang-iintriga sa kanila dahil kay Richard. Si Angel ang kapareha ni Richardnoong nasa GMA-7 pa ang young actress, samantalang si KC naman ang katambal ngyoung actor sa unang pelikula ni KC.

Ayon kay Angel, "Si Chard, trabaho yung ginagawa namin perohindi talaga kami. Si Chard talaga yung may chance na makapagtrabaho sa ibangnetwork, ‘tapos nagtrabaho rito. So finally, mangyayari na nga ‘yon kaya I'mhappy for them."

Sabi naman ni KC, "Angel has always been very supportive andI'm here also to support her. So, you know...and we're friends. I mean, okay kamini Angel kapag nagkikita."

Sinabi rin nina KC at Angel na hinahangaan nila ang isa'tisa.

"Lagi akong nanonood ng Lobo at ang galing-galing niya!"papuri ni KC kay Angel.

Sabi naman ni Angel, "Si KC nakikita ko na siya yung tao nakung ano yung nakikita ninyo sa TV, kung panao siya ka-nice, ganun talaga siya."

Dagdag ni KC, "Kung meron mang ibang tao na gustong siraankami or anything, hindi na lang kami nagpapaapekto. Alam naman namin between meand Angel, na we respect each other."

Sinagot din nina Angel at KC ang posibilidad namagkasama-sama silang tatlo nina Richard sa isang proyekto.

"Anytime, kahit na guest lang ako, susuporta ako for her,"sagot ni Angel.

Sagot naman ni KC, "Sa future movie ni Angel, nandun ako."

Naging masaya raw ang lahat sa paghaharap nina Angel at KC.Naging mahigpit din daw ang yakapan nina Angel at Richard nang magkita sila sabirthday party ni Ruffa.

Kuwento ni Angel, "Nagkumustahan lang kami. Siyempre angtagal ko rin siyang hindi nakita. Siyempre na-miss ko rin siya. Kahit papaano,ang dami naming ginawang projects. Ayun, nagkumustahan lang kami. Yun lang,simpleng batian lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Richard sa Entertainment Live! na inspiradosiya ngayon, at isa si KC sa nagpapasaya sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN