Jinkee Pacquiao says Pacman not retiring soon

"Nasa sa kanya naman yun. Pero, noong mag-usap kami, siguroraw mga dalawang fights pa. Kasi, ito naman talaga ang dream niya salightweight, ang maging champion ulit. Gusto lang din niyang makalaban si[Ricky] Hatton, yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwedena siyang magpahinga. Pero nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang gusto niya,"says Jinkee Pacquiao.



Bago nakausap ni John "Sweet" Lapus ang bagong lightweightchampion na si Manny "Pacman" Pacquiao sa Showbiz Central, nainterbyumuna via phone patch ni John ang misis ni Manny na si Jinkee.

Hindi maikukubli ang kaligayahan ni Jinkee sa tinamo nanamang tagumpay ng asawa. Aniya, "Siyempre, proud na proud ako sa asawa ko,kasi, hindi ako makapaniwala na nakamit na naman niya ito. Thank God, dahil angbait-bait talaga ng Diyos sa amin at ibinigay na naman niya ito sa amin."

MANNY'S DREAM. Susog naman ni Sweet, ito na raw yataang pinakamahalagang laban ni Manny dahil inagaw nito kay David Diaz angtitulong lightweight champion of the world. Tinanong ni Sweet si Jinkee kunggaano nga ba kaimportante kay Manny ang laban na ito, was it because dahil sakagustuhan ni Manny na maagaw kay David ang titulo or dahil sa gusto lang niyatalaga na makamit ang title sa apat na weight divisions?

"Yeah, ito talaga ang pinapangarap niya, na manalo siyangayon dito at makuha niya ang pang-apat na belt at maging champion ulit. Kasi,siya ang first Asian na nakakuha ng apat na belt. At saka, number one na poundfor pound."

Natawa si Jinkee nang sabihin ni John na dahil sa laban niManny, nawalan na naman daw ng traffic sa buong Kamaynilaan dahil halos lahatnga kasi ay nakatutok sa laban nito with Diaz.

FOCUSED MANNY. Tinanong din ni John si Jinkee kungmay ideya ba ito tungkol sa ipinamalas ni Manny na bagong estilo ngpakikipag-boxing against Diaz. Halos puro kanan na kamao daw kasi ang ginamitthis time ni Manny.

Sagot ni Jinkee, "Ako naman, pagdating sa laban ni Manny,alam ko naman na kayang-kaya niya dahil puspusan ang pag-eensanyo niya at hindiako magtataka na mananalo siya ulit. Pagdating sa training, talagangfocused si Manny at concentrate talaga siya. Kaya ako naman, panatag talaga angloob ko na mananalo talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Although, aminado rin ang misis ni Manny na kahit sa anonglaban naman daw ng asawa niya, hindi maaaring mawala ang kaba. "Oo, eh, hinditalaga mawawala yun lalo na kapag nag-start na ang laban."

Nasabi ni John na ang observation daw niya, ang laki ngkatawan ni Diaz. Sagot naman ni Jinkee, "Malaki lang ang katawan, pero hindimagaling. Sa first round pa nga lang, akala ko nga, hanggang five rounds lang.Pero matibay rin. Pero, hindi naman talaga siya magaling."

RETIREMENT? Nakaapat na titulo na nga si Manny. Kayanaman naitanong ni Sweet kay Jinkee kung may plano pa bang lumaban si Manny omagre-retire na ito?

"Nasa sa kanya naman yun. Pero, noong mag-usap kami, siguroraw mga dalawang fights pa. Kasi, ito naman talaga ang dream niya salightweight, ang maging champion ulit. Gusto lang din niyang makalaban si[Ricky] Hatton, yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwedena siyang magpahinga. Pero nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang gusto niya."

Si Ricky Hatton ang current International BoxingOrganization (IBO) Light Welterweight Champion.

Bilang asawa, nandoon lang naman daw siya palagi kay Mannypara magbigay ng moral support.

Sa huli, hiningan ni John si Jinkee ng kanyang mensahenaman para sa mga kababayan nilang Filipino na nanood at nagdasal para sapagkapanalong muli ni Manny.

Aniya, "Sa lahat po ng mga Kapuso, mga kababayan nating Filipino, nagpapasalamatpo kami sa dasal n'yo. At sana, patuloy pa rin nating suportahan atipagdasal si Manny para sa tagumpay niya. Maraming-maraming salamat sa inyonglahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN