John Lloyd Cruz says he has no apprehension playing Armando in "I Love Betty La Fea"

"Angproblema na lang yata ay kung dapat ba na nandoon ako sa show na yun or hindi.So yun, pinag-uusapan pa nila at inaayos pa nila kung ano ang dapat gawin. Saganoong sense, walang kinalaman yung title role ang babae. Kung anuman ‘to,I'll be happy to do it for Bea," explains John Lloyd Cruz about the possibility of playing Armando in Betty La Fea.



Sa kauna-unahang press conference for Star Cinema movie na AVery Special Love, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo,napag-usapan din ang teleseryeng I Love Betty La Fea ng ABS-CBN. Pinakamatunogkasi ang pangalan ni John Lloyd na siyang gaganap bilang leading man ni Bea Alonzo na si Armando.

Usap-usapan na bagama't mamayang gabi, June 30, pa lamangia-announce kung sino ang napiling gumanap bilang Armando, marami na ang kumakalatat nagsasabing si John Lloyd daw yun.

Pero nang unang i-announce na si Bea ang napili para gumanapna Betty La Fea, nasabi ng young actress sa ilang interviews niya napansamantala muna silang maghihiwalay ni John Lloyd bilang magka-love team.

Pero kung si John Lloyd din pala ang magiging katambal ulitni Bea, ano naman ang masasabi rito ng young actor?

"Kasi ngayon, yung sa Betty, wala pa naman talagangkasiguraduhan. Hindi ko pa alam kung sino ba talaga or kung may Armando na ba.Siguro isa lang ako sa mga choices or kung sakali man, nandoon lang ako sapinakamababa," pahayag ni John Lloyd.

Kinontra ng entertainment press ang sinabi ni John Lloyd nasiya ang "pinakamababa" dahil lumalabas na siya pa rin gusto ng mga fans namakatambal ni Bea at sinasabing pinakabagay na gumanap bilang Armando.

Pero ayon naman sa young actor, "Ako, sa tingin ko, angmanagement na, ang ABS-CBN na ang magdedesisyon diyan. Ako, at the end of theday, I'm still the company soldier na susunod lang sa gusto nilang gawin."

Itinanggi ni John Lloyd na may apprehension siyang gumanapbilang Armando dahil ang title role talaga ay nasa female lead.

"Wala, wala akong problema sa ganoon," giit niya. "Angproblema na lang yata ay kung dapat ba na nandoon ako sa show na yun or hindi.So yun, pinag-uusapan pa nila at inaayos pa nila kung ano ang dapat gawin. Saganoong sense, walang kinalaman yung title role ang babae. Kung anuman ‘to,I'll be happy to do it for Bea."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABOUT BARON. Kung matatandaan, kung meron man sigurong maku-consider siJohn Lloyd na mga una niyang nakabarkada sa showbiz, ito ay ang kasamahan niyasa grupong Koolits noon na sina Marc Solis at Baron Geisler. Si Baron nga aynakasama pa ni John Lloyd sa weekly series nila noong Tabing-Ilog.

Sa ngayon, iba't ibang negatibong mga balita angnaglalabasan about Baron. Bilang kaibigan, nagkakausap at napapayuhan ba niyaang young actor?

"Si Baron, alam naman niya, e," sabi ni John Lloyd. "Alamniya kung hanggang saan ako para sa kanya. Every time naman na magkikita kamingdalawa, parang alam ko na ang sasabihin mo at alam ko na ang isasagot mo. Parasa amin, alam na namin."

Tinanong ng PEP si John Lloyd kung bilang kaibigan aynababahala rin ba siya sa mga naglalabasang balita tungkol kay Baron.

Aniya, "Ang problema kasi sa magkakaibigan, hindi all the timenandiyan kayo para sa isa't isa. I mean, ako, hindi ako magmamalinis. Meronakong mga dinaanan sa buhay ko na ganoon din kabigat. Medyo para bang, iisipinmo, ‘Nasaan ang mga kaibigan ko?'

"Yun ang sinasabi ko sa kanya na, I will try kahitaraw-araw, pipilitin ko na huwag kong maririnig yung salita ng kaibigan naparang, ‘Nasaan ka noong kailangan kita?' Somehow, oo, naba-bothered ako bilangkaibigan."

Magkaganuman, ayaw na ring magbigay ng pahayag ni John Lloydsa kinasusuungang kaso ni Baron ngayon sa anak nina William Martinez at YayoAguila na si Patricia Martinez.

Katuwiran niya, "May kaso, e. Mahirap magsalita. Bastakung sa kaibigan, sa kaibigan ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN