Ryan Agoncillo's manager speaks up about the TV host's engagement to Judy Ann Santos

"Masaya ako na seryoso sila sa relasyon. Sinabi naman nila from the start nahindi sila naglalaro. So all their plans now are geared towards a permanentrelationship and a life together," says Noel Ferrer about the engagement of his talent, Ryan Agoncillo, with Judy Ann Santos.



By this time, maaaring dumating na ang magkasintahang sinaJudy Ann Santos at Ryan Agoncillo galing sa humigit-kumulang na isang buwangbakasyon sa Europe. Kinumpirma naman ito ngmanager ni Ryan na si Noel Ferrer sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kinuha namin ang stand ni Noel samarriage proposal ni Ryan kay Judy Ann.

"Any serious relationship ought to go there," umpisa niya."Masaya ako na seryoso sila sa relasyon. Sinabi naman nila from the start nahindi sila naglalaro. So all their plans now are geared towards a permanentrelationship and a life together. Umpisa pa lang naman ‘yan, e, yung proposal.They have to secure their future, build a house, ganyan. Tama naman na theywon't get into marriage unless they're really ready emotionally, spiritually,financially."

Ano na ang mangyayari sa career ni Ryan?

"Tuloy naman," sagot ng talent manager. "Well, now, I thinkhe's going to do Pieta. He's supposed to host a game show or some show inABS-CBN also. He's committed to those things. Sana nga, Fear Factor na. Kung mawala yungPDA [Pinoy DreamAcademy] sana yung Fear Factor na."

Tuloy pa rin daw si Ryan sa Kapamilya network kahit nabalitang may tampo si Judy Ann sa ABS-CBN.

"Hiwalay naman yung career nila to start with," paglilinawni Noel. "Judy Ann has an established career as an actress and, as we all know, Ryan's career gears into hosting talaga. May mga commitments sila separately sawork, and they can work together at the same time. But I don't think kailangangmag-bog down si Juday ng kahit na anong planoni Ryan.

"In the same way, parang si Ryan din can move on doing someother things. While they will haveprojects together for Regal sa pelikula, individually ‘ata I think Juday isdoing a nurserye, Ryan si doing Pieta. Ito talaga, sana mabalik si Ryan as a host. Yun angcompetency niya. He's a host first bago siya naging artrista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIDETRIP TO AMSTERDAM. Pinangatawanan ni Noel na nagpunta lang sa Amsterdam si Ryan to meet his parents. Perosi Ryan na lang daw ang magsasalita about that.

"Siya na lang. Napaka-personal para sagutin ko. Doon kasi sila, e. Yun ang pinakamalapit na i-meet.Kasama naman niya si Ga [Dante Garcia, kaibigan ni Judy Ann] doon. Pagpasok mong Europe, yun yung unang gateway. Yun angpinakamadaling ipag-meet.

"After Juday's commitment, they met up and then continuedwith their trip. Pero yun nga, inayos muna. He has to fix some things there.Kasama niya si Ga. Ay, yung sinasabing hiwalay sila, no, no..." paglilinaw ni Noel tungkol salumabas na balita.

Nabanggit din noon ni Noel na may mga importanteng dokumentorin si Ryan na kailangang ibigay sa kanyang mga magulang noong nakipagkita siyasa Amsterdam.Duda tuloy ng iba, ito ay may kinalaman sa pagpapakasal nila ni Judy Ann sa Europe.

"Ay, siguro kung marriage yun, kasama si Juday, di ba?"reaksiyon naman ni Noel. "It's really more of family emergency on Ryan's part,totoo yun. But they're really coming hometogether."

THE MARRIAGE PROPOSAL. Hindi ba siya nagtampo tulad ng manager ni Judy Ann na siAlfie Lorenzo dahil wala silang kaalam-alam sa proposal ni Ryan kay Juday?

"Kahit hindi ako kasama doon sa party... Nung nabasa ko atnalaman parang we were just happy for them. I think Tito Alfie and I met afterat nalaman na lang namin, ‘Ah, yun pala.' Ako kasi, matanda na sila [Ryan andJuday]."

Nabasa na lang ba niya ang tungkol sa proposal?

"Ah, hindi. Ako naman, I think, paano ba? I knew before theyleft. Because they were asking already for the YES! interview. Yun nga, kungmay alam ako di sananagpa-interview na ako sa YES!"

Nangyari ang YES! magazine interview before they told you?

"I think they had that interview bago sila umalis," sabi niNoel. "Ako naman, ang feeling ko, parang ako yung nagdetalye ng ganun. I didn'twant to know anymore, let them talk. At lalo na kunwari kapag tinatanong ako, I'd rather let them talk. Kaya pinakamaganda, marinig sa kanila. Kayanga nung tinanong ako, ‘Totoo ba yung ano?' Naku, hintayin natin sila sakanilang pagbabalik."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung totoo na ikinasal na sa Europe sina Ryan at JudyAnn?

"Ay, ako naman, they're of age," sagot ni Noel. "Pero Idon't think so. Marami pang paghahanda. And I think they would want theirfamily members to be there. The people close to them to be there too—TitoAlfie, Mommy Carol [Santos,Juday's mom], and the parents of Ryan."

Puwede naman nauna na ang civil wedding sa Europe at dito nasa Manila angchurch wedding, di ba?

"Hindi ko alam. I don't think they're up to it. Ako, yun angpagkakakilala ko sa kanila. If ever they do it, they are of age. Pero I don'tthink it happened this trip."

Balita na sunud-sunuran na lang daw ngayon si Judy Ann samga desisyon ni Ryan. Totoo ba ito?

"Let's give Juday more credit than that. I think she turned thirty already and even before, she had a mind of her own. Parang hindi lang siguronaha-highlight masyado. But she has her own mind and matalino si Juday,"pagtatanggol ni Noel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN