"PDA" scholar Chivas expelled because of health reason

Chivas Malunda was expelled from the Pinoy Dream Academy after being attacked by hyperventilation and migraine.



Lumabas na finally ang Pinoy Dream Academy (PDA) scholar nasi Chivas Malunda kagabi, June 28, sa second gala night sa Eviction Hall.Natanggal si Chivas sa PDA dahil sa makailang ulit na health-related incidentsniya sa loob ng akademya.

Dalawang beses naospital ang aspiring singer. Una ay dahilsa hyperventilation at ang ikalawa ay dahil sa matinding migraine.

Noong Miyerkules, June 25, ay muling sinumpong ng karamdamanniya si Chivas. Habang abala sa kanilang project, lumapit si Chivas sa kanyangkabiyak na si Bunny dahil may nararamdaman na naman siyang kakaiba. Habangpa-excuse sila sa kanilang mga kasama biglang natumba si Chivas at nawalan ngmalay.

Dahil dito, isang napakahalagang desisyon na angnapagkasunduan ni Chivas at ang pamunuan ng PDA.

"Kinausap ako ni Teacher Mon [Monet Silvestre], ‘taposnag-usap kami ni Bunny. Nag-worry din ako sa loob kasi hindi lang akonaapektuhan. Makikita ninyo naman sa face ni Bunny na stress na stress natalaga siya. So I think na it's a good thing na lumabas ako at nasa isip koyung effect niya. E, may anak naman po ako sa labas, di ba? Ayoko naman ponaaapektuhan siya. Parang nasa loob yung bata, ‘tapos parating umiiyak, ayun,so masakit din po sa akin," pahayag ni Chivas.

Paliwanag naman ni headmaster Ryan Cayabyab, "We havefinally decided na, una, makabubuti sa health niya na lumabas na lang siya.Pero nakakatakot din na malay natin, nahilo siya at wala siyang kasama atnahulog siya. Importante sa akin ang kanyang health, ang kalusugan niya. Unangpinakaimportante sa akin na siya ay ligtas."

Kinabukasan, June 26, sa PDA Uberture isang emosyonal napamamalama sa isa't isa nina Chivas at Bunny ang nasaksihan ng mga scholars.Paglabas ay kumonsulta muli sa doktor siChivas.

"Yun din po ang findings niya. Same lang po. ‘Ayun,hyyperventilation and sa brain ko, same din po yung scanning niya and MRI niya.Huwag kayong mag-worry, okey na po ako," paniniguro ni Chivas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Chivas sa EntertainmentLive! para sa kanyang asawa na mag-isa na lang na itinutuloy ngayon angpakikipaglaban sa PDA.

"I love you. We're always here for you. Tuloy pa rin anglaban kahit nandito ako sa labas," tapos ni Chivas.

Samantala, sa isinagawang gala performance night kagabi, June 28, ay muli na namang itinanghal na Star Scholar of the Week si Liezel Garcia. Nakasama rin sa Top 3 sina Bugoy Bogayon at Laarni Losala.

Nalagay naman sa probation list sina Jet Singh, Sheng Belmonte, Cris Pastor, at Bea Muñoz. Pero iniligtas ng mga mentor si Bea samantalang si Cris naman ang isinalba ng mga scholars. Sina Jet at Sheng ang iboboto ng mga tao through text votes para malaman kung sino sa kanila ang mananatili sa Academy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN